WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Monday, December 29, 2008

isang araw na pandiwa

nagising. kumain. naligo. nanuod. kumain. umidlip. nagising. nagtxt. nagreply. nabugnot. nainis. nabadtrip. nainip. naghanap ng makakasama at makakausap. nagbihis. umalis. nagkape. tumambay. nag hintay. nagtxt. tumawag. nagkwentuhan. napangiti. nagtawanan. nagkulitan. nag asaran. bumili. nanuod ng sine. pumasok. kumain. napasigaw. natakot. natawa. nang asar. natawa ule. tumayo. nag cr. lumabas. namasyal. naghanap. bumili. uminom. tumambay. nagkwentuhan. nagtawanan. nag asaran. sumakay ng bus. umuwi. nagtxt. nagreply. pumasok ng bahay. nabugnot. inasar. taeng kapatid to! nag daldal pla! nainis. naasar. naluha. nag walk out. nagkulong. nakinig ng malakas na music. nag sudoku. natulog. kinabukasan. nagising. kumain. nag internet. nagpaligo. naligo. nagbihis. umidlip. nagising. nagbihis. umalis. bumiyahe. nag antay ng txt. nakipag tigasan. nagtxt. nagreply. yehey ok na ule!!! hehehe. whew.

Tuesday, December 16, 2008

Makabagong Santa Claus



Noong isang linggo, niyaya kami ni rabi ng aming butihing ina na sumama sa kanyang ballroom dancing... almost 3 hours na kaming nanunuod ni rab sa mga guranggers na sumasayaw at pilit na inaaliw ang mga sarili para wag lang mainip... pero umabot din kami sa puntong nainip, kaya minabuti naming lumabas at mag pahangin...

At eto ang gumulantang sa mga mata namin... pag masdan mabuti...



isang malaking statwa na binihisan ng santa claus na may something na umumbok! haha

sobrang tawang tawa kami d2!!! nde ko lang maisip na bket pa nila nilagyan ng et*ts... dahil nde naman lahat ng oras e nakatayo un dba? ang sagwa lang tignan! hahaha

Thursday, December 11, 2008

Wensha Spa



Noong Dec. 4, 2008 nag punta kami nila rab at mama sa Wensha spa. Aba at mukhang first time ko atang magpaganto. Habang nasa lobby, we’re choosing kun anung service ang gusto namin. Merong mga whole body massage, foot & hand massage, facial at kun anek anek pa. Ang gusto ko talaga ay foot massage, ayoko ng body massage kasi sobrang malakas ang kiliti ko sa likod, meron specific part sa likod ko na sobrang malakas talaga makakiliti sken. At dahil sa pinipilit ako ng kapatid ko na mag pa body massage na lang daw ako dahil mas makakatipid at ma-massage din daw ang paa ko… okay fine whatever bunso!
Sa halagang 680 php na whole body massage for 1 hour e meron pa silang libreng Steam Bath, Sauna, Jacuzzi at eto ang malufet... libre din ang food, eat all you can! san ka pa dba?! Meron buffet style at meron din shabu shabu. Separated ang facilities ng mga boys sa mga girls. Sa dinning area lang pedeng magsama ang mga babae at lalake. You can stay for 6 hours pa if you want, pede ka pang matulog after ng massage mo, pde ka rin naman tumambay sa dinning area while watching tv.


So pagpasok namin, syempre diretso sa locker area at nagbihis. Nagpunta sa dinning area at kumain, infairness masarap ang kanilang food. Then usapan namin ni rab na around 9:00 pm mag memeet kami sa dinning area. And ayun na nga nag shower muna kami ni mama at nag steam bath. Nung mag jajacuzzi na kami, aba si mama humirit ng “anak anu to? magjajacuzzi tyo ng walang towel? As in nakahubad tyo?” sabi ko naman “hmm parang ganun na nga kasi lahat sila walang saplot eh hhahaha”. No choice si madear kundi magburlesk queen na rin! Hahahha. After 20 mins sa Jacuzzi, nag sauna naman kami. Hahaha sobrang nakakatawa si madear dahil nde nya ma-take ang sobrang init sa sauna. Ako naman tong nag eencourage sa kanya na kaya nya un, tutal 10-15 mins lang naman. Habang nasa loob ng sauna, super funny ang face ni madear dahil para syang biik na nililitson! Hahaha. At sobrang daming pawis na lumabas skanya pero sken parang wala naman. Inom ng tubig then nag Jacuzzi ule.

Ok oras na para magpa body massage! Maganda ang ambiance sa kanilang massage area, super relaxing pero parang may kulang. Kulang sila ng aromatic scents, mas maganda kun meron nyan dahil nakakapagpa relax yan ng mga nerves sa ating katawan.

Eto na! nakahiga na kami sa kama. Tinanung kami kun ginger oil o mineral oil, sabi ko ginger oil na lang. inunang i-massage ang mga paa ko, ok lang dahil nde naman ako gaanu nakikiliti don. Kun anu anu pilipit ang ginawa sa paa ko. Aba at unti unting umaakyat ang kanyang mga kamay. Sinunod i-massage ang mga kamay ko. At nung nasa part na sya ng likod ko. Gosh wag lang sana nyang tamaan ang pinaka sensitive part sa likod ko dahil kun sakaling tamaan man nya eh mag wawala talaga ako sa tawa. Habang hinihilot ang likod ko, nagpipigil ako sa tawa ko, nde ako nagpapahalata na sobrang nakikiliti na ko. Sa utak ko, cge hilot ka lang dyan ate, kaya ko pa naman, wag lang don sa sensitive part ng likod ko! Maya maya… sa utak ko ule… “anak ng tipaklong! *utang *na! whaa nde ko na kaya! *ago ka pero kelangan mong tiisin euen! *utang *na! utang na loob tiisin mo euen! Putek! walang hiya ka ate! hahahaha” …yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko dahil natarget nya ang nde dapat matarget! Nyahaha kun nakakamatay lang yun mura siguro namatay na yun nang hilot sken. After sa likod sa ulo naman, eto ang isa sa the best! Ang sarap grabe! Kahit tenga ko e walang ligtas sa mga kamay ni ate. Tapos nasa part na sya ng tiyan ko, pag hawak pa lang nya sa tiyan ko sobrang napatawa ako ng malakas as in malakas sabi ko “ate utang na loob wag na dyan!” hahaha buti na lang at napakiusapan naman sya kundi baka nasapak ko sya hahaha biro lang. Then tinanung nya ko kun ok lang ba daw sken ang body stretching. Cge go! Eto ang malupet sa lahat ng massage nya. Aba si ate nde ko alam kun anu ang pinag gagawa sken! Nde ko alam kun panu sya napunta sa ilalim ko at binuhat ako sa pamamagitan ng kanyang mga paa at pinag babanat ang mga kamay at paa ko habang ako'y nasa ere. Whew. buti nalang malakas si ate at nde nya ko nahulog. At dyan nag tatapos ang kanyang paghihilot at natulog muna kami ni mama.

9:00 pm na at kelangan ng gumising dahil may usapan kami na magkikita sa dinning area. 9:30 na wala pa si rab… aba at 10:00 pm na wala pa rin ang mokong… 10:10 pm alhamdulallah sa wakas dumating na si rab.. nakatulog pala ng mahimbing ang mokong at nde man lang kami inalala na nag hihintay na kami sa kanya. Kumain ule kami ng dinner at this time nag shabu shabu naman kami. Hhmmm infairness masarap talaga ang food nila ha? After kumain e umuwi na kami.

Guys I recommend this for you! Sobrang sulit sya at masarap sila mag massage! Promise! *wink*

Sunday, December 7, 2008

Usapang Pacquiao



Natapos na ang laban ni pacquiao at alam na ng lahat na sya ang nanalo. Alas siete na ng gabi at kami ay kakain na ng hapunan. Habang nasa hapag-kainan ako ay tinupak na makipag kulitan sa aking mga magulang.

ako: panalo pala si pacquiao noh?
mama: ay kanina pa! huli ka na sa balita.
ako: nde nga? tapos na pla ang laban?
papa: hahaha oo nga!
ako: pano mo nalaman?
papa: sa tv.. kanina pa kaya tapos. balak ko nga ule manuod ng replay mamaya eh
mama: ay kun saken lang tama na un isa... napanuod ko na eh bket ko pa uulitin?!
papa: eh kasi baka sakaling manalo si dela hoya sa replay eh!


toinnkkzzz!!!!
ako tuloy ang nawindang!

CONGRATZ MANNY PACQUIAO!!!
dahil syo zero-crime rate ngayon sa pinas... papanu pati mga snatcher, holdaper at kun cnu cnu pa eh nakatutok sa laban mo. hehehe

Wednesday, December 3, 2008

Bunjee Jumping

Ito ang isa sa pinaka the best na experience sa buhay ko! matagal ko nang pinangarap na makapag bunjee jumping, buti na lang at meron nito sa dubai... sabi ko pa nga dati na "3 bagay lang" ang kelangan kong maexperience at pde na kong mamatay... ang mga ito ay ang ...
1.) makapag bunjee jumping- at sa wakas natupad narin!
2.) ang makapag scuba diving- e2 nde ko pa naeexperience... pero sana malapit na..
3.) ang malibot ang mundo- nakapaglibot nko sa asia... ang kulang ko na lang sa target ko ay ang europe!
pagpasensyahan nyo na lang kun medyo malikot ang video dahil ang nag vivideo saken ay nanginginig na sa lamig...
at pagpasensyahan narin kun puro tili ang maririnig nyo sken...

Sunday, November 30, 2008

Munting Sorpresa


sa iyong sorpresa
ako'y natuwa,
mumunting likha
na nakakahanga

simpleng bagay
na nakakaantig,
nais kong malaman mo
ako'y sobrang napangiti

wala man akong galing
tulad ng iyong talento,
na nagbibigay aliw
sa aking puso

sa pirasong tula
na lamang dadaanin,
ito'y inihahandog
para sa iyo.

Friday, November 28, 2008

Ang Bulag at ang Lumpo



Noong nakaraan na huwebes, Nobyembre 27 sa taong kasalukuyan, alas nuebe ng umaga, nag punta ako sa Pedro Gil, may mga inasikaso lang na bagay-bagay. Maaga akong natapos mga 11 am ata, after ng lakad na yan meron pa akong kakatagpuin na kaibigan na nagmula pa sa ibang bansa, ang usapan namin ay 4:00 pm. So tumambay muna ako sa Robinsons Manila. At dahil mahaba pa ang oras ng paghihintay, ninais ko munang manuod ng sine.

Hmmm maraming magagandang palabas, nde ko alam kun anu ang panunuorin. Nde ko pinili ang twilight at bolt dahil may mga kaibigan na kong nagyaya na manuod nun. Kaya nag isip ako ng iba. Hanggang sa nakapag desisyon akong yun mga idol ko nalang ang panunuorin ko…

Papasok sa sinehan, namili ako ng uupuan, syempre don ako sa tipong walang makakatabi sken… dahil nde ako sanay na manuod ng mag isa lng, first time kong manuod ng mag isa, promise! Habang nanunuod, may umupong lalake sa bandang kaliwa pero mga 2 upuan ang pagitan. Ang nasa kanan ko naman lalake din pero may 2 upuan din ang pagitan sken (dahil naglagay talga ako ng paper bag sa mga tabing upuan ko). Medyo maingay ang dalawang lalake, puro comment… comment…comment… at tawa narin.. so hinayaan ko lng sila… pero nde talaga ko makatiis sa na aamoy ko (amoy matatanda na ewan), kaya lumipat ako ng upuan. Habang naglalakad sa loob ng sinehan at nag hahanap ng pwesto, kitang kita ko ang mga nanunuod. Oh my gulay! Natawa nalang ako sa sarili ko! Halos lahat ng nanunuod e matatanda na! promise walang biro! May nakita pa nga akong matandang lalake na may dalang tungkod at nakasalamin pa! meron din dalawang mag asawa na matanda narin. Nde ko alam kun bket puro matatanda ang nanunuod. Feeling ko ako lang ang bagets don! Nung nakalipat na ko ng upuan, talagang unti unti kong nilingon ang ulo ko pataas at tignan ule ang mga tao… puro talaga matatanda! Ewan ko ba, Ok naman un napili kong palabas. Nde naman jologs. Maganda naman. Sabi ko nga baka naman na wow mali ako? wag nyo nalang cguro alamin kun anu yun pinanuod ko...

Anyways nde yan ang kwento ko. Dahil malayo sa title ko. Gusto ko lng din ishare ang nangyari sken nung araw na yan… so mga 3:00 pm na, nag txt sken ang immeet ko at sabi mga 6:00 pm na lang daw dahil kakaalis lang daw nya ng bataan! Gosh masama pa naman pakiramdam ko nun time na to! Masakit parin ang lalamunan ko at nilalagnat na ko.. pero cge aantayin ko pa rin sya.. hay naku no choice ako kundi ulitin na lang ang palabas, pero this time tinulugan ko nalang sya…

6:00 pm nagkita na kmi nag kausap ko… kwento.. kwento… kamustahan… at yehey may pasalubongs aketch! Pero nde ko naman makakain coz masakit nga lalamunan ko.

Pauwi na ko, pag labas ko ng Robinsons nag lakad ako hanggang papuntang LRT. Ok lang maglakad coz marami din naman naglalakad at sanay narin ako maglakad don dahil nun college pa ko don kami madalas dumaan ng x ko.

Habang nag lalakad, sa di kalayuan may naririnig akong isang tinig na muling kumurot sa aking puso dahil sa ganda ng kanyang boses… excited na ko makarating sa bandang unahan dahil alam ko don nag mumula ang tinig ng isang babae… Nung matagpuan ko na ang tinig, nde ko alam kun anu ang mararamdaman ko. Nde ko namalayan na nakangiti na pala ang aking mga labi pero ang aking damdamin ay may halong lungkot. Tila gustong lumuha ng aking puso.

Isang lumpong babae na may hawak na mikropono at isang lalakeng bulag na may hawak na gitara na may lata sa kanilang harapan. Muli ko silang namukhaan makalipas ang mahabang panahon. May halong tuwa dahil sila parin ang dalawang talentadong pulubi na nakikita namin tuwing dadaan kami ng x ko don… may halong lungkot sa kadahilanang nde ko maipaliwanag…

Maraming tao ngayon na kumpleto pa ang pangangatawan at maliliksi pa pero ang hanapbuhay naman nila ay ang pang hoholdap, pang issnatch, pang durukot, pang durugas at kun anu anu pa. nde katulad ng dalawang taong ito na sa marangal parin ang kanilang ginagawang trabaho upang may pang tawid lang kanilang gutom. Sa mahabang panahon silang nag titiis ng ganung uri ng pamumuhay. Kun may magagawa lang sana ako. Pero mumunting dasal lamang ang maibibigay ko sa kanila.

Tuesday, November 25, 2008

Paumanhin at Pasasalamat

Sa naganap nun sabado ng gabi, nov. 22, 2008, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng saksi nung gabing iyon. Kun anu man ang pinag gagawa ko na nakakahiya eh pagpasensyahan nyo na dahil wala ako sa tamang pag iisip kasi naman, it’s unfair naman talaga!!! Hehehe kun meron man din akong nasabing masamang salita, nde ko yun intensyon, wala lang ako sa aking sangkatauhan… lintik na hephep hooray kasi yan! sa susunod gagalingan ko na sa games para nde na ko natatagayan… o kaya mag chuchukie na lang din ako sa susunod tulad ng ginagawa ni dudan… hehehe

May mga scene na nde ko na talaga maalala… yun mga pinag gagagawa nyo skeng mga trip, cge pasalamat kyo at nde ko maalala yun mga yon… hehehehe first time kong malasing ng ganun, promise!!! Kasi dati pag nalalasing ako naalala ko pa un mga pinag gagagawa ko… eh ito as in maraming bagay na wala akong maalala… yun it’s unfair na kinukwento nyo sken, oo naalala ko un… yun nag papaspell kayo sken, un lethalverses lang ang naalala kong pina-ispell nyo sken. Kasi parang medyo nahirapan ata akong i-spell un… hehhehe pero un WHAT, WHY, GREENPINOY, FACEBOOK, FRIENDSTER e nde ko na maalala… lakas ng mga trip nyo tsong!!! Hehehe


Nag papasalamat din ako sa mga taong nag-buhat, nag-punas ng s***, nag paligo, nagbihis at nag-alaga sken… kay ayz, sher, M, kdr at kay zee (na itinakwil akong kapatid nun gabing yun) kay cyberlola at kun cnu pang tumulong saken, maraming maraming salamat talaga at pasensya na…


Pahabol…

Gusto ko nga pala mapanuod ang video at pagtawanan ang sarili ko…

Tuesday, November 11, 2008

Creek Park





Meron akong isang place sa dubai na sobrang namimiss ko. Ito ay ang Creek Park, walking distance lang sya simula sa hospital accommodation namin, cguro mga 30-40 steps lang ang layo. Minsan kapag off ko don ako madalas tumambay, lalo na kun sobrang bored nako sa flat namin. Kadalasan ko kasing ginagawa tuwing ko off eh, matulog, ubusin lahat ng dvd movies na galing pa ng pinas, maglaba, magluto, mag bubble bath, mag internet, kumain ng haagen-dazs na ice cream flavored butter pecan na hahaluan ko pa ng isang saging(hmmm sarap) habang nanunuod ng mga heroes, lost, prison break, korean, taiwanese o kung anu anu pang mga telenobela.

Kapag depressed ako at wala nakong magawa sa bahay eh mas gugustuhin ko pang mag bihis ng panglalake at naka sumbrero (ayokong may nakakakilala kasi sken pag ganito ang trip ko sa buhay) at tsaka ko kukunin ang gitara ko at tatambay sa creek park.

Nakakatuwa mag gitara sa ganung klase ng lugar coz sobrang napaka peaceful ng place at feel na feel mo pa ang simoy ng hangin habang may mga dumadaan na gondola at nakikita ka ng mga pasahero nilang hawak ang gitara at tumutugtog. Nakakaaliw din pag masdan ang mga ibong lumilipad sa gitna ng creek park at hinahabol ang dumadaang gondola. Minsan din naman my mga taong dumadaan sa likod ko habang sila ay namamasyal. Minsan meron din mga crew sa dhow (dhow-sailing vessel ng arab) na nakatingin sken at nakikinig sa kampay ng gitara ko, as if naman naiintindihan nila eh minsan tagalog ang tinutugtog ko, nakakatuwa silang pag masdan dahil parang tuwang tuwa sila na meron isang babae na marunong tumugtog ng gitara at parang first time lang nilang makakita ng gitara hehehe. Pero sa totoo lang ayoko ng may nakatingin sken dahil naiilang ako at nawawala ako sa konsentrasyon. At ayoko din nang may tatabi saken sa upuan na ibang lahi at makiki join kunwari sken grrr. Kaya kapag may tumatabi sken eh umaalis nalang ako at lilipat ng ibang pwesto o kaya uuwi na lang.

Minsan din naman e nakikinig ako ng music (napakalakas na volume sa headset ko) habang minamasdan ang paligid hanggang mag gabi na at magutom nako.





Eto nga pala ang upuan na madalas kong tambayan sa creek park… Dyan ko din minsan dinadala ang mga kaibigan kong gustong magshare ng mga malagim nilang dinanas sa dubai. hehehe
Dito din sa creek na to ako nag bunjee jumping! Ang isang experience na matagal ko ng gustong gawin at sa wakas naranasan ko narin sya! hehehe



Eto naman ang view na makikita mo sa tapat ng upuan, ang twin tower rolex building. Naalala ko pa nun, may isa akong friend na isinama kong tumambay dyan at nagtrip kaming bilangan kung ilang floor meron ang rolex building na yan. Pag gabi na kasi makikita mo ang elevator nila at ang kada floor na hihintuan ng elevator. Kaya sinubukan namin tong bilangan kahit na mag kanda duling-duling na kaming dalawa hehehe.


Hay creek park. Sobrang dami kong masasaya at malulungkot na memories syo. Parang ikaw ang naging saksi sa buhay ko dyan hahahaha. Minsan kasi kinakausap ko sya (sa isip lang ha? baka kasi mapag kamalan akong baliw), at nag kkwento ng kung anu anu.

Friday, November 7, 2008

Unknown Sentiment





obscure world…



unfamiliar people…



unexpected questions asked…





Tears from the heart
that can’t be spoken

started to fall…












Past is still the present,

Or maybe still the future…



Monday, November 3, 2008

Na-tag ako ni Lethalverses. NDEs.



At dahil sa na-tag ako ni LV, napilitan tuloy akong mag-share ng NDEs ko… hehehe pero ok lang, nag enjoy naman ako sarimuhain ang nakaraan.


************

College days. EAC dormitory

Katatapos lang ng klase at ako’y dumiretso sa dorm, naabutan kong natutulog ang aking kasama sa kwarto kaya nakitulog narin ako. Ang sarap ng tulog ko, sa sobrang lalim parang ayoko ng gumising. Napadilat ang mga mata ko, nakikita ko ang paligid ng kwarto namin. Gusto kong bumagon pero nde ko maigalaw ang mga katawan, kamay at paa ko. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri sa paa ko pero wala akong maramdaman. Sumisigaw na ko ng malakas na malakas pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napahinto ako at nag-isip kun anu na ang nangyayari sken.

Matikas akong nagpupumiglas na tila may nakabalot sa buong katawan ko para nde ako makagalaw. Pilit ko pa ding sinisigaw ang pangalan ng kasama ko sa kwarto at nang-hihingi ng tulong ngunit parang nde nya ko marinig. Paulit ulit ang mga pangyayari. Hanggang sa napagod na ko. At nang bigla nalang pumasok sa isip ko na dapat within 10 seconds magising na ko kundi malalagutan na ko ng hininga.



10


9

8


7


6


5


4


3

Nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Nagising ako na nag-hahabol ng hininga na parang sobrang pagod na pagod ako. Hay buti nalang at may nag-ddrop call saken nun time na un (nauso dati un drop call) kundi inabot siguro ako ng 3… 2… 1… ennggkkk

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ito ay kapanahunan ng may boyplen pa ako pero nde alam ng mga magulang ko. Nag paalam ako na makikipag kita lang ako sa kaibigan ko pero ang totoo ay kay "X" ako makikipag kita. Maaga akong umalis ng bahay dahil maaga ang usapan namin. Sumakay ako ng jeep papuntang baclaran (from sucat à baclaran). Mahilig akong umupo sa unahan ng jeep na katabi un drayber kaya don ako pumwesto. Sa trenta minutos na pag lalakbay naging ok naman ang biyahe namin hanggang sa may narinig kaming putok ng baril. Napahinto ang drayber sa pagmamaneho. May nakita akong dalawang lalakeng naghahabolan sa daan. Ang isa may dalang bakal at yun isa naman may dalang baril. Naabutan nung isang lalake ang kanyang hinahabol at don sila nagsapakan sa harap mismo ng jeep namin. Binunot ng lalake ang kanyang baril at nagpapaputok pero nde nya matamaan un lalake dahil pilit nyang sinasangga ito. Kumusta naman, kun san san napupunta ang balang pinuputok nya. Natakot ako at natulala. Nde ako alam ang gagawin, gusto kong lumabas ng jeep at tumakbo pero baka tamaan lang ako ng ligaw na bala pag ginawa ko yun. Napabulong nalang ako kay manong drayber na paandarin na un makina ng jeep at kumaripas nalang ng takbo! Pero si manong feeling nanunuod lang ng isang aksyon na pelikula at nde nya pinapansin ang mga nagpapanic nyang mga pasahero. Hanggang sa binatukan ata sya ng isang matandang babae sa likod nya at don lang sya natauhan na dapat na nga syang umiwas sa gulong yon.

Natulala at kinabahan ako sa mga pangyayari. Panu nga kung natamaan nga ako ng ligaw na bala? Nde pa naman alam ng mga magulang ko kun nasan talaga ko dahil nag-sinungaling lang ako sa knila, parang nakonsyensya effect tuloy ako. Parang gusto kong kausapin si Lord nun at sabihin na wag muna ngayon Lord, gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang ko dahil sa mga nagawa kong kasalanan at sa pag-lilihim sa knila ng mga pinag-gagagawa ko sa buhay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tama si LV na dapat sa bawat yugto ng buhay naten dapat tyong magpasalamat sa Diyos! We never know kun kelan nga tyo mamamatay dba? Pwedeng mamaya o kaya bukas. Aba malay naten, nde naman naten masasabi dba? Kaya dapat sa bawat segundo ng buhay, gawin naten itong makabuluhan at makasaysayan. Ibuhos na naten ang lahat ng ngiti at tawa sa mundong ito. Wag masyadong problemahin ang mga problema. Problema na nga, po-problemahin mo pa! Hehehe. At dapat matuto tyong mag-appreciate ng mga simpleng bagay sa paligid. Maliit man o malaki dapat mag-pasalamat pa rin tayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cge makiki-tag narin ako… dahil nasa listahan na ni LV ang gusto ko sanang i-tag, kya ang itatag ko na lang ay sina:

taraannn....

Phoebe

Antuken

Popoy

Cutedanger


Thursday, October 30, 2008

"Case Unclosed"


Tuwing araw ng patay lagi kaming nasa sementeryo kasama ang mga kamag-anak namin. Parang nagiging reunion na nga namin ang araw na to! Nagsimula lang ang pag-titipong ito noong taong 1988 ng mamatay ang pinsan ko dahil sa isang karumal-dumal na krimen na ginawa skanya….

*************************

Taong 1988 (sorry nde ko maalala kun anung month eh), nagkaroon ng konting pagsasalo ang mga magbabarkada sa bahay nila. Mga barkada, ngunit nde maituturing na “kaibigan”. Kasama din sa pagsasalo ang kanyang irog. Masasayang halakhak, tawanan at biruan ang maririnig sa kanilang mga labi. Matapos ang kainan, nagkainuman ng konti. Kwentuhan... Asaran... Biruan...

Sa may bandang kusina piniringan ang kanyang mga mata. Walang kamalay-malay kung anu ang gagawin sa kanya. Ang isang kabarkada kumuha ng isang tubo o pamalo at hinampas-hampas ang kanyang katawan. Pati ang kanyang ulo at paa hinampas din. Sumisigaw… Nag-mamakaawa… Nag-hihinagpis, ngunit walang magawa dahil pati mga kamay nakagapos din. Pilit na umaawat ang kanyang kasintahan upang huwag lang syang masaktan, ngunit isa lamang syang babae, walang sapat na lakas para awatin ang mga barkadang lalake.

Malakas ang kanilang sound system kaya akala ng security guard ay pawang nagkakatuwaan lamang ang mga tao sa loob ng bahay. Nagpupumilit lumaban ang kanyang kasintahan, ngunit pati sya ay dinamay! Hinampas! pinalo sa ulo! Patuloy ang mga magbabarkada sa pananakit sa dalawa, na pawang tuwang-tuwa pa sila sa mga pinag-gagagawa nila. Ang kanilang mga katawan ay tipong naging lantang gulay na. Hanggang sa nawalan ng malay o tuluyan na ngang nawalan ng hininga. Hindi pa rin sila nakuntento at sinunog pa nila ang buong bahay!

Kinaumagahan, isang abo na tahanan at dalawang bangkay ang tumambad sa isang inang nag-hihinagpis sa galit.


Ang kwentong inyong nasaksihan ay ang kwento ng pagkamatay ng aking pinsan na 16 years old pa lamang ng mga panahong iyon. Nakakapang-hinayang dahil sobrang bait at gwapo pa naman ng pinsan kong iyon (kamukha si Richard Guiterrez). Na hanggang ngayon nde namin mawari kun anu ang dahil kun bket nila nagawa yun.

Nakakalungkot man isipin dahil hanggang ngayon nde parin nabibigyan ng katarungan ang karumal-dumal na krimen na iyon. Tuwing naaalala naming ang mga pangyayari yun, ang tanging hawak lamang namin upang magkaroon kami ng tibay ng loob ay ang panalangin at konsensya nalang sa mga gumawa nun.


Para sa aking pinsan: May you rest in peace...

Friday, October 24, 2008

Ang kwento ni Moto(rola)

Nakipag kita ako sa isa kong kaibigan na galing Dubai. Usapan namin sa Trinoma at 2 pm. Umalis ako ng bahay ng 1 pm. Mga banding 1:30 pm nagtxt sya sken kun nasan na ko… sabi ko nakaalis na ko ng bahay, wait nya lng ako. Nakasakay na ko ng bus at aba naman napaka trapik simula bicutan hanggang magallanes. Bumaba ako ng mantrade at nag MRT nako para mabilis. Dinukot ko ang cellphone ko mula sa maselang bahagi ng katawan ko, na kun saan don ko sya tinatago tuwing nagcocommute lng ako… takot kasi akong baka maholdap o ma-snatch-an ako (alam ata nila Mariano at Ayz kun sang parte ng katawan ko to!)… kaya don ko sya tinatago pra nde mahalata… Pagdukot ko sa cellphone ko eh anak ng tokwa’t baboy!!! Puro puti lang ang screen, wala akong makita!! Sinubukan kong patayin at buksan ule pero wala paring nangyari, tinanggal ko narin ang battery at simcard baka sakaling gumana, ngunit subalit ako’y nabigo… Patay kang bata ka!! Nde namin napag usapan kun san banda sa Trinoma kami magkikita… Habang nasa MRT ako nag-isip ako ng mga paraan kun paano ko makokontak yun kaibigan ko… Pagdating ko sa Trinoma, una kong hinanap ang telephone booth na hinuhulugan ng piso piso… Ayun at nde ako nahirapan maghanap dahil sa bungad palang meron ng restroom at meron telephone booth… Anak ng pating!!! Out of service ang hinuhulugan ng piso piso… un phone card lang ang inaaccept… Edi hanap na naman ako ng ibang telephone booth… libot… libot …cge libot lang… ayun meron telephone booth!!! Anak ng teteng naman ohhh… ganun din out of service din!!! Taeng yan baket pa sila nag lalagay ng ganyan sa mall kun nde rin mapapakinabangan?

2:30 pm na at nde ko parin sya nakokontak… libot.. libot ule… nag tanung na ko sa security guard kun san merong matinong telephone booth… at tinuro nya ko don sa isang sulok… hay buti naman at gumagana na… nag-hulog ng piso… nag dial ng numbero sa bahay… kinausap ko si mama na kun pwede tawagan nya yun kaibigan ko dahil alam ko meron syang numero ng kaibigan ko… aba isa din tong pasaway si mama at binura na daw nya un numero… sabi ko idouble check nyang mabuti at kun sakaling makausap nya, sabihin na sa starbucks na lang ako maghihintay sa kanya…(nagkakalikot sya ng cellphone nya) at ayun meron pa daw syang numero, nag-aantay pa din ako sa telepono habang tinatawagan nya… ring… ring…ring… ring… wala daw sumasagot… tinanong ko sya kun yun smart ba yun tinatawagan nya.. sabi ni mama “anak e2 un number oh… +97150*******” … ngeekk anuber? yang yun number nya sa dubai!!!! Grrrr so wala talagang pag-asang makontak sya…

Palakad lakad, nag-babaka sakaling makita ko sya sa loob ng Trinoma… nag-iisip ng ibang paraan… hanggang sa kakalad ko napunta ko sa food court… may nakita akong isang babae na kumakain…. Napahinto ako at nag-isip na kun pede makiusap ako sa babae na hiramin ang cellphone nya at isasalpak ko lang simcard ko… aba ayaw pumayag!!! Mukhang nde sya naniniwala sa sinasabi ko at mukhang akala nya eh mandurugas akong tao… hmmmpp ok fine kun ayaw mo edi wag… lapit ako don sa guard at nagtanung din ako kun pde makihiram ng cellphone at nag explain pa ko para nde naman ako pag-isipan ng masama… ngeek walang cellphone si manong guard at bawal daw cellphone habang nakaduty sila… balik ako sa food court at may nakita akong mag syota… kakapalan ko na mukha ko ule… nag explain ako at nanghiram ng cellphone at wakas pumayag sila… sinalpak ko ang sim ko sa cellphone nila… anak ng santakidiburibot!!! Nde naka save sa simcard ko ang number nya!!! nasa phone memory ko!!! Grrr…Hay… anu na gagawin ko?? Umupo muna ko at sinubukan kong kalikutin ang cellphone ko…baka sakaling gumana.. hinampas ko na sya sa palad ko baka may konting piyesa lang na nausog… hay wala pa din… tinitigan ko sya… aba nagvibrate!!! Nde ko alam kun text ba un o tawag… aba mahaba-habang pag-vivibrate ito ha!!! Malamang tawag!!! Edi sinagot ko… haayyy salamat… buti at nag kausap rin kami… so ayun nagkita na rin kami sa wakas, kumain at nag chikkahan kami hanggang 7 pm.

Bago ako umuwi dumaan ako sa starmall kila kuya para ipagawa ang cellphone ko… sabi ko, gumagana sya pero wala akong makita sa screen. Binuksan nya ang cellphone ko at ni-diagnose… meron syang nakita sa isang maliit na piyesa na may puti-puti… sabi nya sken “ayan kita mo yan?? Nde gumana LCD ng cellphone mo dahil dyan… alam mo ba kun anu yan?? Pawis ata yan eh..” Nyhahaha putek na yan!!!! Naalala ko sa MRT nung dukutin ko sya sa maselang bahagi ng katawan ko na medyo mamasa-masa pa sya… nyhahaha kase namen… dahil pla sa pawis!!! sang damak-damak ang inabot ko na problema ng dahil lang sa pawis!!!

Thursday, October 23, 2008

The Epiphany Within

walking in the midst of darkness
where everybody else is nowhere;
sensing abandonment and fear,
afraid of the unknown stalking me.

slowly i can hear the footsteps
with its ominous presence killing me;
the more it’s getting closer to me,
the more my heart is pounding.

fleeing, escaping, and then what’s next?
where else could I hide, where else could I go?
there’s nowhere to go, no place to be safe,
…but a futile search for a place to stay.

I found a place to dwell
where some, like me, are hiding too;
I sat in a corner where I thought I’m hidden
stopping all sounds that might betray my veil.

but then suddenly, I felt its breath
the warm air just inches from my ears;
as I look around, it grasped my arms,
and the night was torn by my deathly scream.

dragging me, pulling me
devil’s laugh made me scared;
trying to escape from evil side
hoping to deny their grasp of me.

my bitter tears are telling me
that help won't be around;
till I realize I only need to wake
...from the evil darkness of this dream.

Chatting with my x


Oct. 2, 2008

Pitong taon at walong buwan ng nakalilipas simula ng kami’y magkahiwalay. Pitong taon kaming nde nag usap, pitong taon kaming nde nagkita, pitong taong kaming walang hi hello sa isat isa.


Sept 27, 2008 mga banda hapon nasa kwarto kmi nila mama, rab at ni kuya. My mga bagay kaming pinaguusapan hanggan sa napunta saken ang usapan. Napunta ang usapan ng bigla nila akong tinanung tungkol sa kung papaano kami nag hiwalag ng x ko. Sinagot ko ang kanilang mga katanungan pero “nde ako ang topic d2 sa usapan nten kaya ibalik nten ang topic nten”, wika ko sa kanila. Ngunit patuloy parin silang nangungulit at nacucurious kung anu nga ang nangyari sa amin ng x ko. Wala akong magawa kundi magkwento sa kanila.

Mga banding alas nuwebe na ng gabi ng magbukas ako ng computer at mag internet. As usual, mag check ng email, mag YM, Youtube, Friendster, Multiply at mag greenpinoy forums. Ilang minuto na lang at mauubos na ang load ng smart bro ko. Hanggan sa matapos ko na ang dapat kong gawin nang biglang my sumulpot sa screen ko. Oo may biglang nag PM saken. At nde ko inaasahan na sya ang mag ppm saken. Akalain mo kani-kanina lang ay napag kwentuhan naming sya at ngayon eh bigla syang nagparamdam saken. Ito ang mga ilan sa mga napag usapan nmin.


sya (9/27/2008 12:52:15 AM): hui !!
Kuletz (9/27/2008 12:52:25 AM): hehehe musta na??
sya (9/27/2008 12:54:32 AM): nice pic bagong straight hehe
Kuletz (9/27/2008 12:54:38 AM): hahahha
sya (9/27/2008 12:54:55 AM): wala work
Kuletz(9/27/2008 12:55:05 AM): hahahaha wala nko work... d2 nako pinas ngayon
sya (9/27/2008 12:55:27 AM): huh !! vacation ??
Kuletz(9/27/2008 12:56:11 AM): nope. nag end of contract nako don... pero meron pang isang work na nag aantay sken don... but i cant decide yet kun babalik pa ba ko don
sya (9/27/2008 12:56:42 AM): san kba anyways nag work??
Kuletz(9/27/2008 12:57:14 AM): yoko na bumalik don eh
Kuletz(9/27/2008 12:57:17 AM): sa dubai??
sya (9/27/2008 12:58:04 AM): ket naman
sya (9/27/2008 12:58:16 AM): sayang laki yata salary
Kuletz(9/27/2008 12:58:30 AM): hahahha malaki nga eh kun di k naman msaya dba?
sya (9/27/2008 12:58:54 AM): y homesick
Kuletz(9/27/2008 12:58:58 AM): kakalungkot kaya don
sya (9/27/2008 12:59:31 AM): nka ilang taon ka dun
Kuletz(9/27/2008 12:59:31 AM): 2 yrs pow
sya (9/27/2008 12:59:51 AM): huwoooooooooow !!
sya (9/27/2008 1:00:01 AM): limpak limpak ang kinita muhahahaha !!
Kuletz(9/27/2008 1:00:14 AM): hahahaha anuber??? wala nga eh... panu kakagala ko
sya (9/27/2008 1:00:49 AM): ganun kape tyu dyan pampagising hehe
Kuletz(9/27/2008 1:01:08 AM): hahaha ayaw mo ng burger???
sya (9/27/2008 1:01:40 AM): tinatamad aku bumaba kya kape nlang
Kuletz(9/27/2008 1:02:15 AM): hahahaha
Kuletz(9/27/2008 1:02:20 AM): teka nasan kba ngayon??
Kuletz (9/27/2008 1:02:26 AM): sa gapo ba??
sya (9/27/2008 1:02:45 AM): d2 bago asa work hehehe
sya (9/27/2008 1:02:49 AM): baguio^^
Kuletz(9/27/2008 1:03:02 AM): huwat tlga nasa baguio?? kagagaling lng namin dyan
sya (9/27/2008 1:03:21 AM): huh kelan
Kuletz(9/27/2008 1:04:11 AM): hmmm nun sept18-21
sya (9/27/2008 1:04:29 AM): aah
sya (9/27/2008 1:04:45 AM): d2 ko nkatira ngaun bihira nko nauwi ng gapo eh
Kuletz(9/27/2008 1:05:03 AM): tlga?? bket naman sa baguio??
sya (9/27/2008 1:05:27 AM): siempre and2 ang work eh

May gusto akong itanong sa kanya pero nde ko alam kun dapat ba tong itanung at parang ang sagwa kasing itanung ko agad eh ngayon nga lang kami ule nagkausap. Pero nacucurious lang talaga ako at gusto rin naman malaman kun anu na status nya sa buhay, kaya diretsahan ko narin syang tinanong ng ganito:

Kuletz (9/27/2008 1:05:33 AM): my asawa kana ba??
sya (9/27/2008 1:05:55 AM): wala sa utak ku yan hehe
Kuletz (9/27/2008 1:06:15 AM): whaaa ganun??
sya (9/27/2008 1:06:32 AM): ket??
Kuletz (9/27/2008 1:06:33 AM): hahaha sabagay ako din... gusto ko lang mag kababy
Kuletz (9/27/2008 1:06:47 AM): sakit sa ulo lng yang asawa eh dba??
sya (9/27/2008 1:06:56 AM): edi mag ampon
Kuletz(9/27/2008 1:07:15 AM): yoko ng ampon
sya (9/27/2008 1:07:42 AM): ganun anak lang gus2 mo
sya (9/27/2008 1:07:48 AM): malupit ka din eh noh
Kuletz(9/27/2008 1:08:03 AM): anung malupit ka dyan...
Kuletz(9/27/2008 1:08:17 AM): uu naman masaya nako sa anak noh

Wala ng load ang smart bro ko pero patuloy parin ang connection ng internet ko…

sya (9/27/2008 1:08:25 AM): webcam naman dyan
Kuletz (9/27/2008 1:08:43 AM): sira un cam eh
sya (9/27/2008 1:08:48 AM): wag kna magsuklay hehehe
Kuletz (9/27/2008 1:09:00 AM): hahaha loko
sya (9/27/2008 1:09:01 AM): pauso !!!!!!
sya (9/27/2008 1:09:35 AM): anu nga pla work mo sa dubai
sya (9/27/2008 1:09:46 AM): doctor ba??
Kuletz(9/27/2008 1:10:04 AM): anuber?? parang nde kita classmate nun college ah
Kuletz(9/27/2008 1:10:08 AM): pharmacist pow
sya (9/27/2008 1:10:34 AM): aaaaaah
sya (9/27/2008 1:10:34 AM): honga pla
sya (9/27/2008 1:10:34 AM): sencya na ha na22yo utak ko d2 eh
sya (9/27/2008 1:11:09 AM): work ko ngaun endi radtech
sya (9/27/2008 1:11:10 AM): pro klang kesa naman mapanot ako sa radiation
Kuletz(9/27/2008 1:11:20 AM): hahahaha prang kinalimutan mo nako ng tuluyan ha
Kuletz(9/27/2008 1:11:25 AM): hahhaa ah ok
Kuletz(9/27/2008 1:11:38 AM): call center ka dba?
sya (9/27/2008 1:12:35 AM): uu
sya (9/27/2008 1:12:35 AM): teks
Kuletz(9/27/2008 1:12:46 AM): anung teks??
sya (9/27/2008 1:13:13 AM): tek support hehe
Kuletz(9/27/2008 1:13:38 AM): ah ok churi naman
Kuletz(9/27/2008 1:14:04 AM): buti pa kyo petiks lng noh
sya (9/27/2008 1:14:17 AM): hanap mko work sa dubai 2yo na utak ko d2 eh
sya (9/27/2008 1:14:37 AM): gus2 ko yung driver hahaha
Kuletz(9/27/2008 1:14:42 AM): cgurado ka gusto mo mag dubai???
sya (9/27/2008 1:15:10 AM): pede rin ng mkasakay ng eroplano
Kuletz(9/27/2008 1:15:12 AM): hay naku kun ako syo d2 kna lng... ang sarap sarap kaya ng buhay d2 sa pinas noh
sya (9/27/2008 1:15:26 AM): kakasawa na
Kuletz (9/27/2008 1:15:47 AM): naku hirap kaya mag abroad...
Kuletz(9/27/2008 1:16:03 AM): kala nyo lang mganda at masaya pero nde ... nde .. nde...
sya (9/27/2008 1:16:05 AM): yun nga gus2 ko eh
sya (9/27/2008 1:16:23 AM): yung mka ranas ng hirap
Kuletz(9/27/2008 1:16:51 AM): hahahhaa yabang mo!!!
sya (9/27/2008 1:17:34 AM): honga !!
sya (9/27/2008 1:18:28 AM): ppasok ako uupo kukuha ng kape
sya (9/27/2008 1:18:28 AM): bago umuwi ng bahay 3 redhorse muna pra 2log agad hehe
Kuletz(9/27/2008 1:19:04 AM): ganun?? wag kana mag red horse... mag soju k nlng para maiba naman
sya (9/27/2008 1:19:54 AM): anu magagawa ko kung mga kasma ko pauwi prepreho kami sira bodyclock
Kuletz(9/27/2008 1:21:27 AM): hahahha
Kuletz(9/27/2008 1:22:33 AM): nde kaba busy minsan dyan sa work mo??
sya (9/27/2008 1:22:47 AM): pag dayshift bc
sya (9/27/2008 1:23:02 AM): pra pag nytshift kahit mag inuman pa kami d2 hehehe
Kuletz(9/27/2008 1:23:10 AM): hahha ganun??
Kuletz(9/27/2008 1:23:31 AM): oi kun ikaw ay nalulungkot, nalulumbay at walang magawa sa buhay
Kuletz(9/27/2008 1:23:41 AM): bumisita ka sa www.greenpinoy.com
Kuletz(9/27/2008 1:23:53 AM): hahaha ayan nag plug nako
sya (9/27/2008 1:23:54 AM): anumeron d2
Kuletz(9/27/2008 1:24:01 AM): puro kalokohan
Kuletz(9/27/2008 1:24:31 AM): panuorin mo narin un video na ginawa namin sa baguio, sa burnham park
sya (9/27/2008 1:24:38 AM): anung klaseng kalokohan hehehe
sya (9/27/2008 1:24:47 AM): aaaah
sya (9/27/2008 1:24:49 AM): prang utube ba
Kuletz(9/27/2008 1:25:15 AM): bsta puro katatawanan, kalokohan,
Kuletz(9/27/2008 1:25:30 AM): blocked ba dyan un ibang sites??
sya (9/27/2008 1:25:37 AM): hmmm
sya (9/27/2008 1:25:56 AM): kahit iblock nila makakalusot pa din ako hehehe
Kuletz(9/27/2008 1:26:16 AM): hhahaha uu nga pala s teks k nga pla
sya (9/27/2008 1:26:37 AM): hehehe
sya (9/27/2008 1:26:59 AM): wala iba na mayan eh pa out of town nlang libanagn hehehe
Kuletz(9/27/2008 1:27:37 AM): hahaha oi laseng kba??
sya (9/27/2008 1:27:53 AM): endi ah
sya (9/27/2008 1:27:59 AM): mmya pa inuman wahehehe
Kuletz(9/27/2008 1:28:07 AM): eh bket barok un kanina??
sya (9/27/2008 1:28:25 AM): alin dun
Kuletz(9/27/2008 1:28:35 AM): sya: hehehe sya: wala iba na mayan eh pa out of town nlang libanagn hehehe
sya (9/27/2008 1:29:54 AM): kaw kya yun sus
Kuletz(9/27/2008 1:30:14 AM): hahaha ang gulo mong kausap
sya (9/27/2008 1:30:58 AM): i min kaw
sya (9/27/2008 1:31:04 AM): libanagn mo out of town
Kuletz(9/27/2008 1:31:41 AM): ah ok cge gets ko na
Kuletz(9/27/2008 1:32:19 AM): ilang yrs ka na dyan sa call center mo??
sya o (9/27/2008 1:32:42 AM): lapit na 4 yrs hehe
Kuletz(9/27/2008 1:32:53 AM): wow!!! galing naman
Kuletz(9/27/2008 1:33:00 AM): ikaw na ata ang mayaman eh
Kuletz(9/27/2008 1:33:04 AM): paburger ka naman
sya (9/27/2008 1:33:23 AM): kung mayaman ako bumili nko ng barko hehehe
Kuletz(9/27/2008 1:33:56 AM): aba eh bat ayaw mong bumili ng barko... nakatengga lng yang pera mo dyan
sya (9/27/2008 1:34:45 AM): ayaw ko d naman kasi ako sasakay hehe
Kuletz(9/27/2008 1:35:23 AM): edi ako nalng sasakay
sya (9/27/2008 1:35:51 AM): cge kaw lang ang tao dun hehe
Kuletz(9/27/2008 1:36:00 AM): hahahaha baliw
sya (9/27/2008 1:36:15 AM): hehe
Kuletz(9/27/2008 1:36:16 AM): oi my cam kb?? paview naman
Kuletz(9/27/2008 1:36:29 AM): wag kanrin mag suklay
Kuletz(9/27/2008 1:36:37 AM): wag ka narin magpacute
sya (9/27/2008 1:38:45 AM): yun lang
sya (9/27/2008 1:38:45 AM): bawal cam d2 kaya
Kuletz(9/27/2008 1:39:03 AM): ok payn
sya (9/27/2008 1:40:35 AM): bawal tlga
sya (9/27/2008 1:40:35 AM): saka d ko na nid mag suklat matagal nko wafu hehe
Kuletz(9/27/2008 1:41:13 AM): hahahhaa ang lufet mo rin eh nu... kampante ka tlga ha
sya (9/27/2008 1:46:11 AM): yung harry potter natapus mo na
Kuletz(9/27/2008 1:46:28 AM): whaaaa nde pa
sya (9/27/2008 1:47:04 AM): ngyaaak !!
sya (9/27/2008 1:47:12 AM): anu last book natapos mo
Kuletz(9/27/2008 1:48:08 AM): whaaa nde ko na tinuloy un book noh simula nun mag break tayo :{
Kuletz(9/27/2008 1:48:16 AM): sa movie nlng ako
sya (9/27/2008 1:48:58 AM): ay naku talo !!!!!! magbasa ka
Kuletz(9/27/2008 1:49:11 AM): bket naman??
Kuletz(9/27/2008 1:49:23 AM): ang kapal kaya ng libro
sya (9/27/2008 1:49:35 AM): anu ab last book na basa mo
sya (9/27/2008 1:49:46 AM): ngaaaaaak
sya (9/27/2008 1:49:56 AM): goblet of fire
Kuletz(9/27/2008 1:50:17 AM): un bago mag goblet of fire
sya (9/27/2008 1:50:33 AM): nakooooooooooooow !! prisoner of azkaban !!
Kuletz(9/27/2008 1:51:18 AM): hahaha uu nga... tpos nag momovie nlng akow
sya (9/27/2008 1:51:34 AM): nakow ineng !!
sya (9/27/2008 1:51:50 AM): better read na remaining books
sya (9/27/2008 1:52:38 AM): ur missing what u should call a masterpiece
Kuletz(9/27/2008 1:52:55 AM): owwsss tlga???
Kuletz(9/27/2008 1:53:06 AM): ikwento mo nlng sken
Kuletz(9/27/2008 1:53:12 AM): sbi nila namatay na raw un isang character don sa 22ong buhay??
sya (9/27/2008 1:53:38 AM): i dunno werd u herd dat nyways
Kuletz(9/27/2008 1:53:56 AM): sa frend ko
Kuletz(9/27/2008 1:54:05 AM): nde ko maalala kun cnu don eh
Kuletz(9/27/2008 1:54:12 AM): un namatay sa 22ong buhay
sya (9/27/2008 1:54:45 AM): u see
sya (9/27/2008 1:55:16 AM): in books their immortals
sya (9/27/2008 1:55:16 AM): haha prang bata eh no h !!!
sya (9/27/2008 1:56:16 AM): dami k naman pera
sya (9/27/2008 1:56:25 AM): naku u better read
Kuletz(9/27/2008 1:56:35 AM): hahaha anu naman koneksyon ng pera don??
Kuletz(9/27/2008 1:56:46 AM): ikwento mo na nga lng sken noh
sya (9/27/2008 1:57:05 AM): d ako magaling mag wento
sya (9/27/2008 1:57:18 AM): kasi u missed 4 books
Kuletz(9/27/2008 1:57:27 AM): teka ilan naba ngayon??
sya (9/27/2008 1:57:31 AM): yung 6th book ang haba sobra
Kuletz(9/27/2008 1:57:38 AM): dba hanggan 7 lng?
sya (9/27/2008 1:57:55 AM): yep 7 in all
Kuletz(9/27/2008 1:58:22 AM): natapos mo na lahat??
sya (9/27/2008 1:59:01 AM): opkors hehe
Kuletz(9/27/2008 1:59:59 AM): hahhaha cnu nakatuluyan ni harry??
sya (9/27/2008 2:01:38 AM): ayaw ku nga mag basa ka hehe
Kuletz(9/27/2008 2:01:48 AM):
Kuletz(9/27/2008 2:01:52 AM): ang daya naman
Kuletz(9/27/2008 2:01:57 AM): un lng naman tanung ko eh
sya (9/27/2008 2:03:06 AM): sayang nga endi c cho nam or hermione
Kuletz(9/27/2008 2:03:29 AM): talaga?? eh cnu?
Kuletz(9/27/2008 2:03:33 AM): ah alam ko na
Kuletz(9/27/2008 2:03:35 AM): hulaan ko
Kuletz(9/27/2008 2:03:42 AM): un kapatid ni ron??
Kuletz(9/27/2008 2:03:46 AM): tama ba??
sya (9/27/2008 2:03:47 AM): ??
sya (9/27/2008 2:04:00 AM): magbasa ka
sya (9/27/2008 2:04:05 AM): hehehe
Kuletz(9/27/2008 2:04:10 AM): ang daya mo tlga
Kuletz(9/27/2008 2:04:15 AM): tama ako sa hula ko noh ??
sya (9/27/2008 2:04:20 AM): hehe
Kuletz(9/27/2008 2:04:29 AM): anu?

Sakto nun mag out sya sa YM eh nawalan narin ako ng connection sa internet. Coincidence? Kanina lang napag usapan namin sya at ngayon nagparamdam sya, wala na dapat akong internet connection pero patuloy parin ang connection ko at sya lang ang kachat ko nun time na un at kun kelan nag out sya, nawalan narin ako ng connection. Hahahaha kakaloka. Nde naman cguro nag mumulto lang sya dba?? Buhay pa naman cguro sya hanggan ngayon dba?

After nun conversation namin, naalala ko tuloy ang moment ng break up namin. Nasa dorm kami, nakaupo sa kama ko habang nag uusap. Isang panyo ang nasa kamay ko pamunas ng mga luhang pumapatak sa aking mga mata, ngunit ang isang panyong iyon ay nde sapat. Kaya kinuha ko ang kumot na nasa kama ko at ito ang ginawa kong pamunas sa luha ko. At aba ang mokong nakishare rin sa kumot na hawak ko. Nyahhahaha

Natutuwa lang ako sa mga pangyayari coz after ng break up, all I wanted to offer him is friendship. Pero parang panahon nga lang makakapag hilom ng sugatang puso. Ang kapal nya noh sya nga itong may atraso saken e tinatanggihan pa nya ang friedship na inaaalok ko sknya. Pero alam ko naman kun bket ayaw din nya tanggapin yun coz he knew na masasaktan lang ako lalo. Pero ngayon friends na kami ule yehey!!!!

Wednesday, October 22, 2008

Usapang ama



Isang umaga sa isang hapag kainan, masayang sabay sabay kumain ang ina, ama at ang anak. Kwentuhan… kwentuhan…kwentuhan… hanggang sa mapunta ang usapan sa:

Ina: anak, buti naman nde na mainit ang ulo ng tatay mo ngayon.
Anak: uu nga eh, lam mo ama dapat binabawas -bawasan mo yang pagiging mainitin ng ulo mo eh.
Ina: uu nga anak eh, madali talagang mainit ang ulo ng ama mo eh
Anak: (habang sumusubo ng kanin at sausage) Naalala ko nga dati noong maliliit pa lang kami, maliit na bagay lang nag iinit na agad ulo mo… pinapalo mo na kami agad!
Ama: Aba pasalamat nga kyo dahil kun nde ko kayo dinisiplina ng mabuti eh nde kayo magiging ganyan ngayon
Anak: oo nga andon na kami sa disiplina.. pero mali un paraan mo ng pagdidisiplina mo samin.
Ama: (habang naghihimay ng pritong isda) asus anung mali don?
Anak: konting bagay lang pinapalo mo na kami ng sinturon, pagkakamali ng isang anak, lahat damay na! naalala ko pa nga dati pinapaluhod mo pa kami sa monggo o kaya asin tapos meron pang libro na nakapatong sa dalawang kamay namin. Kaya nun bata ako kapag naririnig kong nagagalit kana eh diretso nako nagpupunta ng banyo at maglolock ng pinto… one time pa nga, dali dali akong pumanik sa hagdan at nag lock ng pinto ng kwarto para nde mo lang ako masuntok at mapalo ng sinturon eh
Ina: (habang hinahalo ang timplang kape) oo nga ama naalala ko yung mga yun, kahit nga ako sa sobrang lakas ng suntok mo eh tumilapon pako sa ref naten eh

Nagtawanan ang lahat sa pag kakawento ng ina. Sa ganitong pagkakataon parang ok lang balikan ang masalimuot na nakaraan dahil alam ng lahat na tapos na iyon.

Anak: Alam mo ama, para saken mali yun ganung paraan mo ng pagdidisplina samin.. alam mo kung baket??
Ama: cge nga baket?
Anak: Unang una, nagkaroon kami ng takot syo… bata pa lang kami nun at may takot na kami syo. Pangalawa, ang dami naming bagay na nililihim syo, dahil pag nalaman mo, alam namin na magagalit ka. Pangatlo, bilang anak syempre gusto naming maging open sa mga magulang para makapag bigay kyo ng payo sa amin, pero dahil sa takot namin syo, lahat ng problema namin ay isina-sarili na lang namin. Pang apat, oo inaamin ko nung bata pa ako nag karoon ako ng sama ng loob sayo, pero ngayon wala na.
Ama: ahh may sama ka pala ng loob saken ha? (pabirong sabi ng ama habang kinukurot kurot at kinikiliti ang anak)
Ina: o ayan ngayon alam mo na ang mali mo… at yan ang naging resulta sa mga anak mo… ang isa pang mali syo eh nde mo matanggap na mali ka. Lagi ka na lang tama. Hehehe
Anak: Ni nde mo nga alam na nag ka boyfriend ako eh. Nung debut ko, lahat ng bisita, lahat ng kamag-anak pati mga katulong naten alam kun sino yun bf ko don.. eh ikaw lang ang nde nakakaalam. Nyhahahaha
Ama: Ah ganun ha? Ikaw naman Ina kinukunsinti mo pa ang anak mo… eh kun nabuntis agad yan?
Anak: Yun nga eh, pasalamat ka dahil nde ako ganung klaseng anak! Yun iba dyan the more na higpitan mo sila is the more na nagpipiglas sila at nagrerevenge pa! Pasalamat ka at may maganda at mabait kang anak! (pabulong at pabirong sabi ng anak)……..

**Nitong buong linggo ko, naging highlight ata ang buhay ko sa AMA. Nung isang gabi lang may naka chat ako at ang pinag usapan namin ay tungkol sa isang ama din. Hanga ako sa kanya! Yun lang masasabi ko sa kanya. Pero nung may sinabi sya sken na “Kaya ikaw, kyo, mahalin nyo father nyo lalo”, parang natigilan ako ng ilang sandali at nag isip. Kasi nung bata pa ko inaamin ko nag karoon talaga ako ng sama ng loob sa father ko! Dumating pa nga ko sa point na, sabi ko sa sarili ko na sana iba na lang ang naging ama ko. Alam ko mali ang ganung pag iisip pero dahil sa panahong yon masama talaga loob ko sa kanya.

**Naalala ko din dati laking tuwa ko nang ako’y magccollege na dahil mag dodorm na ko at ma-leless na ang panahon na makakasama ko sya (every Saturday at Sunday lang akong nasa bahay).

**Umabot din ako sa point na ilang taon ko syang pinagdasal para lang magbago na sya. At sa awa ng diyos after nung pagka graduate ko ng college don ko napansin na medyo nag bago na sya. Dahil nung mga panahong yon, don ata sya natauhan sa sinabi ng kuya ko na “Alam mo masaya na sana tong pamilyang to eh…kaya lang ng dahil syo……...” . Nag aaway yan sila ng papa ko at ng kuya ko ng marinig naming lumabas yan sa bibig ng kuya ko. Mahabang panahon bago kami imikin ng papa ko at parang simula nun don sya nagbago… siguro may narealize sya don sa sinabi ng kuya ko…. Kaya laking pasasalamat talaga naming pamilya at medyo nag bago na sya. (Maraming salamat talaga Lord!)

**Haayyy. At kaninang umaga super na badtrip na naman ako sa kanya… Simula nun nagbago na sya, ngayon lang ako ule nabadtrip sa kanya. Parang gusto kong tumakbo, umiyak, lisanan ang lugar, kumawala, sumigaw at kung anu anu pa!
Diyos ko bigyan nyo po ko ng mahabang pagpapasensya, unawa, at pagmamahal.


**Ganun pa man at sa kabila ng lahat “MAHAL NA MAHAL KO PARIN SYA”