Kagabi habang nag ppiano ako sa sala, narinig ko ang kapatid ko na nanghingi ng pera kay mama. Syempre tinatunong ko kapatid ko kun san sya pupunta dahil alas nuwebe na ng gabi. Aba eh mag sstarbucks lang daw sya at tatambay lang daw don. Aba'y nagtililing ang tenga ko! dahil ilang araw narin kaming sinesermunan ng mama ko dahil puro na lang daw kami lakwatsa, lakwatsa ng lakwatsa. At noong isang araw umalis kami ni rab at nde kami binigyan ni mama ng pera para matotoo daw kami mag tipid kaya naman nde na kami nakapag tanghalian ni rab dahil nagtipid kami, tapos ngayon magsstarbucks lang sya! aba sosyal sya ha at sumosobra na ata sya dahil parang everyday nalang ata syang umaalis ng bahay at kun minsan eh nde pa umuuwi ng bahay ng ilang araw. At ito namang mama ko e nde nag atubiling mag abot ng pera. Pag bunso nga naman ooh!!!
Kaya ginawa ko pinagalitan ko kapatid ko, pinakonsensya effect ko sya. Binalik din naman ang perang inabot ni mama pero umalis parin ang mokong at pera nalang daw nya gagamitin nya. Pag alis nya, ang nanay ko naman ang sinermonan ko.
ako: pang kape lang bibigyan mo agad ng pera at pinayagan mo pang umalis!
ako: nag dala pa ng sasakyan e pde namang lakarin! (walking distance lang naman kasi ang starbucks d2 samin)
ako: aba napakasosyal naman nyang anak mo!
ako: nde kami nakapag tanghalian nun isang araw dahil nde mo kami binigyan ng pera tapos ngayon pang kape lang ng bunso mo e bumunot ka kaagad ng pera sa wallet mo! aysus!
mama: hahahha ako pa tuloy ang nasermonan ah! anak baka magalit un kasi binalik un pera eh
ako: hayaan mo sya! umaabuso na nga eh
ako: kahit anu talaga hilingin syo ni rab (un bunso kong kapatid) pinagbibigyan mo!
ako: (nagddrama pero patawa) puro nalang si RAB!! RAB!! RAB!! panu naman ako!
Haay ang mama ko tawa lang ng tawa saken... Panu kasi si rab talaga ang pinakapaboritong anak ng mama ko. Alam din ng pamilya ko na minsan nagseselos ako kun parati na lang si rab ang nabibigyan ng pansin. Minsan tuwing lalabas kami kahit anung gusto ni rab na makita sa mall abay binibilhan talaga sya ni mama. Ako naman nde naman ako nagpapabili kasi nahihiya din naman kasi ako, pero ang kapatid ko ang kafal talaga ng face! masaya nako sa ukay ukay hahaha... Minsan din nakakasama ng loob kasi obvious naman talaga na si rab ang paborito ni mama pero haay nasanay narin ako.
Teka parang birthday ko ngayon ha? bket kapatid ko ang binablog ko!!! hahaha
Maraming salamat nga pla sa lahat ng bumati saken!!! mahal ko kyong lahat!!! mwwuuuaahhh
kita kits nalang sa sabado!
mwuah mwuah mwuah
10 comments:
happy birthday,kuletz!
ilang taon ka na? haha
makulit din pala nanay mo, bakit di mo sya ipa-sparring kay aling maring ni mariano? tingnan nating kung sinong mas matindi. haha
jeckkkkk!!!!!!
thank u thank u!!!
hahaha uu mukhang bagay sila magpatalbugan ni aling maring!! hahaha
I had to think hard what tarits is? iyong pala sta. rita college? hehehe sabi sa iyo bago ako dito eh. hahaha Happy-b-day ulit. Marunong ka pla magpiano? wow. alam mo, hindi ko alam sinasabi mo kasi bunso ako! lols! ahahahah so medyo ganun din ako. Pero malay mo diba, kahit siya iyong obvious na paborito, kaw pala iyon. Si Karen nga eh sa mcdo? diba? niwey, alam ko naman lage wala ako sense mag-comment so hindi ko na pahabain. ciao!
Marlon of
http://perspektib.blogspot.com and http://marlonofmanila.blogspot.com
oi di totoo yan a! di dahil bunso favorite! :D
syempre may leverage talaga kami. pero it doesnt always mean na kami ang paborito :D
haberdei euen :D
happy birthday!! naku panganay ka din ba? pasosyal nga ang iyong bunso! way to go kuletz! kampi ako sayo ehehe ^^
wowowee.
hapbertday!
hehe.. ndi mo po ko kilala..
ako din eh, di din kita kilala..
napadaan lang ako.. :)
@marlon--> haha uu st. rita nga un.. bunso ka din pla ha? hmm tsk tsk malamang spoiled ka din!! hehe
@ayz--> totoo yun!!! hahaha ayaw nyo lng aaminin!! hehe
@cyndirellaz--> nde pow ako panganay.. gitna pow.. kaya nde nagbibigyan ng pansin minsan.. heheh pero ok lang..
@gladyspillbox--> nde mo ko kilala at nde rin kita kilala? aba'y halika at magkakilanlan tyo!! thanks 4 visitng my blog!!
kaya naman pala gitna ka :) ako rin gitna rin ako.. at tama ka na bihirang mapansing ang anak na gitna.. madalas panganay at bunso ang nakikita.. my time din na nagseselos ako pero sabi mo nga sanayan lang hahaha :)
hmmmm buti na lang mommy ko walang pera kaya hindi binibigyan si bunso whaaaahahahaahahaa.... padaan ok lang?
Post a Comment