WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Sunday, January 18, 2009

Larawan

Lumaki akong nde nakilala ang aking ina. Sa murang edad naranasan ko ang lupit ng aking ama, ang pagmamaltrato, pagbubuhat ng kamay at ang pagmomolestiya. Kaya naman sa edad na 12 taong gulang minabuti kong lumuwas ng maynila, makaiwas lang sa mala demonyo kong ama.

Sa aking pagluwas ng maynila ay sinikap kong makahanap ng maayos at disenteng trabaho. At dahil sa wala akong pinag-aralan ay namasukan muna ako bilang katulong ng mahigit dalawang taon at hanggang sa mapadpad ako sa isang club. Tatlong taon din akong nagtrabaho sa ganung klaseng lugar hanggang sa mabuntis ako ng nde inaasahan. Nagahasa ako ng isang adik ng ako'y papauwi na galing club. Nde ko lubos na matanggap ang nangyari sken. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong nararamdaman ang bawat kilos ng sanggol sa aking sinapupunan. Kaya naman wala akong magawa kundi tanggapin na lang ito. Pinatalsik ako sa club na pinagtatrabahuan ko dahil sa nalaman nilang buntis ako. Problemado ako. Nde ko alam ang gagawin. Kelangan kong gumawa ng paraan upang mabuhay ko ang aking anak.

Nailuwal ko naman ng maayos ang aking anak sa pamamagitan ng konting ipon galing sa pagtitinda ng banana Q sa bangketa. Isang maganda at mukhang mabait na anghel ang dumating sa buhay ko. Nagtiis ako ng pagtitinda sa bangketa upang mapag aral ko sya.

Natapos nya ang elementarya at hiskul. Hanggang ng isang araw noong sya'y nasa kolehiyo na ay nde sya umuwi ng bahay. Ilang araw akong nag antay sa kanyang pag babalik at tila'y tuluyan na nya akong nakalimutan.

Alam kong masama ang loob nya sken dahil ayaw nya ng ganung klaseng pamumuhay. Nasasaktan ako tuwing ikinakaila nya ako sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Nde ko sya masisisi kung baket nde ko sya nabigyan ng magandang pamumuhay. Masakit ang ginawa nyang paglisan dahil sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob. Simula noon wala na akong nabalitaan pa sa kanya.

Makalipas ang tatlumpong walong taon...

Malamig ang simoy ng hangin at malakas ang pagpatak ng ulan. Nakahiga sa bangketa, nanginginig at tila'y wala ng lakas nang biglang may lumapit na isang dalagita na may bitbit na payong. Napaka amo ng kanyang mukha at pilit nya akong sinasama sa kanya. Pumayag akong sumama, dala ang aking isang lata na halos mapuno na ng barya. Dinala nya ako sa kanilang tahanan. Isang masarap na ulam na may kanin at mainit-init na sopas ang kanyang pinakain saken. Pinainom din nya ako ng gamot.

Habang sya ay nasa ikalawang palapag ng bahay at kumukuha ng damit na ipasusuot saken ay pinag masdan kong mabuti ang loob ng bahay. Maganda. Maaliwalas. Malinis. At habang higop-higop ko ang mainit na sabaw, na pansin ko ang isang larawan sa kanilang sala. Tila ito'y larawan ng kanyang pamilya. Habang tinititigan ko ang larawan ay nde ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang aking luha.

Minabuti kong umalis na ng bahay ng nde nagpapaalam sa dalagita. May patak ng luha ang mga mata at may ngiti ang mga labi ng lisanin ko ang bahay. Iniwan ko ang aking lata na puro barya sa tabi ng larawan. Sobrang galak ang naramdaman ng aking puso nang malaman kong naging masaya at maganda ang kanyang naging buhay simula ng ako'y kanyang lisanin.

10 comments:

cyndirellaz said...

senti naman ng story na ito.. makes me think T_T

The Gasoline Dude™ said...

Naks naman si Kuletz! Hehehe. Dalawa pa lang kayo ni PB na kilala kong blogger na nagsusulat ng short stories sa blogs nila. Keep it up!

yAnaH said...

hu hu hu
naluha naman ako..
para akong tanga.. naluluha ng alas tres ng madaling araw..
hehehe

kuletz said...

@cyndirellaz--> uu my pag kasenti nga.. hehe

@gasul--> nag susubok lng.. hehe nde ko nga alam parang walang wenta ata gawa ko eh.. haha

@yanah--> ay ayan mukhang may na touch ata.. thanks yanah!!!

Anonymous said...

grabeh naman yan.. pang mother's day... hehhe! sana nagpakilala nalang siya.

Marlon Celso said...

Tsk...tsk...

...continuation...

Sa aking pagmamadali lisanin ang tahanan ay hindi ko namalayan na hindi lang pala ang lata ang naiwan ko, maging ang aking laptop, Canon D60 at ang aking cellphone na kabibili ko lang noong isang araw, sa kagustuhan ko man hindi na magpakilala, eh wala akong nagawa.

Mahal ang load ngayon.

wahahahaha Palapit ng palapit ang Pebrero pa-senti ng pa-senti ah. labasan na ba ng EMO side? ahehehe

Nice one, pang pocketbook! lols...

Great writing. CUTE TALAGA.

San ka sucat? ahehehe hindi pwede hindi mo makilala ako ang pinaka-cute na masasalubong mo. hehehe apir!

Anonymous said...

so eto pala ang tahanan mo kuletz. akalain mong ginoogle ko lang at unang link eh blog mo kaagad. at napakaganda pa ng unang blog mo na nabasa ko. *palakpakan* :D

it was nice meetin' u **ngiti**

kuletz said...

@yhen--> haha pang mother's day ba? hehe mamats pow!

@marlon--> hahaha tae ka!! ganda ng continuation mo ah!! hehehe un sagot sa tanung mo andon sa cbox mo ha? thanks pow!!!

@pedro--> ahihi nahiya naman ako kay pedro! talagang ginoogle mo pako ha? hehe salamat pow sa pag bisita

nice meeting you din!!! makulet ka rin pla!! haha hope 2 c u soon!!

Anonymous said...

ay.. ngaun lang po ako napadpad dito... kaganda naman ng istorya. kaka touch, kakaiyak. haaay....
birthday mo daw?!!
HAPPY BIRTHDAY po. ^_^

JIMG29 said...

parang 'anak' ni freddie aguilar...

iyakan bluez!