WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Tuesday, January 27, 2009

Golden Hearts in Golden Acres

What: Greenies Outreach Program
When: Jan. 24, 2009 11:00 am - 3:00 pm
Where: Golden Acres
Who: Greenies o nde greenies ok lang
Why: Gusto lang namin tumulong at magpasaya ng mga matatanda. Bket ba?!


Ang alam ng karamahin ay puro kalokohan, katatawanan at kabastusan lang magaling ang mga greenies. Ang nde nila alam ay may ginintuan puso din kami, handang tumulong at magpasaya ng mga tao. Isang tunay na kapamilya mong maituturing ang mga greenies.

Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman nagkaroon ng outreach program ang greenpinoy family . But this time, sa mga oldies naman kami nagbigay aliw. Makikita naman ang bakas sa kanilang mga labi, ang kanilang mga matatamis na ngiti.

Iba't ibang kwento ng kanilang buhay ang aming natunghayan. May mga lola's at lolo's na nakakaloka, may mga bonggang bongga din, may mga pasaway, may mga palabiro, meron din "maalala mo kaya" moment, meron mga palaaway, meron masungit, meron palakaibigan, meron din mabait. hahaha at meron akong dalawang lola don na nde ko malilimutan dahil un isang lola eh nasungitan ako ng todo (ang tarush ni lola promise!)at yun isang lola naman na naging kaclose ko din, hinamon ko sya ng table tennis pero ako naman ang natalo hahaha kakahiya tuloy. Magaling talaga si lola magtable tennis kahit na matanda na sya ay may papektus pektus pa syang nalalaman... o diba san kapa?

Nde lang sila ang napasaya namin dahil kahit kami mismo ay may naramdaman na tunay na kagaligayahan dito sa puso... oo dito sa puso! Iba ang sayang at pakiramdam ang makitang may napapasaya kang tao. Marami akong natutunan at narealize sa pagpunta namin don.

Ang magpaalam sa kanila dahil kelangan nang umalis ay napakahirap dahil umaasa silang kami'y babalik at magkikitang muli. huhuhu

Muli ako din ay nagpapasalamat sa lahat ng taong sumuporta at tumulong upang maisagawa ang programang ito (pati narin yun mga nasa ibang bansa) ... Sa mga nde nakasama, sa susunod sumama kayo! hahaha


Maraming salamat din kay chroneicon at kay cyberlola at sa lahat ng nagpunta!!!

Thursday, January 22, 2009

Nasermonan ko Mama ko

Kagabi habang nag ppiano ako sa sala, narinig ko ang kapatid ko na nanghingi ng pera kay mama. Syempre tinatunong ko kapatid ko kun san sya pupunta dahil alas nuwebe na ng gabi. Aba eh mag sstarbucks lang daw sya at tatambay lang daw don. Aba'y nagtililing ang tenga ko! dahil ilang araw narin kaming sinesermunan ng mama ko dahil puro na lang daw kami lakwatsa, lakwatsa ng lakwatsa. At noong isang araw umalis kami ni rab at nde kami binigyan ni mama ng pera para matotoo daw kami mag tipid kaya naman nde na kami nakapag tanghalian ni rab dahil nagtipid kami, tapos ngayon magsstarbucks lang sya! aba sosyal sya ha at sumosobra na ata sya dahil parang everyday nalang ata syang umaalis ng bahay at kun minsan eh nde pa umuuwi ng bahay ng ilang araw. At ito namang mama ko e nde nag atubiling mag abot ng pera. Pag bunso nga naman ooh!!!
Kaya ginawa ko pinagalitan ko kapatid ko, pinakonsensya effect ko sya. Binalik din naman ang perang inabot ni mama pero umalis parin ang mokong at pera nalang daw nya gagamitin nya. Pag alis nya, ang nanay ko naman ang sinermonan ko.

ako: pang kape lang bibigyan mo agad ng pera at pinayagan mo pang umalis!
ako: nag dala pa ng sasakyan e pde namang lakarin! (walking distance lang naman kasi ang starbucks d2 samin)

ako: aba napakasosyal naman nyang anak mo!

ako: nde kami nakapag tanghalian nun isang araw dahil nde mo kami binigyan ng pera tapos ngayon pang kape lang ng bunso mo e bumunot ka kaagad ng pera sa wallet mo! aysus!

mama: hahahha ako pa tuloy ang nasermonan ah! anak baka magalit un kasi binalik un pera eh

ako: hayaan mo sya! umaabuso na nga eh

ako: kahit anu talaga hilingin syo ni rab (un bunso kong kapatid) pinagbibigyan mo!

ako: (nagddrama pero patawa) puro nalang si RAB!! RAB!! RAB!! panu naman ako!

Haay ang mama ko tawa lang ng tawa saken... Panu kasi si rab talaga ang pinakapaboritong anak ng mama ko. Alam din ng pamilya ko na minsan nagseselos ako kun parati na lang si rab ang nabibigyan ng pansin. Minsan tuwing lalabas kami kahit anung gusto ni rab na makita sa mall abay binibilhan talaga sya ni mama. Ako naman nde naman ako nagpapabili kasi nahihiya din naman kasi ako, pero ang kapatid ko ang kafal talaga ng face! masaya nako sa ukay ukay hahaha... Minsan din nakakasama ng loob kasi obvious naman talaga na si rab ang paborito ni mama pero haay nasanay narin ako.

Teka parang birthday ko ngayon ha? bket kapatid ko ang binablog ko!!! hahaha

Maraming salamat nga pla sa lahat ng bumati saken!!! mahal ko kyong lahat!!! mwwuuuaahhh

kita kits nalang sa sabado!
mwuah mwuah mwuah

Sunday, January 18, 2009

Larawan

Lumaki akong nde nakilala ang aking ina. Sa murang edad naranasan ko ang lupit ng aking ama, ang pagmamaltrato, pagbubuhat ng kamay at ang pagmomolestiya. Kaya naman sa edad na 12 taong gulang minabuti kong lumuwas ng maynila, makaiwas lang sa mala demonyo kong ama.

Sa aking pagluwas ng maynila ay sinikap kong makahanap ng maayos at disenteng trabaho. At dahil sa wala akong pinag-aralan ay namasukan muna ako bilang katulong ng mahigit dalawang taon at hanggang sa mapadpad ako sa isang club. Tatlong taon din akong nagtrabaho sa ganung klaseng lugar hanggang sa mabuntis ako ng nde inaasahan. Nagahasa ako ng isang adik ng ako'y papauwi na galing club. Nde ko lubos na matanggap ang nangyari sken. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong nararamdaman ang bawat kilos ng sanggol sa aking sinapupunan. Kaya naman wala akong magawa kundi tanggapin na lang ito. Pinatalsik ako sa club na pinagtatrabahuan ko dahil sa nalaman nilang buntis ako. Problemado ako. Nde ko alam ang gagawin. Kelangan kong gumawa ng paraan upang mabuhay ko ang aking anak.

Nailuwal ko naman ng maayos ang aking anak sa pamamagitan ng konting ipon galing sa pagtitinda ng banana Q sa bangketa. Isang maganda at mukhang mabait na anghel ang dumating sa buhay ko. Nagtiis ako ng pagtitinda sa bangketa upang mapag aral ko sya.

Natapos nya ang elementarya at hiskul. Hanggang ng isang araw noong sya'y nasa kolehiyo na ay nde sya umuwi ng bahay. Ilang araw akong nag antay sa kanyang pag babalik at tila'y tuluyan na nya akong nakalimutan.

Alam kong masama ang loob nya sken dahil ayaw nya ng ganung klaseng pamumuhay. Nasasaktan ako tuwing ikinakaila nya ako sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Nde ko sya masisisi kung baket nde ko sya nabigyan ng magandang pamumuhay. Masakit ang ginawa nyang paglisan dahil sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob. Simula noon wala na akong nabalitaan pa sa kanya.

Makalipas ang tatlumpong walong taon...

Malamig ang simoy ng hangin at malakas ang pagpatak ng ulan. Nakahiga sa bangketa, nanginginig at tila'y wala ng lakas nang biglang may lumapit na isang dalagita na may bitbit na payong. Napaka amo ng kanyang mukha at pilit nya akong sinasama sa kanya. Pumayag akong sumama, dala ang aking isang lata na halos mapuno na ng barya. Dinala nya ako sa kanilang tahanan. Isang masarap na ulam na may kanin at mainit-init na sopas ang kanyang pinakain saken. Pinainom din nya ako ng gamot.

Habang sya ay nasa ikalawang palapag ng bahay at kumukuha ng damit na ipasusuot saken ay pinag masdan kong mabuti ang loob ng bahay. Maganda. Maaliwalas. Malinis. At habang higop-higop ko ang mainit na sabaw, na pansin ko ang isang larawan sa kanilang sala. Tila ito'y larawan ng kanyang pamilya. Habang tinititigan ko ang larawan ay nde ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang aking luha.

Minabuti kong umalis na ng bahay ng nde nagpapaalam sa dalagita. May patak ng luha ang mga mata at may ngiti ang mga labi ng lisanin ko ang bahay. Iniwan ko ang aking lata na puro barya sa tabi ng larawan. Sobrang galak ang naramdaman ng aking puso nang malaman kong naging masaya at maganda ang kanyang naging buhay simula ng ako'y kanyang lisanin.

Wednesday, January 7, 2009

Could It Be You?


i need someone to care for
someone to understand not to ignore me
to appreciate not to spoil me
someone who will forever be true to me

i need someone to share my troubles
someone who'll gently listen to my songs
someone who'll always remember me
someone who'll shower me with love

i need someone
someone who'll teach me what is right
someone who'll bring me to the real way of life
someone who'll let me feel the true happiness

i need someone who will long for me
and thinks of me when im away
someone who'll print me in his memory
and will hold me for eternity

i need someone who will love me
not for what i have
but because of who i am
im longing for this someone
could it be YOU?



Friday, January 2, 2009

Goodbye 2008! Welcome 2009!


Maraming nangyari saken sa taong 2008, meron masaya, malungkot, kahindik hindik, kagila-gilalas, kapana-panabik, at kun anu anu pang halong emosyon. Marami akong nakilalang bagong mga kaibigan. Mga kaibigan na sa maiksi panahon e masasabi mo nang mga tunay na kaibigan o kapamilya. Maraming tao rin ang naging bahagi ng buhay ko na naghilom sa pag katao ko. Maraming suliranin ang naganap at buti ay nabigyan ng solusyon. Maraming bagong natutunan sa buhay. Maraming masasayang karanasan na kaylan ma'y nde malilimutan. Sa lahat ng mga nangyari sken sa taong 2008 ay nagpapasalamat ako sa diyos at sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (isa ka na don!). At nawa'y sa darating na 2009 ay maging mas masaya pa ang lahat!


YAHOOOO HAPI NEW YEAR!!!!






Celebrating New Year with my family
(haha ang kulet ng posing ng papa ko!)



Nasurprise kami ng biglang dumating ang mga pinsan namin sa bahay!!! (Thank you for coming guys!!!) After ilang hours, mga titas ko naman ang dumating sa bahay hahaha ang saya tlga!!!



ayan putukan na!

akala ko mapuputulan nako ng paa. panu kasi si rab nag sindi ng kwitis, sa halip na sa langit ang punta e kami ang pinaghahabol ng pitong kwitis... hagipis tuloy ako ng takbo sa loob ng bahay hahahaha



fountain!!!


ayaw namin ng malalakas na paputok, kakatakot kasi eh kaya kwitis, small fountain at un fountain na sumasabog sa langit (sori nde ko alam tawag don eh) hahaha





After nang putukan eh syempre kainan tpos nag sayawan kami... kun anek anek lang na mga steps hahaha tpos mga bandang 2:00 am nag punta na kami sa haws ng mga pinsan namin at nag tugtugan kami... akalain mo un marunong pa pala akong mag drum! hahaha




Sobrang saya ng NEW YEAR ko!!!
Hope naging masaya rin New Year nyo!!!