WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Tuesday, November 11, 2008

Creek Park





Meron akong isang place sa dubai na sobrang namimiss ko. Ito ay ang Creek Park, walking distance lang sya simula sa hospital accommodation namin, cguro mga 30-40 steps lang ang layo. Minsan kapag off ko don ako madalas tumambay, lalo na kun sobrang bored nako sa flat namin. Kadalasan ko kasing ginagawa tuwing ko off eh, matulog, ubusin lahat ng dvd movies na galing pa ng pinas, maglaba, magluto, mag bubble bath, mag internet, kumain ng haagen-dazs na ice cream flavored butter pecan na hahaluan ko pa ng isang saging(hmmm sarap) habang nanunuod ng mga heroes, lost, prison break, korean, taiwanese o kung anu anu pang mga telenobela.

Kapag depressed ako at wala nakong magawa sa bahay eh mas gugustuhin ko pang mag bihis ng panglalake at naka sumbrero (ayokong may nakakakilala kasi sken pag ganito ang trip ko sa buhay) at tsaka ko kukunin ang gitara ko at tatambay sa creek park.

Nakakatuwa mag gitara sa ganung klase ng lugar coz sobrang napaka peaceful ng place at feel na feel mo pa ang simoy ng hangin habang may mga dumadaan na gondola at nakikita ka ng mga pasahero nilang hawak ang gitara at tumutugtog. Nakakaaliw din pag masdan ang mga ibong lumilipad sa gitna ng creek park at hinahabol ang dumadaang gondola. Minsan din naman my mga taong dumadaan sa likod ko habang sila ay namamasyal. Minsan meron din mga crew sa dhow (dhow-sailing vessel ng arab) na nakatingin sken at nakikinig sa kampay ng gitara ko, as if naman naiintindihan nila eh minsan tagalog ang tinutugtog ko, nakakatuwa silang pag masdan dahil parang tuwang tuwa sila na meron isang babae na marunong tumugtog ng gitara at parang first time lang nilang makakita ng gitara hehehe. Pero sa totoo lang ayoko ng may nakatingin sken dahil naiilang ako at nawawala ako sa konsentrasyon. At ayoko din nang may tatabi saken sa upuan na ibang lahi at makiki join kunwari sken grrr. Kaya kapag may tumatabi sken eh umaalis nalang ako at lilipat ng ibang pwesto o kaya uuwi na lang.

Minsan din naman e nakikinig ako ng music (napakalakas na volume sa headset ko) habang minamasdan ang paligid hanggang mag gabi na at magutom nako.





Eto nga pala ang upuan na madalas kong tambayan sa creek park… Dyan ko din minsan dinadala ang mga kaibigan kong gustong magshare ng mga malagim nilang dinanas sa dubai. hehehe
Dito din sa creek na to ako nag bunjee jumping! Ang isang experience na matagal ko ng gustong gawin at sa wakas naranasan ko narin sya! hehehe



Eto naman ang view na makikita mo sa tapat ng upuan, ang twin tower rolex building. Naalala ko pa nun, may isa akong friend na isinama kong tumambay dyan at nagtrip kaming bilangan kung ilang floor meron ang rolex building na yan. Pag gabi na kasi makikita mo ang elevator nila at ang kada floor na hihintuan ng elevator. Kaya sinubukan namin tong bilangan kahit na mag kanda duling-duling na kaming dalawa hehehe.


Hay creek park. Sobrang dami kong masasaya at malulungkot na memories syo. Parang ikaw ang naging saksi sa buhay ko dyan hahahaha. Minsan kasi kinakausap ko sya (sa isip lang ha? baka kasi mapag kamalan akong baliw), at nag kkwento ng kung anu anu.

6 comments:

PoPoY said...

oi euen. namiss mo na ang dubai. cge balik ka na dun dali.lols biro lang.

nkakamiss talaga yung mga bagay na pinanggalingan mo, lalo na yung may sentimental value ek ek pa.


babalik na ba si euen sa dubai? abangan...lols

kuletz said...

popoy--> hahhaa NDE! isang kapital na N-D-E!!! oo inaamin ko nakakamiss ang dubai.. pero mahirap at malungkot ang buhay don eh...

PoPoY said...

euen. akala ko NDE = near death experience. nagulat ako kasi yun pa rin ang nasa isip mo eh iba na ang tapik ng current entry mo.

yun pala NDE = HINDI hahaha.

Anonymous said...

work its a very nice place, hopefully mapuntahan din yan nitong bakasyon

Anonymous said...

euen prang kilala nmen ni theng yun babae sa picture sa tabi ng creek.. hehehe.

kuletz said...

@yoj-->haha uu tae wag kyong maingay!! haha