WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Thursday, 11 December 2008

Wensha Spa



Noong Dec. 4, 2008 nag punta kami nila rab at mama sa Wensha spa. Aba at mukhang first time ko atang magpaganto. Habang nasa lobby, we’re choosing kun anung service ang gusto namin. Merong mga whole body massage, foot & hand massage, facial at kun anek anek pa. Ang gusto ko talaga ay foot massage, ayoko ng body massage kasi sobrang malakas ang kiliti ko sa likod, meron specific part sa likod ko na sobrang malakas talaga makakiliti sken. At dahil sa pinipilit ako ng kapatid ko na mag pa body massage na lang daw ako dahil mas makakatipid at ma-massage din daw ang paa ko… okay fine whatever bunso!
Sa halagang 680 php na whole body massage for 1 hour e meron pa silang libreng Steam Bath, Sauna, Jacuzzi at eto ang malufet... libre din ang food, eat all you can! san ka pa dba?! Meron buffet style at meron din shabu shabu. Separated ang facilities ng mga boys sa mga girls. Sa dinning area lang pedeng magsama ang mga babae at lalake. You can stay for 6 hours pa if you want, pede ka pang matulog after ng massage mo, pde ka rin naman tumambay sa dinning area while watching tv.


So pagpasok namin, syempre diretso sa locker area at nagbihis. Nagpunta sa dinning area at kumain, infairness masarap ang kanilang food. Then usapan namin ni rab na around 9:00 pm mag memeet kami sa dinning area. And ayun na nga nag shower muna kami ni mama at nag steam bath. Nung mag jajacuzzi na kami, aba si mama humirit ng “anak anu to? magjajacuzzi tyo ng walang towel? As in nakahubad tyo?” sabi ko naman “hmm parang ganun na nga kasi lahat sila walang saplot eh hhahaha”. No choice si madear kundi magburlesk queen na rin! Hahahha. After 20 mins sa Jacuzzi, nag sauna naman kami. Hahaha sobrang nakakatawa si madear dahil nde nya ma-take ang sobrang init sa sauna. Ako naman tong nag eencourage sa kanya na kaya nya un, tutal 10-15 mins lang naman. Habang nasa loob ng sauna, super funny ang face ni madear dahil para syang biik na nililitson! Hahaha. At sobrang daming pawis na lumabas skanya pero sken parang wala naman. Inom ng tubig then nag Jacuzzi ule.

Ok oras na para magpa body massage! Maganda ang ambiance sa kanilang massage area, super relaxing pero parang may kulang. Kulang sila ng aromatic scents, mas maganda kun meron nyan dahil nakakapagpa relax yan ng mga nerves sa ating katawan.

Eto na! nakahiga na kami sa kama. Tinanung kami kun ginger oil o mineral oil, sabi ko ginger oil na lang. inunang i-massage ang mga paa ko, ok lang dahil nde naman ako gaanu nakikiliti don. Kun anu anu pilipit ang ginawa sa paa ko. Aba at unti unting umaakyat ang kanyang mga kamay. Sinunod i-massage ang mga kamay ko. At nung nasa part na sya ng likod ko. Gosh wag lang sana nyang tamaan ang pinaka sensitive part sa likod ko dahil kun sakaling tamaan man nya eh mag wawala talaga ako sa tawa. Habang hinihilot ang likod ko, nagpipigil ako sa tawa ko, nde ako nagpapahalata na sobrang nakikiliti na ko. Sa utak ko, cge hilot ka lang dyan ate, kaya ko pa naman, wag lang don sa sensitive part ng likod ko! Maya maya… sa utak ko ule… “anak ng tipaklong! *utang *na! whaa nde ko na kaya! *ago ka pero kelangan mong tiisin euen! *utang *na! utang na loob tiisin mo euen! Putek! walang hiya ka ate! hahahaha” …yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko dahil natarget nya ang nde dapat matarget! Nyahaha kun nakakamatay lang yun mura siguro namatay na yun nang hilot sken. After sa likod sa ulo naman, eto ang isa sa the best! Ang sarap grabe! Kahit tenga ko e walang ligtas sa mga kamay ni ate. Tapos nasa part na sya ng tiyan ko, pag hawak pa lang nya sa tiyan ko sobrang napatawa ako ng malakas as in malakas sabi ko “ate utang na loob wag na dyan!” hahaha buti na lang at napakiusapan naman sya kundi baka nasapak ko sya hahaha biro lang. Then tinanung nya ko kun ok lang ba daw sken ang body stretching. Cge go! Eto ang malupet sa lahat ng massage nya. Aba si ate nde ko alam kun anu ang pinag gagawa sken! Nde ko alam kun panu sya napunta sa ilalim ko at binuhat ako sa pamamagitan ng kanyang mga paa at pinag babanat ang mga kamay at paa ko habang ako'y nasa ere. Whew. buti nalang malakas si ate at nde nya ko nahulog. At dyan nag tatapos ang kanyang paghihilot at natulog muna kami ni mama.

9:00 pm na at kelangan ng gumising dahil may usapan kami na magkikita sa dinning area. 9:30 na wala pa si rab… aba at 10:00 pm na wala pa rin ang mokong… 10:10 pm alhamdulallah sa wakas dumating na si rab.. nakatulog pala ng mahimbing ang mokong at nde man lang kami inalala na nag hihintay na kami sa kanya. Kumain ule kami ng dinner at this time nag shabu shabu naman kami. Hhmmm infairness masarap talaga ang food nila ha? After kumain e umuwi na kami.

Guys I recommend this for you! Sobrang sulit sya at masarap sila mag massage! Promise! *wink*

6 comments:

Axel said...

Ganun ba, ahahaha...
Mailagay na nga yan sa schedule ko... lolz..

Any recommendation ng masahista?? *wink*

Baka alam mo name nila...

kuletz said...

naku wala pa akong alam kun cnu magaling na masahista don eh kasi first time lang din namin don... pero parang halos lahat naman sila magagaling eh...

Axel said...

sige sige, matagal na kong walang masahe eh... Time to relax naman ako...

favorite ko pa naman magpamasahe...

kuletz said...

hoy pero walang extra service yan ha? nyhahahha pure massage lng tlga!! lolz

Axel said...

Aba, hindi ko naman tinanong kung may extra service ah... Ikaw ang sama ng iniisip mo... tsk tsk...

lethalverses said...

galing ako dyan dahil sa team activity namin...

nakakaculture shock pa din ung mga taiwanese/koreans na nakahubo sa locker room hanggang adjacent sauna pool and spa...

enjoy naman ako sa food, relaxing din ang place lalo sa dining area sa labas...

pero grabe ang ingay ko sa kakatawa sa full body massage, anakngpatis - anlakas talaga kasi ng kiliti ko bwahahahaha...