WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Sunday, November 30, 2008

Munting Sorpresa


sa iyong sorpresa
ako'y natuwa,
mumunting likha
na nakakahanga

simpleng bagay
na nakakaantig,
nais kong malaman mo
ako'y sobrang napangiti

wala man akong galing
tulad ng iyong talento,
na nagbibigay aliw
sa aking puso

sa pirasong tula
na lamang dadaanin,
ito'y inihahandog
para sa iyo.

Friday, November 28, 2008

Ang Bulag at ang Lumpo



Noong nakaraan na huwebes, Nobyembre 27 sa taong kasalukuyan, alas nuebe ng umaga, nag punta ako sa Pedro Gil, may mga inasikaso lang na bagay-bagay. Maaga akong natapos mga 11 am ata, after ng lakad na yan meron pa akong kakatagpuin na kaibigan na nagmula pa sa ibang bansa, ang usapan namin ay 4:00 pm. So tumambay muna ako sa Robinsons Manila. At dahil mahaba pa ang oras ng paghihintay, ninais ko munang manuod ng sine.

Hmmm maraming magagandang palabas, nde ko alam kun anu ang panunuorin. Nde ko pinili ang twilight at bolt dahil may mga kaibigan na kong nagyaya na manuod nun. Kaya nag isip ako ng iba. Hanggang sa nakapag desisyon akong yun mga idol ko nalang ang panunuorin ko…

Papasok sa sinehan, namili ako ng uupuan, syempre don ako sa tipong walang makakatabi sken… dahil nde ako sanay na manuod ng mag isa lng, first time kong manuod ng mag isa, promise! Habang nanunuod, may umupong lalake sa bandang kaliwa pero mga 2 upuan ang pagitan. Ang nasa kanan ko naman lalake din pero may 2 upuan din ang pagitan sken (dahil naglagay talga ako ng paper bag sa mga tabing upuan ko). Medyo maingay ang dalawang lalake, puro comment… comment…comment… at tawa narin.. so hinayaan ko lng sila… pero nde talaga ko makatiis sa na aamoy ko (amoy matatanda na ewan), kaya lumipat ako ng upuan. Habang naglalakad sa loob ng sinehan at nag hahanap ng pwesto, kitang kita ko ang mga nanunuod. Oh my gulay! Natawa nalang ako sa sarili ko! Halos lahat ng nanunuod e matatanda na! promise walang biro! May nakita pa nga akong matandang lalake na may dalang tungkod at nakasalamin pa! meron din dalawang mag asawa na matanda narin. Nde ko alam kun bket puro matatanda ang nanunuod. Feeling ko ako lang ang bagets don! Nung nakalipat na ko ng upuan, talagang unti unti kong nilingon ang ulo ko pataas at tignan ule ang mga tao… puro talaga matatanda! Ewan ko ba, Ok naman un napili kong palabas. Nde naman jologs. Maganda naman. Sabi ko nga baka naman na wow mali ako? wag nyo nalang cguro alamin kun anu yun pinanuod ko...

Anyways nde yan ang kwento ko. Dahil malayo sa title ko. Gusto ko lng din ishare ang nangyari sken nung araw na yan… so mga 3:00 pm na, nag txt sken ang immeet ko at sabi mga 6:00 pm na lang daw dahil kakaalis lang daw nya ng bataan! Gosh masama pa naman pakiramdam ko nun time na to! Masakit parin ang lalamunan ko at nilalagnat na ko.. pero cge aantayin ko pa rin sya.. hay naku no choice ako kundi ulitin na lang ang palabas, pero this time tinulugan ko nalang sya…

6:00 pm nagkita na kmi nag kausap ko… kwento.. kwento… kamustahan… at yehey may pasalubongs aketch! Pero nde ko naman makakain coz masakit nga lalamunan ko.

Pauwi na ko, pag labas ko ng Robinsons nag lakad ako hanggang papuntang LRT. Ok lang maglakad coz marami din naman naglalakad at sanay narin ako maglakad don dahil nun college pa ko don kami madalas dumaan ng x ko.

Habang nag lalakad, sa di kalayuan may naririnig akong isang tinig na muling kumurot sa aking puso dahil sa ganda ng kanyang boses… excited na ko makarating sa bandang unahan dahil alam ko don nag mumula ang tinig ng isang babae… Nung matagpuan ko na ang tinig, nde ko alam kun anu ang mararamdaman ko. Nde ko namalayan na nakangiti na pala ang aking mga labi pero ang aking damdamin ay may halong lungkot. Tila gustong lumuha ng aking puso.

Isang lumpong babae na may hawak na mikropono at isang lalakeng bulag na may hawak na gitara na may lata sa kanilang harapan. Muli ko silang namukhaan makalipas ang mahabang panahon. May halong tuwa dahil sila parin ang dalawang talentadong pulubi na nakikita namin tuwing dadaan kami ng x ko don… may halong lungkot sa kadahilanang nde ko maipaliwanag…

Maraming tao ngayon na kumpleto pa ang pangangatawan at maliliksi pa pero ang hanapbuhay naman nila ay ang pang hoholdap, pang issnatch, pang durukot, pang durugas at kun anu anu pa. nde katulad ng dalawang taong ito na sa marangal parin ang kanilang ginagawang trabaho upang may pang tawid lang kanilang gutom. Sa mahabang panahon silang nag titiis ng ganung uri ng pamumuhay. Kun may magagawa lang sana ako. Pero mumunting dasal lamang ang maibibigay ko sa kanila.

Tuesday, November 25, 2008

Paumanhin at Pasasalamat

Sa naganap nun sabado ng gabi, nov. 22, 2008, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng saksi nung gabing iyon. Kun anu man ang pinag gagawa ko na nakakahiya eh pagpasensyahan nyo na dahil wala ako sa tamang pag iisip kasi naman, it’s unfair naman talaga!!! Hehehe kun meron man din akong nasabing masamang salita, nde ko yun intensyon, wala lang ako sa aking sangkatauhan… lintik na hephep hooray kasi yan! sa susunod gagalingan ko na sa games para nde na ko natatagayan… o kaya mag chuchukie na lang din ako sa susunod tulad ng ginagawa ni dudan… hehehe

May mga scene na nde ko na talaga maalala… yun mga pinag gagagawa nyo skeng mga trip, cge pasalamat kyo at nde ko maalala yun mga yon… hehehehe first time kong malasing ng ganun, promise!!! Kasi dati pag nalalasing ako naalala ko pa un mga pinag gagagawa ko… eh ito as in maraming bagay na wala akong maalala… yun it’s unfair na kinukwento nyo sken, oo naalala ko un… yun nag papaspell kayo sken, un lethalverses lang ang naalala kong pina-ispell nyo sken. Kasi parang medyo nahirapan ata akong i-spell un… hehhehe pero un WHAT, WHY, GREENPINOY, FACEBOOK, FRIENDSTER e nde ko na maalala… lakas ng mga trip nyo tsong!!! Hehehe


Nag papasalamat din ako sa mga taong nag-buhat, nag-punas ng s***, nag paligo, nagbihis at nag-alaga sken… kay ayz, sher, M, kdr at kay zee (na itinakwil akong kapatid nun gabing yun) kay cyberlola at kun cnu pang tumulong saken, maraming maraming salamat talaga at pasensya na…


Pahabol…

Gusto ko nga pala mapanuod ang video at pagtawanan ang sarili ko…

Tuesday, November 11, 2008

Creek Park





Meron akong isang place sa dubai na sobrang namimiss ko. Ito ay ang Creek Park, walking distance lang sya simula sa hospital accommodation namin, cguro mga 30-40 steps lang ang layo. Minsan kapag off ko don ako madalas tumambay, lalo na kun sobrang bored nako sa flat namin. Kadalasan ko kasing ginagawa tuwing ko off eh, matulog, ubusin lahat ng dvd movies na galing pa ng pinas, maglaba, magluto, mag bubble bath, mag internet, kumain ng haagen-dazs na ice cream flavored butter pecan na hahaluan ko pa ng isang saging(hmmm sarap) habang nanunuod ng mga heroes, lost, prison break, korean, taiwanese o kung anu anu pang mga telenobela.

Kapag depressed ako at wala nakong magawa sa bahay eh mas gugustuhin ko pang mag bihis ng panglalake at naka sumbrero (ayokong may nakakakilala kasi sken pag ganito ang trip ko sa buhay) at tsaka ko kukunin ang gitara ko at tatambay sa creek park.

Nakakatuwa mag gitara sa ganung klase ng lugar coz sobrang napaka peaceful ng place at feel na feel mo pa ang simoy ng hangin habang may mga dumadaan na gondola at nakikita ka ng mga pasahero nilang hawak ang gitara at tumutugtog. Nakakaaliw din pag masdan ang mga ibong lumilipad sa gitna ng creek park at hinahabol ang dumadaang gondola. Minsan din naman my mga taong dumadaan sa likod ko habang sila ay namamasyal. Minsan meron din mga crew sa dhow (dhow-sailing vessel ng arab) na nakatingin sken at nakikinig sa kampay ng gitara ko, as if naman naiintindihan nila eh minsan tagalog ang tinutugtog ko, nakakatuwa silang pag masdan dahil parang tuwang tuwa sila na meron isang babae na marunong tumugtog ng gitara at parang first time lang nilang makakita ng gitara hehehe. Pero sa totoo lang ayoko ng may nakatingin sken dahil naiilang ako at nawawala ako sa konsentrasyon. At ayoko din nang may tatabi saken sa upuan na ibang lahi at makiki join kunwari sken grrr. Kaya kapag may tumatabi sken eh umaalis nalang ako at lilipat ng ibang pwesto o kaya uuwi na lang.

Minsan din naman e nakikinig ako ng music (napakalakas na volume sa headset ko) habang minamasdan ang paligid hanggang mag gabi na at magutom nako.





Eto nga pala ang upuan na madalas kong tambayan sa creek park… Dyan ko din minsan dinadala ang mga kaibigan kong gustong magshare ng mga malagim nilang dinanas sa dubai. hehehe
Dito din sa creek na to ako nag bunjee jumping! Ang isang experience na matagal ko ng gustong gawin at sa wakas naranasan ko narin sya! hehehe



Eto naman ang view na makikita mo sa tapat ng upuan, ang twin tower rolex building. Naalala ko pa nun, may isa akong friend na isinama kong tumambay dyan at nagtrip kaming bilangan kung ilang floor meron ang rolex building na yan. Pag gabi na kasi makikita mo ang elevator nila at ang kada floor na hihintuan ng elevator. Kaya sinubukan namin tong bilangan kahit na mag kanda duling-duling na kaming dalawa hehehe.


Hay creek park. Sobrang dami kong masasaya at malulungkot na memories syo. Parang ikaw ang naging saksi sa buhay ko dyan hahahaha. Minsan kasi kinakausap ko sya (sa isip lang ha? baka kasi mapag kamalan akong baliw), at nag kkwento ng kung anu anu.

Friday, November 7, 2008

Unknown Sentiment





obscure world…



unfamiliar people…



unexpected questions asked…





Tears from the heart
that can’t be spoken

started to fall…












Past is still the present,

Or maybe still the future…



Monday, November 3, 2008

Na-tag ako ni Lethalverses. NDEs.



At dahil sa na-tag ako ni LV, napilitan tuloy akong mag-share ng NDEs ko… hehehe pero ok lang, nag enjoy naman ako sarimuhain ang nakaraan.


************

College days. EAC dormitory

Katatapos lang ng klase at ako’y dumiretso sa dorm, naabutan kong natutulog ang aking kasama sa kwarto kaya nakitulog narin ako. Ang sarap ng tulog ko, sa sobrang lalim parang ayoko ng gumising. Napadilat ang mga mata ko, nakikita ko ang paligid ng kwarto namin. Gusto kong bumagon pero nde ko maigalaw ang mga katawan, kamay at paa ko. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri sa paa ko pero wala akong maramdaman. Sumisigaw na ko ng malakas na malakas pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napahinto ako at nag-isip kun anu na ang nangyayari sken.

Matikas akong nagpupumiglas na tila may nakabalot sa buong katawan ko para nde ako makagalaw. Pilit ko pa ding sinisigaw ang pangalan ng kasama ko sa kwarto at nang-hihingi ng tulong ngunit parang nde nya ko marinig. Paulit ulit ang mga pangyayari. Hanggang sa napagod na ko. At nang bigla nalang pumasok sa isip ko na dapat within 10 seconds magising na ko kundi malalagutan na ko ng hininga.



10


9

8


7


6


5


4


3

Nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Nagising ako na nag-hahabol ng hininga na parang sobrang pagod na pagod ako. Hay buti nalang at may nag-ddrop call saken nun time na un (nauso dati un drop call) kundi inabot siguro ako ng 3… 2… 1… ennggkkk

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ito ay kapanahunan ng may boyplen pa ako pero nde alam ng mga magulang ko. Nag paalam ako na makikipag kita lang ako sa kaibigan ko pero ang totoo ay kay "X" ako makikipag kita. Maaga akong umalis ng bahay dahil maaga ang usapan namin. Sumakay ako ng jeep papuntang baclaran (from sucat à baclaran). Mahilig akong umupo sa unahan ng jeep na katabi un drayber kaya don ako pumwesto. Sa trenta minutos na pag lalakbay naging ok naman ang biyahe namin hanggang sa may narinig kaming putok ng baril. Napahinto ang drayber sa pagmamaneho. May nakita akong dalawang lalakeng naghahabolan sa daan. Ang isa may dalang bakal at yun isa naman may dalang baril. Naabutan nung isang lalake ang kanyang hinahabol at don sila nagsapakan sa harap mismo ng jeep namin. Binunot ng lalake ang kanyang baril at nagpapaputok pero nde nya matamaan un lalake dahil pilit nyang sinasangga ito. Kumusta naman, kun san san napupunta ang balang pinuputok nya. Natakot ako at natulala. Nde ako alam ang gagawin, gusto kong lumabas ng jeep at tumakbo pero baka tamaan lang ako ng ligaw na bala pag ginawa ko yun. Napabulong nalang ako kay manong drayber na paandarin na un makina ng jeep at kumaripas nalang ng takbo! Pero si manong feeling nanunuod lang ng isang aksyon na pelikula at nde nya pinapansin ang mga nagpapanic nyang mga pasahero. Hanggang sa binatukan ata sya ng isang matandang babae sa likod nya at don lang sya natauhan na dapat na nga syang umiwas sa gulong yon.

Natulala at kinabahan ako sa mga pangyayari. Panu nga kung natamaan nga ako ng ligaw na bala? Nde pa naman alam ng mga magulang ko kun nasan talaga ko dahil nag-sinungaling lang ako sa knila, parang nakonsyensya effect tuloy ako. Parang gusto kong kausapin si Lord nun at sabihin na wag muna ngayon Lord, gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang ko dahil sa mga nagawa kong kasalanan at sa pag-lilihim sa knila ng mga pinag-gagagawa ko sa buhay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tama si LV na dapat sa bawat yugto ng buhay naten dapat tyong magpasalamat sa Diyos! We never know kun kelan nga tyo mamamatay dba? Pwedeng mamaya o kaya bukas. Aba malay naten, nde naman naten masasabi dba? Kaya dapat sa bawat segundo ng buhay, gawin naten itong makabuluhan at makasaysayan. Ibuhos na naten ang lahat ng ngiti at tawa sa mundong ito. Wag masyadong problemahin ang mga problema. Problema na nga, po-problemahin mo pa! Hehehe. At dapat matuto tyong mag-appreciate ng mga simpleng bagay sa paligid. Maliit man o malaki dapat mag-pasalamat pa rin tayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cge makiki-tag narin ako… dahil nasa listahan na ni LV ang gusto ko sanang i-tag, kya ang itatag ko na lang ay sina:

taraannn....

Phoebe

Antuken

Popoy

Cutedanger