WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Monday, February 23, 2009

Apo Reef Island Escapade

Ang isla ng Apo Reef ay matatagpuan sa Sablayan, Occidental Mindoro. Kahit na more than 12 hours ang biyahe namin papunta dyan ay sobrang sulit dahil sa taglay nitong likas na kagandahan. Habang nasa bangka papuntang isla ay may nakita kaming dolphins, mga 3 or 4 ata sila. Malas lang namin dahil wala kaming nakitang butanding. Sobrang alaga nila ang isla kaya bawal mag uwi ng mga corals, buhangin at kun anu anu pa. Kaya sa mga gustong pumunta sa islang ito, pakiusap na alagaan din naten ito, wag nating hayaan masira ang likas na kagandahan ng Apo Reef.





Solo namin ang buong isla ng tatlong araw at dalawang gabi. Sobrang saya ng grupo namin at dahil syempre may teamwork pa. Nag snokerling din kami at maraming kakaibang isda ang nakita namin. Para lang kaming mga bata pag may nakikita kaming turtles, sharks, at hammerhead.

Teka ikkwento ko ang mga kaganapan...

First day- nagtayo ng mga sariling tents, nagluto ng almusal, nag snorkeling, natulog ang iba habang kaming apat jason, sherwin, axel at ako ay tumakas at nagpunta sa mangroves forest at lagoon, syempre nde mawawala ang picturan moment. Pagbalik namin sa campsite, aba mga tulog pa din sila pero nagising narin. Maya maya ay sinimulan na nila ang inuman, masyadong maaga para simulan nila ang inuman, mga 3:00 pm ata nag start na sila hanggang sa antukin na sila. Syempre habang nag iinuman with matching kantahan pa, kwentuhan, jokes at kun anu anung kalokohan pa ang mga pinag gagawa ng mga mokong (sila na nakakaalam nun, bawal ikwento hahaha). Samantalang kami, pagsapit ng gabi ay tumambay na kami sa pampang at nag star gazing, hanggang sa antukin at pumasok na ng tent. Pero nde rin ako gaano nakatulog dahil ang tent namin ni ayz ay napapaligiran ng magkabilang tent na kun saan ang lalakas humilik ng mga tao.







Second day- madaling araw palang at gising na ang ibang tao. Habang nagluluto ng almusal ay napagkwentuhan nila ang mga kagaguhan pinag gagawa nila nun gabi. Matapos kumain ng almusal ay nag island tour naman. May pinuntahan kaming old house at lighthouse. Sa taas ng lighthouse ay kitang kita mo ang buong isla at ang tunay nitong kagandahan at kalinisan. Masasabi mong sobrang mawawala ang stress at problema mo sa buhay pagnakakita ka ng ganitong kagandang lugar. After sa lighthouse, nagpunta naman kami sa mangroves forest at lagoon. Sa lagoon, dami namin nakitang manta ray at meron din kaming nakitang maliit na shark. After that bumalik na kami ng campsite at kumain ng tanghalian.


Then natulog muna saglit tapos nagkwentuhan at nag snorkeling. Ampfufung mask ko! nagsisisi ako kun bket nde ako tumulad saknila na naglagay ng toothpaste sa mask, ayan ang labo tuloy ng paningin ko sa ilalim ng dagat. At kuya rick na aming tour guide, pasensya na kun lagi kitang pinapalangoy sa tuwing nabibitawan ko ang snorkel ko. After mag snorkel ay nagswimming then naglaro ng volleyball. Syempre panalo ang team namin nyahaha. Tpos nagluto ng hapunan ang mga nde sumali sa volleyball. Bago kumain ng hapunan nag laro kami ng game about songs.



After kumain, kaming apat kuya rick, ioni, bob at ako ay bumalik ng lighthouse. Sinamahan namin si ioni para maovercome nya ang fear nya sa height. Habang ang iba naman na naiwan sa campsite ay kumuha ng mga kahoy para pang bonfire. Habang pabalik na kami ng campsite galing lighthouse ay napadaan kami sa old house, ampfufu! dahil gabi na at madalim ay may naramdaman akong kakaiba, nanlamig ang ibabang bahagi ng paa ko at parang gusto kong kumaripas ng takbo, at dahil matapang ako kunwari, nde ako tumakbo subalit nagbalik tanaw pa ako sa lumang bahay. At sinabihan ako ni bob (na may pagka spirit questor) na wag maingay at wag nang lumingon ule.
Pagdating sa campsite, bonfire! bonfire! bonfire! first time kong makatikim ng sunog na marshmallow, oo first time, bket ba?! kaaliw, puro asaran, kwentuhan, star gazing, inuman sila, at may bago akong natutunan sa constellation (ewan ko lng kun tama nga ang pinagtuturo nila hahaha)

Third day- Nagligpit ng tents, kumain ng almusal, naglinis ng mga kalat. Hay uwian na. Kakalungkot naman. Sumakay ule ng bangka papuntang Sablayan proper. Kumain ng tanghalian sa Kainan sa Kubo at wakas nakatikim din ng sobrang lamig na coke at sobrang lamig na tubig whaaa so refreshing! After kumain, 2.5 hours drive ule going to Abra de Ilog, syempre walang magawa sa van kaya nagkantahan at nagsayawan. Then 2.5 hours ule ang biyahe ng montenegro going to batangas pier. Pagdating sa batangas pier ay nagutom at naghanap ng makakainan at cr. Medyo parang malas kami dahil wala kaming mahanap na makakainan dahil ang gusto nilang kainin ay lomi. Nakahanap nga kami ng kakainan pero nagbrown out naman hahaha ayos!
So panu sa uulitin? Hehe
Maraming salamat nga pla sa taong nagdala samin sa Island na to. Maraming salamat din kay Kuya Rick at Ate Rea na aming tour guide, at kay Kuya Leslie na aming driver. At syempre maraming maraming salamat din sa mga sumama na kung saan nabuo ang ASS- Apo Snorkeling Society.

8 comments:

Anonymous said...

Saya naman nyan sama naman ako..hehehe...sana makasama din ako hehehe...daya daya naman nyan..ang kukuletskie nyu!!!! hehehe

Anonymous said...

i'm so f*@#ing inggit!!! hehehe.

kuletz said...

@ligaya--> hahhaa uu kaya sa susunod sumama ka ha? makipag EB ka smin!! okidocs?

@antuken--> nyhahaha inggit si antuken!! bhe!! haha nang asar pako eh noh.. sa susunod sama kana, isama mo kasi si hubby mo.. sa hundred islands ata ang sunod eh... sama na!

Anonymous said...

"sa taong nagdala sa isla"...

sino yan? mabait yan, for sure.

at cute.

Marlon Celso said...

WOWOWOWOW! Alam mo bang nakangiti ako sa inggit habang binabasa ko ito? lols! Parang survivor ang drama niyo ah? wahaha ansaya, gusto ko rin gawin iyong ganyan. sino ba nagdala sa inyo dyan? naku...ahahaha

Inggit! Inggit! inGgit! ako.

Anonymous said...

wow, i think we can consider this place for our team building ds coming summer... mukang panalo ang lugar na ito... wish ko lang swak sa budegt... heheheh

kuletz said...

@yhen--> swak na swak sa budget yan... we had a contribution of 3,800/px. included na yun pamasahe (rent sa van, fare sa boat, rent sa bangka, for 2 way) and food (for 3 days & 2 nights). 12 persons kaming nag contribute. plus pocket money na 500php.

Anonymous said...

日本视讯dxlive , 日本视讯聊天室 , 日本视讯美女 , 视讯聊天交友 , 免费视讯美女 , 视讯美女聊天室 , 免费视讯区 , 真人秀聊天视频网站 , 真人秀聊天室 , 真人秀场跳舞聊天室