WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Thursday, September 17, 2009

I Hate You

I hate the way you call my name,
for a gentle voice can make me smile.
I hate the way you whisper in my ear,
for every wave it lingers within.

I hate how you hold my hands,
like a puzzle that fits mine.
I hate how you touch my hair,
saying how you want me to stay.

I hate the way your hand touches my face,
for every inch I know you're here.
I hate the way you say you love me,
for I can feel every words you say.

I hate you doing the things I hated the most,
for all these things, are the things,
that make me love you most.

Tuesday, May 5, 2009

Love Is A Riddle

Love Is A Riddle
-euen-



He stands in the murk,
He's there in my heart,
He waits in the breeze,
He plays like a whizz.

I'm just a girl,
Lost in the whirl;
I'm so scared,
But I don't care.

He feels what i feel,
He sees what i see,
He knows what i know,
He loves what i love.

Act like a fool,
Feel likes to bloom.
Don't dare to stop,
Or else my heart will pop.

Put aside,
All my pride.
For love is a riddle,
And it's ready to mingle.







Tuesday, March 31, 2009

Ang Totoong Istorya ng Buhay Ko sa Dubai

Babala: medyo mahaba haba itong post ko kaya sa mga nde interesado wag nyo na pag aksayahan ng panahon to, pero sa mga nacucurious at interesadong malaman kun anu tlga ang totoong buhay sa dubai ito ang mumunti kong kwento. Ang kwento ng naranasan ko sa dubai. Nawa'y may maidulot itong payo at bagong kaalaman sa inyo.

Icocopy paste ko nalng ang naging liham ko sa isa kong kaibigan noon panahong wala akong makausap at masabihan ng sama ng loob. Ang mga pangalan na mababangit sa usapan ay nde nila mga tunay na pangalan.

We arrived here last may 23, 2006, na mit ko si apol (frend ni ate van), mother ni apol, at un iba pa nya relatives d2... sa haws nila kami tumutuloy ni ate van, one day lng un nagrest kmi coz next day pasok na kmi sa marina pharmacy for training (where apol is working)... nung una plang dey informed me na 1500 dhs lng un sahod sa marina pharmacy (marina pharmacy is the company who sponsored our visit visa hir) edi ok lng sken un, pero d2 ko lng din nlaman na sobrang mhal din pla ng rent d2 ng haws or bedspace, imagine bedspace lang 500-700 dhs na, e tubig kuryente mo pa nasa 200 dhs tpos food mo pa mga 200 dhs/month so compute mo magkano nlng mati2ra sa sahod namin nun... 1500 minus 1100 dhs = 400 dhs i-convert mo sa peso...... 4000-4800 php lng, imagine mo para lng ako nagwork dyan sa pinas,,, andon pa un masama un loob mo tuwing pa2sok ka ksi parang napipilitan ka lng tpos almost 2 hrs pa un pagbyahe kasi malayo sa haws tpos 10 working hours a day,, tpos andon din un lagi ka nahohome sick kaya minsan wala ka gana magtrabho buti sana kun malaki un salary ok lng na magtiis ka dba? Pero kun ganun lng un offer, cnu ba gaganahan magwork nun dba edi sana dyan nlng ako sa pinas nagwork, nde pako malungkot parehas lng nman un sahod.. and then the 2nd day ng training nmin sa ibang branch kmi ni ate van na assign,,, don namit ko un classmate ko nun college (syempre shocking effect pa kc nde mo ineexpect na may kakilala pla ko don) & then that frend of mine gave me some piece of advise na try ko pa daw maghanap ng ibang work habang nde pa kinukuha un passport nmin para maprocess un papers 4 employment kasi ganun daw tlaga diskarte nun boss nila na dey recruite fresh grad from phils & then kunin agad un passport para wala na kawala... so on that same day ganun nga nangyari, the boss wants us to give our passport to them... so i think twice kun kaya ko ba magtiis sa ganun lng kababa na sahod tpos 10 working hrs pa tpos 3 yrs pa un contract,,, so the next day absent ako sa training,,, i try to find a new job,,, lam mo ba nun nalaman nun mama ni apol na absent ako nagalit sya sken at pinag mumura pako... im so sad, depressed, & there's hatred in my heart at that time coz she don’t have the ryt na muramurahin nya ko, kun un mama ko nga nde ako minumura sya pa na nde ko nman kaano kano,,, she got angry at me coz she dont want me to find a new job..... i asked myself kun bket ayaw nya ko makahanap ng mas magandang opportunity???? ala nman masama don dba??? sobrang lungkot ko tlga at dat time niks alam mo un prang hawak ka sa leeg na nde k pde basta 2x kumilos sa bahay na un, ala pakong makausap, sobrang nde pako nakapag adjust lagi pako nahohome sick,,, lam mo un tipong b4 i go 2 bed i do always cry, dont know what 2 do, hanggang sa pagligo ko im still crying,,, pag nasa bed lagi ako naka cover ng comforter ko coz i don’t want dem to see me crying... and then sabi sken nun mama ni apol na if i don’t want 2 work in marina pharmacy kelangan palitan ko un visa ko kelangn sa agency na (why do i need to change my visa?? eh nagbayad naman ako sknila ng visa ko!). so fine saken! para wala na gulo... until advise saken ng mga frends ko d2 na kun pde kausapin ko un boss ng marina pharmacy na kun pde bayaran ko nlng un visa ksi 7 days ko plng nman naga2mit un visa sayang nman eh 2 months pa nman ang validity nun. so ginawa ko i talked 2 our boss in marina, ok mganda deal nmin sabi nya bayaran ko nlng ng 300 dhs so mas ok saken un kasi maka2tipid ako, so ganun nga, ok na deal nmin,, (I-ANALYZE MO 2 MABUTI HA?) & then afterwards i informed apol na pumayag boss ni apol na bayaran ko nlng un visa,(I informed her kasi nasa knya un passport at visa ko) & then apol called her mother at her cell , she informed wat happened, after mga 3 minutes ata nagring cell ko,, 2mtawag mama ni apol saken.... aba'y she really freaked out at dat time & she got angry agen at me,,, sabi nya "nde pde! kelangan mag exit ka tlaga palitan mo un visa mo", sabi ko tita ok na po nakausap ko po un boss ok na deal nmin, aba'y sbi eh nakausap daw nya un boss at nde daw pumayag na ganun lng... helloooo how come na nakausap nya un boss eh ka2tapos lng nila magusap ni apol & den she called me asap,,, getz mo?? tpos e2 pa.... sabi ko ok cge po kun yan po gusto nyo ok fine mag eexit ako (binaba na nmin un cp) around 11 am un mga pangya2ring un... so kelangan mahabol ko un flight ng 2 pm kasi gusto nila asap eh...eh si apol nasa haws at dat time so sabi ko "pol inform mo nlng un PRO na mga 12 pm dapat nasa airport na",, (dapat ksi may PRO from marina company na mageescort sken sa airport 4cancellation of my visa).. so sabi ni apol "dont wori anytime available un PRO, sya un nagpunta d2 kanina sa bhay"... so alis nako punta nako sa travel agency pra kuha ticket going to kish, iran. then nakuha ko na ticket ko, sakay ule taxi papunta airport so mga 12pm na, tinawagan ko ule si apol sa cp sabi ko "pol d2 nako airport san na un PRO, san kami magmimit? panu ko malalaman na sya un PRO? anu suot nya damit?"... sabi naman ni apol "ay euen nde nalng un PRO, si mama nlng mageescort syo sa airport, antayin mo lng sya dyan, nsa knya na un passport mo"..... Lam mo niks pagkababa ng fone naiyak tlaga ko, super iyak tlga ko, lam mo kun bket? nakuha mo ba un logic? kasi it means nde talga alam ng marina na mag eexit ako, cla lng un mama ni apol ang may gusto na mag exit ako at pahirapan ako... logic #1 nagkausap nga kmi nun boss na bayaran nlng un visa ng 300 dhs....logic #2 how come na nakausap daw nya un boss ng marina eh after 3 mins sken agad sya 2mawag after nya malaman un tungkol don.. logic # 3 how come na un mama nlng ni apol ang nag escort sken sa airport eh supposedly PRO from marina ang mageescort sken,,, eh bket don ba nag wo2rk un mother ni apol para sya ang mag escort sken??? dba gets mo? so it means cla lng talga ang may gusto mag exit ako at pahirapan ako,,, lam mo un feeling ko at dat time super down na down ako kasi nde ko akalain na kapwa mo kababayan mo gus2 ka pahirapan, ayaw kang umasenso sa buhay,,,, sobrang hirap nun niks kun alam mo lng... wala pako makausap... i didn't inform my parents about dat coz yoko mag alala cla sken... edi un nga habang antay ko mama ni apol sa airport sobrang tulo luha ko, un tipong nde ko mapigilan na wag umiyak.... nainis pako kc anung oras na dumating mama ni apol 1:30 pm na so nde ko naabutan un flyt ko,,, so nag paresked ako... kainis talaga...

june 6, 2006 exit ko papunta sa kish ( ang sama pa ng date 6-6-06).. eh un un tym na my news na pasasabugin daw ang iran ng US kita mo nman ang malas ko dba?? pero buti naman nde na tuloy un away nila......ang kish ay isang maliit lng sya na isla na parte ng iran... hoy gising ka p ba? tpos sympre nde ko palalampasin na nde ko malibot ang kish,,, 1st day plang gala na agad kmi ng mga nakilala ko sa kish,,, picture d2, picture don hehehhe sobrang nag enjoy ako sa kish,, tpos nun gabi may part don na may restaurant at my sheesha don puro mga pinoy tlga, tpos join ako sa sheesha, try ko din mag sheesha pro mga 4 times lng ata dahil inubo nako,,, teka alam mo b un sheesha? meron syang pipa na higupin mo un usok tpos bubuga mo parang nag yoyosi pero nde sya yosi ha? Meron sya ibat ibang flavor, may choco, strawberry, cherry, orange bsta iba2x.. isang sheesha lang tpos kayong lahat na don magshashare pero may kanya knya kyong pipa para nde nag kakahawaan ng laway noh.... hehehe... tpos don sa kish lumakas un loob ko at don gumaan loob ko dahil don nag share kami ng ibang ibang story namin sa dubai, kun anu din un mga naranasan nila d2 nagshare din cla,, tpos don ko narealize na swerte ko pa din pla ksi meron pang iba na mas mahirap ang dinanas kesa saken,,, so thankful din ako sa mga nakilala ko sa kish dhil pinalakas nila loob ko at sabi nila wag daw ako susuko, kaya ituloy ko lng daw ang laban at konting tyaga at dasal at magtatagumpay din ako.... 4 days din ako nagstay sa kish kasi lagi fully booked un mga flyt. June 9, 2006 pabalik nko d2 sa dubai... balik ako don sa haws nila apol at kinuha ko un gamit ko dahil don muna ko makikitira sa haws ng frend ko, so inimpake ko na mga gamit ko, aba un foam at unan ayaw ipadala sken sbi eh iwan ko nlng daw un at remembrance daw,, eh hello matapos tapos nya ko singiling don sa kama, foam, bedsheet, comforter, pillowcase tpos nde nya ipapadala sken un,,, edi pinagbigyan ko, iniwan ko nlng un foam, kama at unan alangan nman makipagtalo pako sa matanda dba? ay tska nga pla may nakalimutan ako ikwento b4 ako mag exit gusto nya sya nlng daw mag process ng ticket at un bagong visa ko at ang bayad daw eh 2000 dhs nyeeekkkk kita mo pang gugulang nya sken,, eh buti nlng my frend ako na may alam kun magkanu lng un ticket at visa, imagine 1300 lng un kuha ko package na tiket at visa na ,, edi may tubo pala sya na 700 dhs icompute mo kun magkanu din yang 700 dhs sa peso.... buti nlng nde ako saknya kumuha ng ticket at visa... ang gulang tlaga nun mama ni apol.... magkanu nlng natitira kong pera d2 sa dubai kelangan ko magtipid noh? tpos ang mahal pa ng singil nya sken sa kuryente at tubig, tpos un rent din don sa bedspace tpos ginulangan pa nya ko sa kama, foam at unan nde rin pla nya sken ipapadala. tpos dba un ticket na kinuha smin dyan sa pinas going hir is 2 way, so my refund pa un, nasa 700 dhs, aba eh nde rin binalik sken,, sabi ko sa sarili ko niks hayaan ko nlng, konsensya nalng nila un dba? tska as a sign of respect ko na rin sknya, lahat ng gusto nya sinunod ko kasi mother nga ni apol. tpos nun naglipat nako, don nako sa company accomodation nun frend ko nkitira, kinopkop nya muna ko habang wala pako work, so naka save ako ng pambayad ng bahay dba? kinapalan ko narin mukha ko niks ksi wala narin talga ko pera at ala narin ako pupuntahan,, sobrang awang awa nako sa sarili ko niks nun tym na un... nahirapan din ako don sa accomodation ng frend ko kc nga sa company nila un, so lagi ako patago at patakas umaalis pag la2bas ako ng bahay para mag hanap ng work,,, kasi pagnahuli un frend ko na may pinapa2log sya don na ibang tao eh mateterminate sya sa work nya, kaya lagi ako patago at patakas, hehehe lam mo tipong pakikinggan ko un door kun may tao sa labas o ala, minsan naman sa sahig ako nkikinig kun may naglalakad sa labas tpos un pag walang kalaban pde nako lumabas ng kwarto at dali dali at dapat tahimik lng ako na lumabas ng bahay. hehehehe.. buti nlng may sariling CR un kwarto namin kaya pde nako nde lumabas.... tpos niks ibang klase mga bus d2, nde katulad dyan sa pinas na kahit san pde ka pumara, e d2 kahit nadaanan na un bahay nyo e kelangan don tlga sa bus stop bumaba, tpos grabe ang accomodation pa ng frend ko e sobrang layo sa bus stop,,, almost 2 kms nilalakad ko niks papunta sa bus stop tpos sobrang grabeng init pa,,, sobrang sobrang init tlaga kaya medyo umitim nako eh.... everyday un niks tuwing maghahanap ako ng work 15 mins walk ako.... tpos pag my interview nakow pag dating mo don sa office ng pagiinterviwhan eh pawis pawis kna tpos namumula kapa dahil sa init sa labas,,,, grabe halos magkakasakit na nga ko nun tym na un eh,,, ksi maglalakad ka sa labas sorbang init tapos papasok ka sa mall sobrang lamig ang baho pa dahil sa mga arabo.... ginagawa namin sa mall, nagwawalk in kami para mgpass ng CV. kung anu anu na inaaplayn ko d2 niks kahit nde na related sa course ko... tpos meron pang time na my interview kami ng frend ko, sabay interview namin so sabay kmi nag punta don, hinanap namin un office, aba eh pagbukas samin sa pinto eh nakapanjama lang un mag iinterview samin, eh ibang lahi, edi kinabahan na kming dalawa (kabog kabog sabi ng puso nmin) sabi nmin anu ba nman tong magiinterviw nakapanjama lng... tpos pinapainom kmi ng coke,, sabi nmin wag tyo uminom kc baka may nilagay dyan na pampatulog, so nde kami uminom, tpos sabi nun ibang lahi w8 lng daw kmi kasi my inaantay pa na isang kapartner daw nya sa business, edi lalong lumakas kabog ng puso nami kasi magging 2 na cla tpos lalaki din, tpos ibang lahi din, tpos sinakay kami sa sa2kyan niks,,, diyos ko lalong kinabahan kami eh parehas pa kami alang load, tpos nasa loob na kmi ng sa2kyan eh nde nmin nakuha un plate no. so patay 2x na nman kmi,,, so ginawa ko tnxt ko un frend nmin na lalaki ininform kun anu un ngyari tapos describe ko un sa2kyan at un mukha ng 2 ibang lahi... edi tawg agad un frend namin nag alala samin,,, tpos nde namin alam kun san kmi da2lhin eh nde pa rin nmin alam pasikot sikot d2 sa dubai... tpos nag park kmi don sa sheraton hotel diera,,,, sbi nmin anung klasing interview to bket sa hotel kmi dinala edi lalong lumakas ule un kabog ng puso nmin (kabog kabog kabog) sabi nmin pag tayo pinasok nito sa isang kwarto nde tyo papasok! tpos buti nlng tumawag ule un frend namin sinabi nmin na nasa sheraton hotel kmi, buti nlng sumunod at sinundo kami ng frend namin na lalaki,,, hayyyy grabeng kaba un niksss... dami talga d2 mga gagong ibang lahi,,, tpos meron pa isa niks,,,, inoffferan un frend ko na babae ng 18,000 dhs (270,000php) kakain lng daw ng diner,,,, hello ikaw ba naman wala ka bang masamang intention nun magoofer ka ng ganun kalaking halga para smahan ka lng mag diner... grabe noh??? pero pag pnakita mo nman saknila na nde ka ganung klaseng babae eh dey will respect u nman nde ka nman nila pipilitin... hayyy nikksss ganyan ang buhay d2 sa dubai.... tpos my time pa niks na nawalan narin ako ng pag asa dahil sa sobrang hirap maghanap ng work d2 dahil dami kacompetition at dahil pababaan narin sla ng offer sa salary dahil alam ng mga employer na marami tlga na nagha2nap ng work,,, alam mo un one day nasa taxi ako sobrang lungkot ko sobrang nawa2lan narin ako ng pag asa, bigla nlng nagsalita un taxi driver (ibang lahi) "why are u so sad my friend? dont wori God is fixing u, God has plans 4 u", tpos napatinging ako sknya muntik ng tumulo luha ko pero napigilan ko pa din,, dahil sa sinabi nya lumakas ule loob ko niks at ndeng nde ko maka2limutan tlga un snabi nya, lam mo un, prasyang angel in disguise... tpos na hire ako sa GNC (meron nun dyan sa pinas eh)... tpos lam mo ba niks GOD is so Good tlaga, up to the last minute na ku2nin na dapt ng GNC un passport ko eh 2mwag saken un American Hospital (one of the leading private hospital in dubai) at tanggap daw ako don at ok din un medical ko don.... grabe niks sobrang saya ko tlaga nun tym na un lalo nun pinakta nila sken kun magkanu offer nila sa salary sobrang saya ko tlaga niksss,, ang bait tlga ni GOD..... tpos ayun nag sign nako ng contract nun isang araw, free accommodation and free transpo.. grabe anu sobrang bait tlga nya niksss... lahat ng paghi2rap na dinaanan ko d2 eh may mas maganda palng kapalit.... laht ng tyaga ko ok nman niks dahil may magandang patutunguhan nman pla.... hehehhe so anu kaya mo pa??? ang haba noh? syensya kana nasa mood lng ako magkwento ngayon eh... pero lam mo niks until now ala kmi communication ni ate van simula nun ngyari nun sa marina pharmacy,,, i dont know y? naalala mo pa dati dba sabi nmin sa isat isa, cnu pa ba ang magtutulungan kundi kming dalawa lng, alala mo pa b un? pero ala, ewan ko kun anu ngyari, ala nako balita sknya until now,,, may nagawa ba ko niks??? based sa knuwento ko syo anu ba ngawa ko?? bket ganun sya? bket parang galit din sya sken? mas kampi pa sya don kila apol? sabihin mo niks my nagawa ba ko?? magsalita ka!! anu bat ayaw mo magsalita??? Hehehe may topak nnman ako niks.. hehehe inaaliw ko lng sarili ko niks ksi minsan sobrang nalulungkot ako d2 niks,, sobrang namimis ko na kyo dyan,,, family ko, pamangkin ko, lhat kyo ng mga kaibigan ko sobrang miss ko na... kaw naman magkwento... musta na nga pla sila omeng, perin, ariane? Don parin ba un dlawa nagwo2rk sa doctors? Kwento ka ha? hanggang d2 nlng pow ha? sumasakit na tiyan ko mukhang kelangan ko ng umuwi at bumili ng toilet paper... cge pow.. bye na po ha?? Ingat lagi.... mwuuaahhhhh.... bye g0dbless u and take care always nikssss.............

Thursday, March 12, 2009

Brooom Brooom (I've Been Tagged!)

At dahil ang hilig hilig nyo akong i-tag ayan may bago na naman akong ipopost. But this time ang nagtag sken ay si taraaaannnn bojoy ... at ito ay tungkol naman sa broooom brooom (sasakyan), magkkwento ng mga karanasan about sa mga nasakyan.

Jeep--> itong kwentong to ang pinakamalala kong naranasan sa jeep. Nasa dulo ako ng jeep nakaupo (yung dulo na tipong malapit sa likod ng drayber) katapat ko ang isang lalake. Tapos meron syang dalang malaking plastic bag (as in malaki, nde ko alam kun anu laman). Yun ang ginamit nya pantakip sa katabi nya para nde nakikita ang ginagawa nya. At syempre dahil ako ang katapat nya eh kitang kita ko ang kanyang ginagawa. Oo meron syang ginagawang ewan na nakakadiri. Err nde ko mabanggit kun anu ginagawa nya hahaha. Cge english term nalang para sosyal. Err Oo nag mamasterbate sya. Putek na yon! At saken pa sya nakatingin, parang ako pa ata ang pinagpapantasyahan ng loko! Gustong gusto ko ng bumaba nun oras na yon dahil nandidiri ako sknya pero naisip ko baka sundan lang ako ng loko pagbumaba ako ng wala pa sa amin. Kinakabahan din ako nun time na yun at sobrang diring diri, inisip ko din baka saken pa sumirit kun anu man ang dapat sumirit pagnakaraos na sya!!! Grrr Ewww!!! Hayuf sya!! nde ko alam kun baka baliw ata yun taong yun. Lapitin ako sa manyakis tuwing bumibiyahe ako kaya hangga't maaari e ayoko ng nagcocommute.

Bus--> Magandang karanasan naman ang meron ako sa bus. Kasi tuwing puno na ang bus at tipong nakatayo na lahat ng tao na parang mga sardinas na e may mga mababait naman na tao na nag ooffer ng upuan nila para paupuin ako. Walang mintas yan, lalo na nung nasa makati pako nagttrabaho. Nakakainis lang yun ibang lalake na prang manhid at un iba naman nagtutulog-tulugan pa kunwari. haha.

Motor--> first day ko sa dubai nun, galing ako nagexit from Kish, Iran nang mabunggo ako ng motor. Mabilis pa naman ang takbo ng motor pero kasalanan nya kasi stop sila. Pero himala, dahil nde man lang ako tumalsik sa lakas at nasugatan man lang ngunit, subalit, datapwat yun motor pa ang natumba saken hahaha kaya galit na galit yun arabo e. shu hada baba!! ana mafi malom arabic kaya wag mo ko minumura ng arabic! haha

Eroplano--> nagexit ako sa Kish, Iran at first time kong sumakay ng eroplano nila. Err sobrang liit ng eroplano nila parang tora tora style, naka propeller lang. Yun tipong konting ihip lng ng hangin eh tatangayin na agad yun eroplano (no joke! totoo yan). Tapos super baho pa sa loob ng eroplano, tapos ilang dipa lang ata eh andyan na agad ang piloto. Kaya super mega dasal ako nun time na un kasi biruin mo din malas pa un date na nag exit ako, it was june 6, 2006 (666).

Ayan tapos na kwento ko about sa brooom broom kaya ang i-brrooom brooom tag ko naman ngayon ay sina .....

yanah
axel
toyz

Thursday, March 5, 2009

Isang Barbero at Siyam na Katotohanan

Matagal na akong na tag ni litol birses pero ngayon pa lang ako makakagawa ng ipopost ko. Tulad nila magbibigay ako ng sampung kwento sa buhay ko pero ang isa dito ay kwentong barbero lang.
1. Lately ko lang natutunan ang mga pangalan ng gulay at mga itsura nito. Dahil wala naman akong interest sa pagluluto dati kaya wala akong pakialam kung ano ang tawag sknila. Nung mapadpad lang ako sa dubai tska ko lng nakilala sila bawang, sibuyas, pechay, repolyo, labanos, kangkong at kung anu anu pa. Ocge pagtawanan nyo ko! kakahiya man pero atleast ngayon kilala ko na sila noh! Bhe!
2. Yun boyfriend ko ngayon, sya palang ang kauna unahang lalake na napakilala ko sa mga magulang. Sobrang strict kasi ng papa ko!
3. Napagkamalan akong pokpok sa dubai... ampfufung yan! Oo napagkamalan akong pokpok! Naglalakad nako pauwi sa bahay ng friend ko sa isang madilim na lugar na magkakalayo ang bahay at mala disyerto ang kapaligiran ng may biglang kotse sa likod ko. Iniilawan nya ko ng patay sindi, un tipong nagpapapansin. At dahil ibang lahi sya, nde ko maintindihan ang sinasabi ng loko at parang inaaya nya akong sumakay sa kotse nya at meron syang pinapakita na prepaid card worth 25 dirhams! ampfufu talaga yun! Syempre kabado ako at nde ko alam gagawin ko! Buti nlng naisip ko na magkunwari may kausap ako sa cellphone ko na tipong tumatawag nako ng pulis! Nung marinig nya ang salitang "police" aba'y karipas sya ng takbo! uhm loko ka!
4. Isa akong frustrated singer. Pero ilang beses nakong nakakanta sa stage na tipong maraming nanunuod na nde ko kilala. Kakahiya.
5. Meron akong kakaibang powers, nde ko na i-elaborate dito, mahirap iexplain at baka nde kayo maniwala.
6. Nasubukan ko ng matae sa salawal ko. Mga grade 5 ata ako nun, naglalakad nako pauwi ng biglang sumama ang tiyan ko. May mga classmate pa naman akong kasabay na naglalakad ng biglang may naaamoy daw silang mabaho. Hahaha deadma akow!
7. Nauso samin ang kodigo nung hiskul kami. At dahil gusto kong makiuso e nangodigo narin ako. First time kong mangodigo e nahuli pako! Halatang nde ko gawain ang mangodigo dahil ako lang nahuli ng titser namin.
8. Megaphone ang tawag sken ng supervisor ko dati sa trabaho.
9. Super friendly ko daw. Kaya kahit minsan kahit nde ko kakilala yun tao e kinakausap ko, nagkkwento narin ako ng mga naging karanasan ko. At dahil sa nde inaasahang pagkakataon ko lang nakilala ang ibang tao e nagiging magkaibigan naman kami at kakatuwa kasi minsan sila pa un magttxt sken.
10. Kaya kong nde mag poopoo ng 1-2 weeks. Lalo na pag nasa ibang lugar ako. Maarte kasi ako sa CR, nandidiri kaagad ako pag nakita kong nde ito malinis. Tska matagal kasi ako mag poopoo, yan ang moment ko ng pagbabalik tanaw sa mga magagandang nangyari sa buhay ko.
O kayo nang bahala mamili kun alin dyan ang kwentong barbero lang!
Nde narin ako magtatag kasi halos lahat ng kilala ko natag na nila.

Monday, February 23, 2009

Apo Reef Island Escapade

Ang isla ng Apo Reef ay matatagpuan sa Sablayan, Occidental Mindoro. Kahit na more than 12 hours ang biyahe namin papunta dyan ay sobrang sulit dahil sa taglay nitong likas na kagandahan. Habang nasa bangka papuntang isla ay may nakita kaming dolphins, mga 3 or 4 ata sila. Malas lang namin dahil wala kaming nakitang butanding. Sobrang alaga nila ang isla kaya bawal mag uwi ng mga corals, buhangin at kun anu anu pa. Kaya sa mga gustong pumunta sa islang ito, pakiusap na alagaan din naten ito, wag nating hayaan masira ang likas na kagandahan ng Apo Reef.





Solo namin ang buong isla ng tatlong araw at dalawang gabi. Sobrang saya ng grupo namin at dahil syempre may teamwork pa. Nag snokerling din kami at maraming kakaibang isda ang nakita namin. Para lang kaming mga bata pag may nakikita kaming turtles, sharks, at hammerhead.

Teka ikkwento ko ang mga kaganapan...

First day- nagtayo ng mga sariling tents, nagluto ng almusal, nag snorkeling, natulog ang iba habang kaming apat jason, sherwin, axel at ako ay tumakas at nagpunta sa mangroves forest at lagoon, syempre nde mawawala ang picturan moment. Pagbalik namin sa campsite, aba mga tulog pa din sila pero nagising narin. Maya maya ay sinimulan na nila ang inuman, masyadong maaga para simulan nila ang inuman, mga 3:00 pm ata nag start na sila hanggang sa antukin na sila. Syempre habang nag iinuman with matching kantahan pa, kwentuhan, jokes at kun anu anung kalokohan pa ang mga pinag gagawa ng mga mokong (sila na nakakaalam nun, bawal ikwento hahaha). Samantalang kami, pagsapit ng gabi ay tumambay na kami sa pampang at nag star gazing, hanggang sa antukin at pumasok na ng tent. Pero nde rin ako gaano nakatulog dahil ang tent namin ni ayz ay napapaligiran ng magkabilang tent na kun saan ang lalakas humilik ng mga tao.







Second day- madaling araw palang at gising na ang ibang tao. Habang nagluluto ng almusal ay napagkwentuhan nila ang mga kagaguhan pinag gagawa nila nun gabi. Matapos kumain ng almusal ay nag island tour naman. May pinuntahan kaming old house at lighthouse. Sa taas ng lighthouse ay kitang kita mo ang buong isla at ang tunay nitong kagandahan at kalinisan. Masasabi mong sobrang mawawala ang stress at problema mo sa buhay pagnakakita ka ng ganitong kagandang lugar. After sa lighthouse, nagpunta naman kami sa mangroves forest at lagoon. Sa lagoon, dami namin nakitang manta ray at meron din kaming nakitang maliit na shark. After that bumalik na kami ng campsite at kumain ng tanghalian.


Then natulog muna saglit tapos nagkwentuhan at nag snorkeling. Ampfufung mask ko! nagsisisi ako kun bket nde ako tumulad saknila na naglagay ng toothpaste sa mask, ayan ang labo tuloy ng paningin ko sa ilalim ng dagat. At kuya rick na aming tour guide, pasensya na kun lagi kitang pinapalangoy sa tuwing nabibitawan ko ang snorkel ko. After mag snorkel ay nagswimming then naglaro ng volleyball. Syempre panalo ang team namin nyahaha. Tpos nagluto ng hapunan ang mga nde sumali sa volleyball. Bago kumain ng hapunan nag laro kami ng game about songs.



After kumain, kaming apat kuya rick, ioni, bob at ako ay bumalik ng lighthouse. Sinamahan namin si ioni para maovercome nya ang fear nya sa height. Habang ang iba naman na naiwan sa campsite ay kumuha ng mga kahoy para pang bonfire. Habang pabalik na kami ng campsite galing lighthouse ay napadaan kami sa old house, ampfufu! dahil gabi na at madalim ay may naramdaman akong kakaiba, nanlamig ang ibabang bahagi ng paa ko at parang gusto kong kumaripas ng takbo, at dahil matapang ako kunwari, nde ako tumakbo subalit nagbalik tanaw pa ako sa lumang bahay. At sinabihan ako ni bob (na may pagka spirit questor) na wag maingay at wag nang lumingon ule.
Pagdating sa campsite, bonfire! bonfire! bonfire! first time kong makatikim ng sunog na marshmallow, oo first time, bket ba?! kaaliw, puro asaran, kwentuhan, star gazing, inuman sila, at may bago akong natutunan sa constellation (ewan ko lng kun tama nga ang pinagtuturo nila hahaha)

Third day- Nagligpit ng tents, kumain ng almusal, naglinis ng mga kalat. Hay uwian na. Kakalungkot naman. Sumakay ule ng bangka papuntang Sablayan proper. Kumain ng tanghalian sa Kainan sa Kubo at wakas nakatikim din ng sobrang lamig na coke at sobrang lamig na tubig whaaa so refreshing! After kumain, 2.5 hours drive ule going to Abra de Ilog, syempre walang magawa sa van kaya nagkantahan at nagsayawan. Then 2.5 hours ule ang biyahe ng montenegro going to batangas pier. Pagdating sa batangas pier ay nagutom at naghanap ng makakainan at cr. Medyo parang malas kami dahil wala kaming mahanap na makakainan dahil ang gusto nilang kainin ay lomi. Nakahanap nga kami ng kakainan pero nagbrown out naman hahaha ayos!
So panu sa uulitin? Hehe
Maraming salamat nga pla sa taong nagdala samin sa Island na to. Maraming salamat din kay Kuya Rick at Ate Rea na aming tour guide, at kay Kuya Leslie na aming driver. At syempre maraming maraming salamat din sa mga sumama na kung saan nabuo ang ASS- Apo Snorkeling Society.

Monday, February 9, 2009

The Mantis And The Ant

One day the bug and the ant were walking around the garden and having some sweet talks and jokes. They saw this mantis busy praying. The mantis and the bug were good friends, so the bug introduces the mantis to her friend ant. They had some few talks and after a couple of minutes the bug and the ant decided to continue walking.

Everytime the ant passes the trail where she met the mantis, she always notice that he is always busy in his work. The mantis won't even notice the ant, until the ant started to mock the mantis. Knowing that the mantis has mood swings and yet she still continues to mock him. And that's the time the mantis realizes the existence of the ant. They became good friends, started to share thoughts, smile, laugh, tease and even cry.

As time goes by, it seems like they are already started to care for each other. Until one day, the mantis is not in the mood due to some problems in his work until the ant got involved for being hot tempered of the mantis. He got angry to the ant. Some unbearable words has been released from his mouth and the ant got hurt. She cried, got confused and didn't know what to do. She got home feeling lonely and feeling some part of her is missing. The mantis got hurt also because maybe he didn't mean to sorely hurt the ant.

The ant talked to the fairy, who's singing solemnly near the river and told her what happened. And with the magic of the fairy with the magic word everything just went fine. (Sa nakakaalam ng magic word malamang hagalpak ka na sa kakatawa ngayon). The ant was relieved after talking to the fairy.

The mantis and the ant couldn't bear ignoring each other. So they've decided to patch things up. They've learned to ask for forgiveness and learned how to forgive. And from that incident they've realized that they got hurt and not knowing that they are already falling in love with each other.

Thanks to the fairy and to the magic word. That is just the beginning of their love story. Hoping that everyday they will love each other more and that they can surpass all the trials that might come their way.

Tuesday, January 27, 2009

Golden Hearts in Golden Acres

What: Greenies Outreach Program
When: Jan. 24, 2009 11:00 am - 3:00 pm
Where: Golden Acres
Who: Greenies o nde greenies ok lang
Why: Gusto lang namin tumulong at magpasaya ng mga matatanda. Bket ba?!


Ang alam ng karamahin ay puro kalokohan, katatawanan at kabastusan lang magaling ang mga greenies. Ang nde nila alam ay may ginintuan puso din kami, handang tumulong at magpasaya ng mga tao. Isang tunay na kapamilya mong maituturing ang mga greenies.

Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman nagkaroon ng outreach program ang greenpinoy family . But this time, sa mga oldies naman kami nagbigay aliw. Makikita naman ang bakas sa kanilang mga labi, ang kanilang mga matatamis na ngiti.

Iba't ibang kwento ng kanilang buhay ang aming natunghayan. May mga lola's at lolo's na nakakaloka, may mga bonggang bongga din, may mga pasaway, may mga palabiro, meron din "maalala mo kaya" moment, meron mga palaaway, meron masungit, meron palakaibigan, meron din mabait. hahaha at meron akong dalawang lola don na nde ko malilimutan dahil un isang lola eh nasungitan ako ng todo (ang tarush ni lola promise!)at yun isang lola naman na naging kaclose ko din, hinamon ko sya ng table tennis pero ako naman ang natalo hahaha kakahiya tuloy. Magaling talaga si lola magtable tennis kahit na matanda na sya ay may papektus pektus pa syang nalalaman... o diba san kapa?

Nde lang sila ang napasaya namin dahil kahit kami mismo ay may naramdaman na tunay na kagaligayahan dito sa puso... oo dito sa puso! Iba ang sayang at pakiramdam ang makitang may napapasaya kang tao. Marami akong natutunan at narealize sa pagpunta namin don.

Ang magpaalam sa kanila dahil kelangan nang umalis ay napakahirap dahil umaasa silang kami'y babalik at magkikitang muli. huhuhu

Muli ako din ay nagpapasalamat sa lahat ng taong sumuporta at tumulong upang maisagawa ang programang ito (pati narin yun mga nasa ibang bansa) ... Sa mga nde nakasama, sa susunod sumama kayo! hahaha


Maraming salamat din kay chroneicon at kay cyberlola at sa lahat ng nagpunta!!!

Thursday, January 22, 2009

Nasermonan ko Mama ko

Kagabi habang nag ppiano ako sa sala, narinig ko ang kapatid ko na nanghingi ng pera kay mama. Syempre tinatunong ko kapatid ko kun san sya pupunta dahil alas nuwebe na ng gabi. Aba eh mag sstarbucks lang daw sya at tatambay lang daw don. Aba'y nagtililing ang tenga ko! dahil ilang araw narin kaming sinesermunan ng mama ko dahil puro na lang daw kami lakwatsa, lakwatsa ng lakwatsa. At noong isang araw umalis kami ni rab at nde kami binigyan ni mama ng pera para matotoo daw kami mag tipid kaya naman nde na kami nakapag tanghalian ni rab dahil nagtipid kami, tapos ngayon magsstarbucks lang sya! aba sosyal sya ha at sumosobra na ata sya dahil parang everyday nalang ata syang umaalis ng bahay at kun minsan eh nde pa umuuwi ng bahay ng ilang araw. At ito namang mama ko e nde nag atubiling mag abot ng pera. Pag bunso nga naman ooh!!!
Kaya ginawa ko pinagalitan ko kapatid ko, pinakonsensya effect ko sya. Binalik din naman ang perang inabot ni mama pero umalis parin ang mokong at pera nalang daw nya gagamitin nya. Pag alis nya, ang nanay ko naman ang sinermonan ko.

ako: pang kape lang bibigyan mo agad ng pera at pinayagan mo pang umalis!
ako: nag dala pa ng sasakyan e pde namang lakarin! (walking distance lang naman kasi ang starbucks d2 samin)

ako: aba napakasosyal naman nyang anak mo!

ako: nde kami nakapag tanghalian nun isang araw dahil nde mo kami binigyan ng pera tapos ngayon pang kape lang ng bunso mo e bumunot ka kaagad ng pera sa wallet mo! aysus!

mama: hahahha ako pa tuloy ang nasermonan ah! anak baka magalit un kasi binalik un pera eh

ako: hayaan mo sya! umaabuso na nga eh

ako: kahit anu talaga hilingin syo ni rab (un bunso kong kapatid) pinagbibigyan mo!

ako: (nagddrama pero patawa) puro nalang si RAB!! RAB!! RAB!! panu naman ako!

Haay ang mama ko tawa lang ng tawa saken... Panu kasi si rab talaga ang pinakapaboritong anak ng mama ko. Alam din ng pamilya ko na minsan nagseselos ako kun parati na lang si rab ang nabibigyan ng pansin. Minsan tuwing lalabas kami kahit anung gusto ni rab na makita sa mall abay binibilhan talaga sya ni mama. Ako naman nde naman ako nagpapabili kasi nahihiya din naman kasi ako, pero ang kapatid ko ang kafal talaga ng face! masaya nako sa ukay ukay hahaha... Minsan din nakakasama ng loob kasi obvious naman talaga na si rab ang paborito ni mama pero haay nasanay narin ako.

Teka parang birthday ko ngayon ha? bket kapatid ko ang binablog ko!!! hahaha

Maraming salamat nga pla sa lahat ng bumati saken!!! mahal ko kyong lahat!!! mwwuuuaahhh

kita kits nalang sa sabado!
mwuah mwuah mwuah

Sunday, January 18, 2009

Larawan

Lumaki akong nde nakilala ang aking ina. Sa murang edad naranasan ko ang lupit ng aking ama, ang pagmamaltrato, pagbubuhat ng kamay at ang pagmomolestiya. Kaya naman sa edad na 12 taong gulang minabuti kong lumuwas ng maynila, makaiwas lang sa mala demonyo kong ama.

Sa aking pagluwas ng maynila ay sinikap kong makahanap ng maayos at disenteng trabaho. At dahil sa wala akong pinag-aralan ay namasukan muna ako bilang katulong ng mahigit dalawang taon at hanggang sa mapadpad ako sa isang club. Tatlong taon din akong nagtrabaho sa ganung klaseng lugar hanggang sa mabuntis ako ng nde inaasahan. Nagahasa ako ng isang adik ng ako'y papauwi na galing club. Nde ko lubos na matanggap ang nangyari sken. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong nararamdaman ang bawat kilos ng sanggol sa aking sinapupunan. Kaya naman wala akong magawa kundi tanggapin na lang ito. Pinatalsik ako sa club na pinagtatrabahuan ko dahil sa nalaman nilang buntis ako. Problemado ako. Nde ko alam ang gagawin. Kelangan kong gumawa ng paraan upang mabuhay ko ang aking anak.

Nailuwal ko naman ng maayos ang aking anak sa pamamagitan ng konting ipon galing sa pagtitinda ng banana Q sa bangketa. Isang maganda at mukhang mabait na anghel ang dumating sa buhay ko. Nagtiis ako ng pagtitinda sa bangketa upang mapag aral ko sya.

Natapos nya ang elementarya at hiskul. Hanggang ng isang araw noong sya'y nasa kolehiyo na ay nde sya umuwi ng bahay. Ilang araw akong nag antay sa kanyang pag babalik at tila'y tuluyan na nya akong nakalimutan.

Alam kong masama ang loob nya sken dahil ayaw nya ng ganung klaseng pamumuhay. Nasasaktan ako tuwing ikinakaila nya ako sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Nde ko sya masisisi kung baket nde ko sya nabigyan ng magandang pamumuhay. Masakit ang ginawa nyang paglisan dahil sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob. Simula noon wala na akong nabalitaan pa sa kanya.

Makalipas ang tatlumpong walong taon...

Malamig ang simoy ng hangin at malakas ang pagpatak ng ulan. Nakahiga sa bangketa, nanginginig at tila'y wala ng lakas nang biglang may lumapit na isang dalagita na may bitbit na payong. Napaka amo ng kanyang mukha at pilit nya akong sinasama sa kanya. Pumayag akong sumama, dala ang aking isang lata na halos mapuno na ng barya. Dinala nya ako sa kanilang tahanan. Isang masarap na ulam na may kanin at mainit-init na sopas ang kanyang pinakain saken. Pinainom din nya ako ng gamot.

Habang sya ay nasa ikalawang palapag ng bahay at kumukuha ng damit na ipasusuot saken ay pinag masdan kong mabuti ang loob ng bahay. Maganda. Maaliwalas. Malinis. At habang higop-higop ko ang mainit na sabaw, na pansin ko ang isang larawan sa kanilang sala. Tila ito'y larawan ng kanyang pamilya. Habang tinititigan ko ang larawan ay nde ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang aking luha.

Minabuti kong umalis na ng bahay ng nde nagpapaalam sa dalagita. May patak ng luha ang mga mata at may ngiti ang mga labi ng lisanin ko ang bahay. Iniwan ko ang aking lata na puro barya sa tabi ng larawan. Sobrang galak ang naramdaman ng aking puso nang malaman kong naging masaya at maganda ang kanyang naging buhay simula ng ako'y kanyang lisanin.

Wednesday, January 7, 2009

Could It Be You?


i need someone to care for
someone to understand not to ignore me
to appreciate not to spoil me
someone who will forever be true to me

i need someone to share my troubles
someone who'll gently listen to my songs
someone who'll always remember me
someone who'll shower me with love

i need someone
someone who'll teach me what is right
someone who'll bring me to the real way of life
someone who'll let me feel the true happiness

i need someone who will long for me
and thinks of me when im away
someone who'll print me in his memory
and will hold me for eternity

i need someone who will love me
not for what i have
but because of who i am
im longing for this someone
could it be YOU?



Friday, January 2, 2009

Goodbye 2008! Welcome 2009!


Maraming nangyari saken sa taong 2008, meron masaya, malungkot, kahindik hindik, kagila-gilalas, kapana-panabik, at kun anu anu pang halong emosyon. Marami akong nakilalang bagong mga kaibigan. Mga kaibigan na sa maiksi panahon e masasabi mo nang mga tunay na kaibigan o kapamilya. Maraming tao rin ang naging bahagi ng buhay ko na naghilom sa pag katao ko. Maraming suliranin ang naganap at buti ay nabigyan ng solusyon. Maraming bagong natutunan sa buhay. Maraming masasayang karanasan na kaylan ma'y nde malilimutan. Sa lahat ng mga nangyari sken sa taong 2008 ay nagpapasalamat ako sa diyos at sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (isa ka na don!). At nawa'y sa darating na 2009 ay maging mas masaya pa ang lahat!


YAHOOOO HAPI NEW YEAR!!!!






Celebrating New Year with my family
(haha ang kulet ng posing ng papa ko!)



Nasurprise kami ng biglang dumating ang mga pinsan namin sa bahay!!! (Thank you for coming guys!!!) After ilang hours, mga titas ko naman ang dumating sa bahay hahaha ang saya tlga!!!



ayan putukan na!

akala ko mapuputulan nako ng paa. panu kasi si rab nag sindi ng kwitis, sa halip na sa langit ang punta e kami ang pinaghahabol ng pitong kwitis... hagipis tuloy ako ng takbo sa loob ng bahay hahahaha



fountain!!!


ayaw namin ng malalakas na paputok, kakatakot kasi eh kaya kwitis, small fountain at un fountain na sumasabog sa langit (sori nde ko alam tawag don eh) hahaha





After nang putukan eh syempre kainan tpos nag sayawan kami... kun anek anek lang na mga steps hahaha tpos mga bandang 2:00 am nag punta na kami sa haws ng mga pinsan namin at nag tugtugan kami... akalain mo un marunong pa pala akong mag drum! hahaha




Sobrang saya ng NEW YEAR ko!!!
Hope naging masaya rin New Year nyo!!!

Monday, December 29, 2008

isang araw na pandiwa

nagising. kumain. naligo. nanuod. kumain. umidlip. nagising. nagtxt. nagreply. nabugnot. nainis. nabadtrip. nainip. naghanap ng makakasama at makakausap. nagbihis. umalis. nagkape. tumambay. nag hintay. nagtxt. tumawag. nagkwentuhan. napangiti. nagtawanan. nagkulitan. nag asaran. bumili. nanuod ng sine. pumasok. kumain. napasigaw. natakot. natawa. nang asar. natawa ule. tumayo. nag cr. lumabas. namasyal. naghanap. bumili. uminom. tumambay. nagkwentuhan. nagtawanan. nag asaran. sumakay ng bus. umuwi. nagtxt. nagreply. pumasok ng bahay. nabugnot. inasar. taeng kapatid to! nag daldal pla! nainis. naasar. naluha. nag walk out. nagkulong. nakinig ng malakas na music. nag sudoku. natulog. kinabukasan. nagising. kumain. nag internet. nagpaligo. naligo. nagbihis. umidlip. nagising. nagbihis. umalis. bumiyahe. nag antay ng txt. nakipag tigasan. nagtxt. nagreply. yehey ok na ule!!! hehehe. whew.

Tuesday, December 16, 2008

Makabagong Santa Claus



Noong isang linggo, niyaya kami ni rabi ng aming butihing ina na sumama sa kanyang ballroom dancing... almost 3 hours na kaming nanunuod ni rab sa mga guranggers na sumasayaw at pilit na inaaliw ang mga sarili para wag lang mainip... pero umabot din kami sa puntong nainip, kaya minabuti naming lumabas at mag pahangin...

At eto ang gumulantang sa mga mata namin... pag masdan mabuti...



isang malaking statwa na binihisan ng santa claus na may something na umumbok! haha

sobrang tawang tawa kami d2!!! nde ko lang maisip na bket pa nila nilagyan ng et*ts... dahil nde naman lahat ng oras e nakatayo un dba? ang sagwa lang tignan! hahaha

Thursday, December 11, 2008

Wensha Spa



Noong Dec. 4, 2008 nag punta kami nila rab at mama sa Wensha spa. Aba at mukhang first time ko atang magpaganto. Habang nasa lobby, we’re choosing kun anung service ang gusto namin. Merong mga whole body massage, foot & hand massage, facial at kun anek anek pa. Ang gusto ko talaga ay foot massage, ayoko ng body massage kasi sobrang malakas ang kiliti ko sa likod, meron specific part sa likod ko na sobrang malakas talaga makakiliti sken. At dahil sa pinipilit ako ng kapatid ko na mag pa body massage na lang daw ako dahil mas makakatipid at ma-massage din daw ang paa ko… okay fine whatever bunso!
Sa halagang 680 php na whole body massage for 1 hour e meron pa silang libreng Steam Bath, Sauna, Jacuzzi at eto ang malufet... libre din ang food, eat all you can! san ka pa dba?! Meron buffet style at meron din shabu shabu. Separated ang facilities ng mga boys sa mga girls. Sa dinning area lang pedeng magsama ang mga babae at lalake. You can stay for 6 hours pa if you want, pede ka pang matulog after ng massage mo, pde ka rin naman tumambay sa dinning area while watching tv.


So pagpasok namin, syempre diretso sa locker area at nagbihis. Nagpunta sa dinning area at kumain, infairness masarap ang kanilang food. Then usapan namin ni rab na around 9:00 pm mag memeet kami sa dinning area. And ayun na nga nag shower muna kami ni mama at nag steam bath. Nung mag jajacuzzi na kami, aba si mama humirit ng “anak anu to? magjajacuzzi tyo ng walang towel? As in nakahubad tyo?” sabi ko naman “hmm parang ganun na nga kasi lahat sila walang saplot eh hhahaha”. No choice si madear kundi magburlesk queen na rin! Hahahha. After 20 mins sa Jacuzzi, nag sauna naman kami. Hahaha sobrang nakakatawa si madear dahil nde nya ma-take ang sobrang init sa sauna. Ako naman tong nag eencourage sa kanya na kaya nya un, tutal 10-15 mins lang naman. Habang nasa loob ng sauna, super funny ang face ni madear dahil para syang biik na nililitson! Hahaha. At sobrang daming pawis na lumabas skanya pero sken parang wala naman. Inom ng tubig then nag Jacuzzi ule.

Ok oras na para magpa body massage! Maganda ang ambiance sa kanilang massage area, super relaxing pero parang may kulang. Kulang sila ng aromatic scents, mas maganda kun meron nyan dahil nakakapagpa relax yan ng mga nerves sa ating katawan.

Eto na! nakahiga na kami sa kama. Tinanung kami kun ginger oil o mineral oil, sabi ko ginger oil na lang. inunang i-massage ang mga paa ko, ok lang dahil nde naman ako gaanu nakikiliti don. Kun anu anu pilipit ang ginawa sa paa ko. Aba at unti unting umaakyat ang kanyang mga kamay. Sinunod i-massage ang mga kamay ko. At nung nasa part na sya ng likod ko. Gosh wag lang sana nyang tamaan ang pinaka sensitive part sa likod ko dahil kun sakaling tamaan man nya eh mag wawala talaga ako sa tawa. Habang hinihilot ang likod ko, nagpipigil ako sa tawa ko, nde ako nagpapahalata na sobrang nakikiliti na ko. Sa utak ko, cge hilot ka lang dyan ate, kaya ko pa naman, wag lang don sa sensitive part ng likod ko! Maya maya… sa utak ko ule… “anak ng tipaklong! *utang *na! whaa nde ko na kaya! *ago ka pero kelangan mong tiisin euen! *utang *na! utang na loob tiisin mo euen! Putek! walang hiya ka ate! hahahaha” …yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko dahil natarget nya ang nde dapat matarget! Nyahaha kun nakakamatay lang yun mura siguro namatay na yun nang hilot sken. After sa likod sa ulo naman, eto ang isa sa the best! Ang sarap grabe! Kahit tenga ko e walang ligtas sa mga kamay ni ate. Tapos nasa part na sya ng tiyan ko, pag hawak pa lang nya sa tiyan ko sobrang napatawa ako ng malakas as in malakas sabi ko “ate utang na loob wag na dyan!” hahaha buti na lang at napakiusapan naman sya kundi baka nasapak ko sya hahaha biro lang. Then tinanung nya ko kun ok lang ba daw sken ang body stretching. Cge go! Eto ang malupet sa lahat ng massage nya. Aba si ate nde ko alam kun anu ang pinag gagawa sken! Nde ko alam kun panu sya napunta sa ilalim ko at binuhat ako sa pamamagitan ng kanyang mga paa at pinag babanat ang mga kamay at paa ko habang ako'y nasa ere. Whew. buti nalang malakas si ate at nde nya ko nahulog. At dyan nag tatapos ang kanyang paghihilot at natulog muna kami ni mama.

9:00 pm na at kelangan ng gumising dahil may usapan kami na magkikita sa dinning area. 9:30 na wala pa si rab… aba at 10:00 pm na wala pa rin ang mokong… 10:10 pm alhamdulallah sa wakas dumating na si rab.. nakatulog pala ng mahimbing ang mokong at nde man lang kami inalala na nag hihintay na kami sa kanya. Kumain ule kami ng dinner at this time nag shabu shabu naman kami. Hhmmm infairness masarap talaga ang food nila ha? After kumain e umuwi na kami.

Guys I recommend this for you! Sobrang sulit sya at masarap sila mag massage! Promise! *wink*

Sunday, December 7, 2008

Usapang Pacquiao



Natapos na ang laban ni pacquiao at alam na ng lahat na sya ang nanalo. Alas siete na ng gabi at kami ay kakain na ng hapunan. Habang nasa hapag-kainan ako ay tinupak na makipag kulitan sa aking mga magulang.

ako: panalo pala si pacquiao noh?
mama: ay kanina pa! huli ka na sa balita.
ako: nde nga? tapos na pla ang laban?
papa: hahaha oo nga!
ako: pano mo nalaman?
papa: sa tv.. kanina pa kaya tapos. balak ko nga ule manuod ng replay mamaya eh
mama: ay kun saken lang tama na un isa... napanuod ko na eh bket ko pa uulitin?!
papa: eh kasi baka sakaling manalo si dela hoya sa replay eh!


toinnkkzzz!!!!
ako tuloy ang nawindang!

CONGRATZ MANNY PACQUIAO!!!
dahil syo zero-crime rate ngayon sa pinas... papanu pati mga snatcher, holdaper at kun cnu cnu pa eh nakatutok sa laban mo. hehehe

Wednesday, December 3, 2008

Bunjee Jumping

Ito ang isa sa pinaka the best na experience sa buhay ko! matagal ko nang pinangarap na makapag bunjee jumping, buti na lang at meron nito sa dubai... sabi ko pa nga dati na "3 bagay lang" ang kelangan kong maexperience at pde na kong mamatay... ang mga ito ay ang ...
1.) makapag bunjee jumping- at sa wakas natupad narin!
2.) ang makapag scuba diving- e2 nde ko pa naeexperience... pero sana malapit na..
3.) ang malibot ang mundo- nakapaglibot nko sa asia... ang kulang ko na lang sa target ko ay ang europe!
pagpasensyahan nyo na lang kun medyo malikot ang video dahil ang nag vivideo saken ay nanginginig na sa lamig...
at pagpasensyahan narin kun puro tili ang maririnig nyo sken...

Sunday, November 30, 2008

Munting Sorpresa


sa iyong sorpresa
ako'y natuwa,
mumunting likha
na nakakahanga

simpleng bagay
na nakakaantig,
nais kong malaman mo
ako'y sobrang napangiti

wala man akong galing
tulad ng iyong talento,
na nagbibigay aliw
sa aking puso

sa pirasong tula
na lamang dadaanin,
ito'y inihahandog
para sa iyo.

Friday, November 28, 2008

Ang Bulag at ang Lumpo



Noong nakaraan na huwebes, Nobyembre 27 sa taong kasalukuyan, alas nuebe ng umaga, nag punta ako sa Pedro Gil, may mga inasikaso lang na bagay-bagay. Maaga akong natapos mga 11 am ata, after ng lakad na yan meron pa akong kakatagpuin na kaibigan na nagmula pa sa ibang bansa, ang usapan namin ay 4:00 pm. So tumambay muna ako sa Robinsons Manila. At dahil mahaba pa ang oras ng paghihintay, ninais ko munang manuod ng sine.

Hmmm maraming magagandang palabas, nde ko alam kun anu ang panunuorin. Nde ko pinili ang twilight at bolt dahil may mga kaibigan na kong nagyaya na manuod nun. Kaya nag isip ako ng iba. Hanggang sa nakapag desisyon akong yun mga idol ko nalang ang panunuorin ko…

Papasok sa sinehan, namili ako ng uupuan, syempre don ako sa tipong walang makakatabi sken… dahil nde ako sanay na manuod ng mag isa lng, first time kong manuod ng mag isa, promise! Habang nanunuod, may umupong lalake sa bandang kaliwa pero mga 2 upuan ang pagitan. Ang nasa kanan ko naman lalake din pero may 2 upuan din ang pagitan sken (dahil naglagay talga ako ng paper bag sa mga tabing upuan ko). Medyo maingay ang dalawang lalake, puro comment… comment…comment… at tawa narin.. so hinayaan ko lng sila… pero nde talaga ko makatiis sa na aamoy ko (amoy matatanda na ewan), kaya lumipat ako ng upuan. Habang naglalakad sa loob ng sinehan at nag hahanap ng pwesto, kitang kita ko ang mga nanunuod. Oh my gulay! Natawa nalang ako sa sarili ko! Halos lahat ng nanunuod e matatanda na! promise walang biro! May nakita pa nga akong matandang lalake na may dalang tungkod at nakasalamin pa! meron din dalawang mag asawa na matanda narin. Nde ko alam kun bket puro matatanda ang nanunuod. Feeling ko ako lang ang bagets don! Nung nakalipat na ko ng upuan, talagang unti unti kong nilingon ang ulo ko pataas at tignan ule ang mga tao… puro talaga matatanda! Ewan ko ba, Ok naman un napili kong palabas. Nde naman jologs. Maganda naman. Sabi ko nga baka naman na wow mali ako? wag nyo nalang cguro alamin kun anu yun pinanuod ko...

Anyways nde yan ang kwento ko. Dahil malayo sa title ko. Gusto ko lng din ishare ang nangyari sken nung araw na yan… so mga 3:00 pm na, nag txt sken ang immeet ko at sabi mga 6:00 pm na lang daw dahil kakaalis lang daw nya ng bataan! Gosh masama pa naman pakiramdam ko nun time na to! Masakit parin ang lalamunan ko at nilalagnat na ko.. pero cge aantayin ko pa rin sya.. hay naku no choice ako kundi ulitin na lang ang palabas, pero this time tinulugan ko nalang sya…

6:00 pm nagkita na kmi nag kausap ko… kwento.. kwento… kamustahan… at yehey may pasalubongs aketch! Pero nde ko naman makakain coz masakit nga lalamunan ko.

Pauwi na ko, pag labas ko ng Robinsons nag lakad ako hanggang papuntang LRT. Ok lang maglakad coz marami din naman naglalakad at sanay narin ako maglakad don dahil nun college pa ko don kami madalas dumaan ng x ko.

Habang nag lalakad, sa di kalayuan may naririnig akong isang tinig na muling kumurot sa aking puso dahil sa ganda ng kanyang boses… excited na ko makarating sa bandang unahan dahil alam ko don nag mumula ang tinig ng isang babae… Nung matagpuan ko na ang tinig, nde ko alam kun anu ang mararamdaman ko. Nde ko namalayan na nakangiti na pala ang aking mga labi pero ang aking damdamin ay may halong lungkot. Tila gustong lumuha ng aking puso.

Isang lumpong babae na may hawak na mikropono at isang lalakeng bulag na may hawak na gitara na may lata sa kanilang harapan. Muli ko silang namukhaan makalipas ang mahabang panahon. May halong tuwa dahil sila parin ang dalawang talentadong pulubi na nakikita namin tuwing dadaan kami ng x ko don… may halong lungkot sa kadahilanang nde ko maipaliwanag…

Maraming tao ngayon na kumpleto pa ang pangangatawan at maliliksi pa pero ang hanapbuhay naman nila ay ang pang hoholdap, pang issnatch, pang durukot, pang durugas at kun anu anu pa. nde katulad ng dalawang taong ito na sa marangal parin ang kanilang ginagawang trabaho upang may pang tawid lang kanilang gutom. Sa mahabang panahon silang nag titiis ng ganung uri ng pamumuhay. Kun may magagawa lang sana ako. Pero mumunting dasal lamang ang maibibigay ko sa kanila.

Tuesday, November 25, 2008

Paumanhin at Pasasalamat

Sa naganap nun sabado ng gabi, nov. 22, 2008, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng saksi nung gabing iyon. Kun anu man ang pinag gagawa ko na nakakahiya eh pagpasensyahan nyo na dahil wala ako sa tamang pag iisip kasi naman, it’s unfair naman talaga!!! Hehehe kun meron man din akong nasabing masamang salita, nde ko yun intensyon, wala lang ako sa aking sangkatauhan… lintik na hephep hooray kasi yan! sa susunod gagalingan ko na sa games para nde na ko natatagayan… o kaya mag chuchukie na lang din ako sa susunod tulad ng ginagawa ni dudan… hehehe

May mga scene na nde ko na talaga maalala… yun mga pinag gagagawa nyo skeng mga trip, cge pasalamat kyo at nde ko maalala yun mga yon… hehehehe first time kong malasing ng ganun, promise!!! Kasi dati pag nalalasing ako naalala ko pa un mga pinag gagagawa ko… eh ito as in maraming bagay na wala akong maalala… yun it’s unfair na kinukwento nyo sken, oo naalala ko un… yun nag papaspell kayo sken, un lethalverses lang ang naalala kong pina-ispell nyo sken. Kasi parang medyo nahirapan ata akong i-spell un… hehhehe pero un WHAT, WHY, GREENPINOY, FACEBOOK, FRIENDSTER e nde ko na maalala… lakas ng mga trip nyo tsong!!! Hehehe


Nag papasalamat din ako sa mga taong nag-buhat, nag-punas ng s***, nag paligo, nagbihis at nag-alaga sken… kay ayz, sher, M, kdr at kay zee (na itinakwil akong kapatid nun gabing yun) kay cyberlola at kun cnu pang tumulong saken, maraming maraming salamat talaga at pasensya na…


Pahabol…

Gusto ko nga pala mapanuod ang video at pagtawanan ang sarili ko…