WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Tuesday, November 25, 2008

Paumanhin at Pasasalamat

Sa naganap nun sabado ng gabi, nov. 22, 2008, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng saksi nung gabing iyon. Kun anu man ang pinag gagawa ko na nakakahiya eh pagpasensyahan nyo na dahil wala ako sa tamang pag iisip kasi naman, it’s unfair naman talaga!!! Hehehe kun meron man din akong nasabing masamang salita, nde ko yun intensyon, wala lang ako sa aking sangkatauhan… lintik na hephep hooray kasi yan! sa susunod gagalingan ko na sa games para nde na ko natatagayan… o kaya mag chuchukie na lang din ako sa susunod tulad ng ginagawa ni dudan… hehehe

May mga scene na nde ko na talaga maalala… yun mga pinag gagagawa nyo skeng mga trip, cge pasalamat kyo at nde ko maalala yun mga yon… hehehehe first time kong malasing ng ganun, promise!!! Kasi dati pag nalalasing ako naalala ko pa un mga pinag gagagawa ko… eh ito as in maraming bagay na wala akong maalala… yun it’s unfair na kinukwento nyo sken, oo naalala ko un… yun nag papaspell kayo sken, un lethalverses lang ang naalala kong pina-ispell nyo sken. Kasi parang medyo nahirapan ata akong i-spell un… hehhehe pero un WHAT, WHY, GREENPINOY, FACEBOOK, FRIENDSTER e nde ko na maalala… lakas ng mga trip nyo tsong!!! Hehehe


Nag papasalamat din ako sa mga taong nag-buhat, nag-punas ng s***, nag paligo, nagbihis at nag-alaga sken… kay ayz, sher, M, kdr at kay zee (na itinakwil akong kapatid nun gabing yun) kay cyberlola at kun cnu pang tumulong saken, maraming maraming salamat talaga at pasensya na…


Pahabol…

Gusto ko nga pala mapanuod ang video at pagtawanan ang sarili ko…

10 comments:

Anonymous said...

first time ko gumimik na may games at pag nagkamali ay tagay ang parusa. it was fun. pati ikaw nakakaaliw. kaya ako i swore off red horse. kung anuman ang mga ginawa mo that night, ganun din ata ang mga ginawa ko noon nung napainom ako ng redhorse. at totally can't remember a thing.
hanga pa rin ako sayo kse sa totoo lang andami mong nainom. i wanted to help ayz also in helping you. kaso mahina sikmura ko pagdating sa s***. pati ako napapas*** din pag nakakakita ng ganun e.
i can't say kung kelan ako makakasama ulet ng ganun sa gimik ng greenies, kse alam mo naman, strict si fafa. pero rest assured that you were safe with us. and you were so cute and soooo kulet the whole time. hehe.

Anonymous said...

BWAHAHAHAHAHA (insert the most diabolical laugh sound effect here)

L-E-T-H-A-L-V-E-R-T

anakanampupung yan, hahaha...

pero tama si antuken, you're in good hands naman at wala kang dapat ipag-alala.

wala ka dapat ipagsorry or ikahiya kasi sanay na kong magalaga ng mga senglot, at marami pang mas senglot pa sayo...

isa din ito sa mga pagkakataon kung saan nabubuo ang pagkakaibigan - sa mga lasingan.

tagay na!!!

and yes, it's unfair hehehe

Anonymous said...

wanna see the video?! sige sa linggo dalhin ko laptop ko.. hindi ko na nipost kahit saan sa internet. mas tama lang na tayo tayo na lang makapanood nun.

pero oo tatawanan mo sarili mo..

bwahahaha....

pero you dont have to apologize, given na yun na pag may inuman may malalasing. at youre in good hands naman e.. sa lahat ng inuman ko with them di naman ako pinabayaan (well di pa naman ako nalalasing except pala nung parang lasing lang ako dahil inatake ako ng vertigo)

o sya sa lingo.. handa mo tawa mo..

PoPoY said...

euen. hahaha. sa totoo lang...NAKAKATAWA ka talaga.lols. IT'S UNFAIR!!!! hahaha.

tama sila, uulitin ko ulit for the Nth time, you're in good hands with metrobank este sa greenies. at sana wag mo ako at sila sisihin dahil laging binabalik sayo ang game, hahaha. sinasadya namin yun, ay hindi pala hahaha. MINURA MO DIN AKO EUEN, BAD ka hahaha. pero oks lang alam naman naming wala ka na sa katinuan nun. wahahaha.

pero talaga euen, hindi masaya ang mga greenies partey kapag wala ka at hindi ka lasing (so far).lols

sana mapanuod ko din ang video na yan. hehehe.

till neks taym, euen :D

kuletz said...

uu nga eh buti nalang nasa mga mabuting palad ako... hehehe

@antuken--> feeling ko sa tequila un eh... nakarami kasi ako don hehehe at nandaya na nga ako eh kasi un huling shot tinapon ko na sa sink ni LV :D

@LV--> maraming maraming salamat pa din... naku at dinumihan ko pa pla ang place mo.. hehhe pasensya na ule :D

damdam--> ok cge sa linggo pow.. hehehe thanks

popoy--> sori kun namura kita... intindihin nlng ang senglot ok? hehhe... anung till next tym? wala ng nxt tym next tym, mag chuchukie nlng aketch hehehhe

sa lahat once again maraming salamat ule!!!

ayzprincess said...

ang kulet nyo! para kayong others! di kelangan mag sorry.. aaminin ko, tulad ni antuken, mahina ang sikmura ko sa suk*, at sobrang arte ko (siguro isa ito sa mga dahilan kung baket ayaw kong nalalasing dahil ayaw kong masukahan ang sarili ko!) naalala ko nung nasuka ako dati, pinipilit ako ng besplen ko na sa toilet sumuka, at sobrang i was thinking then, na "ewww! hindi na ko masusuka ever if i have to puke in someone else's toilet, no matter how clean they claim it is." ganun ako kaarte. :D

pero ibang usapan kasi kapag kaibigan ang may kelangan. pwede ka namang mag rant o mag inarte any other time but if a friend is in need, a friend is in need (read: you should be there to help)!

shet! haba! wala yung euen.. kape lang ang katapat namen! hahaah! joke!

kuletz said...

aww... ayz nakakatouch naman... huhu medyo muntik nakong maiyak sa sinabi mo :D... thank u thank u tlga ha?

the best tlaga kayong lahat!!! mwuuah

love you all greenies!!!

Xandrino Mangunay said...

mag chuckie ka nalang. baka malasing ka ulit. nakakaawa ka kaya noon.=>

Anonymous said...

oops special mention. :)

it was fun to be with you guys. still looking forward to have a drink with you and the others. promise sasali na kami sa first game.

kuletz said...

@dudan--> uu nga eh... uu magchuchukie nako sa susunod

@KDR--> wow napadaan ka! hehehe promise sa susunod sasali na kyo sa first game?? para fair naman!!! :D