WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Friday, 2 January 2009

Goodbye 2008! Welcome 2009!


Maraming nangyari saken sa taong 2008, meron masaya, malungkot, kahindik hindik, kagila-gilalas, kapana-panabik, at kun anu anu pang halong emosyon. Marami akong nakilalang bagong mga kaibigan. Mga kaibigan na sa maiksi panahon e masasabi mo nang mga tunay na kaibigan o kapamilya. Maraming tao rin ang naging bahagi ng buhay ko na naghilom sa pag katao ko. Maraming suliranin ang naganap at buti ay nabigyan ng solusyon. Maraming bagong natutunan sa buhay. Maraming masasayang karanasan na kaylan ma'y nde malilimutan. Sa lahat ng mga nangyari sken sa taong 2008 ay nagpapasalamat ako sa diyos at sa mga taong naging bahagi ng buhay ko (isa ka na don!). At nawa'y sa darating na 2009 ay maging mas masaya pa ang lahat!


YAHOOOO HAPI NEW YEAR!!!!






Celebrating New Year with my family
(haha ang kulet ng posing ng papa ko!)



Nasurprise kami ng biglang dumating ang mga pinsan namin sa bahay!!! (Thank you for coming guys!!!) After ilang hours, mga titas ko naman ang dumating sa bahay hahaha ang saya tlga!!!



ayan putukan na!

akala ko mapuputulan nako ng paa. panu kasi si rab nag sindi ng kwitis, sa halip na sa langit ang punta e kami ang pinaghahabol ng pitong kwitis... hagipis tuloy ako ng takbo sa loob ng bahay hahahaha



fountain!!!


ayaw namin ng malalakas na paputok, kakatakot kasi eh kaya kwitis, small fountain at un fountain na sumasabog sa langit (sori nde ko alam tawag don eh) hahaha





After nang putukan eh syempre kainan tpos nag sayawan kami... kun anek anek lang na mga steps hahaha tpos mga bandang 2:00 am nag punta na kami sa haws ng mga pinsan namin at nag tugtugan kami... akalain mo un marunong pa pala akong mag drum! hahaha




Sobrang saya ng NEW YEAR ko!!!
Hope naging masaya rin New Year nyo!!!

8 comments:

ayzprincess said...

mag drum? isa lang?? hehehe

parang kilala ko yung "isA ka na dun!"

SLLLEEEEEEEEEPPPPPP!!

api nu yir

kuletz said...

hahaha uu nga noh! yaan mo na tinatamad nako mag edit eh.. hahaha

hoy kasama karin kaya sa "isa ka na don" noh!!! hahaha

hapi new yr din ayz!!! mwuuahh

Vhonne said...

ang saya ng selebrasyon nio ah.. hehehe... halos pareho pala tayo ng title ng blog post... Goodbye & Welcome

Kirk said...

oh noh. ang kwitis shot mo eh parehas ng sa amin. sabagay nga naman, kwitus yun pareho harharhar!

PoPoY said...

ramdam na ramdam ko ang saya ng makita ang pictures. hahaha. hapi new year kuletz.

im thanking 2008 dahil nakilala ko ikaw at si rab at sila lola and kids at ang buong greenies!!!!

more gimiks to come, errr parang sumasama ako lagi?lols

kuletz said...

vhonne--> hahha uu nga noh wala ka lng 2008 & 2009 ahihi

kirk--> haha uu nakita ko rin pics mo! lolz kasi naman kwitis din un eh!

popoy-> wow! salamat pow popoy! kami din nag papasalamat at nakilala ka! hahaha lagi kang nasa tabi ko tuwing nalalasing akow!! hhaha ikaw ata ang nag papalasing sken eh!!! hahha

Anonymous said...

@kuletz. pinaratangan mo pa ako? hahaha see you sa bday ni damdam!!! :)

Popoy I.

kuletz said...

@popoy--> ayan ka nanaman.. excited ka nanaman tpos wala ka nanaman sa lakad.. hahaha