WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Monday, November 3, 2008

Na-tag ako ni Lethalverses. NDEs.



At dahil sa na-tag ako ni LV, napilitan tuloy akong mag-share ng NDEs ko… hehehe pero ok lang, nag enjoy naman ako sarimuhain ang nakaraan.


************

College days. EAC dormitory

Katatapos lang ng klase at ako’y dumiretso sa dorm, naabutan kong natutulog ang aking kasama sa kwarto kaya nakitulog narin ako. Ang sarap ng tulog ko, sa sobrang lalim parang ayoko ng gumising. Napadilat ang mga mata ko, nakikita ko ang paligid ng kwarto namin. Gusto kong bumagon pero nde ko maigalaw ang mga katawan, kamay at paa ko. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri sa paa ko pero wala akong maramdaman. Sumisigaw na ko ng malakas na malakas pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napahinto ako at nag-isip kun anu na ang nangyayari sken.

Matikas akong nagpupumiglas na tila may nakabalot sa buong katawan ko para nde ako makagalaw. Pilit ko pa ding sinisigaw ang pangalan ng kasama ko sa kwarto at nang-hihingi ng tulong ngunit parang nde nya ko marinig. Paulit ulit ang mga pangyayari. Hanggang sa napagod na ko. At nang bigla nalang pumasok sa isip ko na dapat within 10 seconds magising na ko kundi malalagutan na ko ng hininga.



10


9

8


7


6


5


4


3

Nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Nagising ako na nag-hahabol ng hininga na parang sobrang pagod na pagod ako. Hay buti nalang at may nag-ddrop call saken nun time na un (nauso dati un drop call) kundi inabot siguro ako ng 3… 2… 1… ennggkkk

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ito ay kapanahunan ng may boyplen pa ako pero nde alam ng mga magulang ko. Nag paalam ako na makikipag kita lang ako sa kaibigan ko pero ang totoo ay kay "X" ako makikipag kita. Maaga akong umalis ng bahay dahil maaga ang usapan namin. Sumakay ako ng jeep papuntang baclaran (from sucat à baclaran). Mahilig akong umupo sa unahan ng jeep na katabi un drayber kaya don ako pumwesto. Sa trenta minutos na pag lalakbay naging ok naman ang biyahe namin hanggang sa may narinig kaming putok ng baril. Napahinto ang drayber sa pagmamaneho. May nakita akong dalawang lalakeng naghahabolan sa daan. Ang isa may dalang bakal at yun isa naman may dalang baril. Naabutan nung isang lalake ang kanyang hinahabol at don sila nagsapakan sa harap mismo ng jeep namin. Binunot ng lalake ang kanyang baril at nagpapaputok pero nde nya matamaan un lalake dahil pilit nyang sinasangga ito. Kumusta naman, kun san san napupunta ang balang pinuputok nya. Natakot ako at natulala. Nde ako alam ang gagawin, gusto kong lumabas ng jeep at tumakbo pero baka tamaan lang ako ng ligaw na bala pag ginawa ko yun. Napabulong nalang ako kay manong drayber na paandarin na un makina ng jeep at kumaripas nalang ng takbo! Pero si manong feeling nanunuod lang ng isang aksyon na pelikula at nde nya pinapansin ang mga nagpapanic nyang mga pasahero. Hanggang sa binatukan ata sya ng isang matandang babae sa likod nya at don lang sya natauhan na dapat na nga syang umiwas sa gulong yon.

Natulala at kinabahan ako sa mga pangyayari. Panu nga kung natamaan nga ako ng ligaw na bala? Nde pa naman alam ng mga magulang ko kun nasan talaga ko dahil nag-sinungaling lang ako sa knila, parang nakonsyensya effect tuloy ako. Parang gusto kong kausapin si Lord nun at sabihin na wag muna ngayon Lord, gusto kong humingi ng tawad sa mga magulang ko dahil sa mga nagawa kong kasalanan at sa pag-lilihim sa knila ng mga pinag-gagagawa ko sa buhay ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tama si LV na dapat sa bawat yugto ng buhay naten dapat tyong magpasalamat sa Diyos! We never know kun kelan nga tyo mamamatay dba? Pwedeng mamaya o kaya bukas. Aba malay naten, nde naman naten masasabi dba? Kaya dapat sa bawat segundo ng buhay, gawin naten itong makabuluhan at makasaysayan. Ibuhos na naten ang lahat ng ngiti at tawa sa mundong ito. Wag masyadong problemahin ang mga problema. Problema na nga, po-problemahin mo pa! Hehehe. At dapat matuto tyong mag-appreciate ng mga simpleng bagay sa paligid. Maliit man o malaki dapat mag-pasalamat pa rin tayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cge makiki-tag narin ako… dahil nasa listahan na ni LV ang gusto ko sanang i-tag, kya ang itatag ko na lang ay sina:

taraannn....

Phoebe

Antuken

Popoy

Cutedanger


7 comments:

Cutedanger said...

kasama ako lolz..
lam mo pareho tayo ng experience na hindi makagalaw kahit nakadilat na ang mata ko.. grabe dalawang beses ko na itong na ranasan.. pero ang magandang gawin dito eh.. galamin yung daliri mo sa paa.. effective naman sya sa akin basta ang isipin mong galawin eh yung gitna.. tapos pag ayaw parin itulog mo lang ulit..

Anonymous said...

nung una, natanga pa ako, kse di ko alam what NDE meant. nung nabasa ko ang post mo, yun pala. at ako pa ang i-tag. susko, magiisip muna ako ng matindi. wala ata akong ganito. hehe.

Anonymous said...

hala, may ganun din ako before - un na yata ang tinatawag na bangungot. and oo, I attempted to move one of my fingers lang sa paa para magising ako.

kuletz said...

@CD & LV--> nag try din akong galawin ang mga daliri sa paa ko pero nde ko nagawang galawin eh...

antuken--> hahaha ako din nun una eh at tinanong ko pa si LV, pero na gets ko din sya nun matapos kun basahin un blog ni lv.. hehehe

Axel said...

May na-experience din akong ganun yung naghahabulan yung pulis at magnanakaw ata yun... Nagbabarilan ba naman sa may FEU recto, at nasa loob na ko jeep...

Buti hindi tumakbo papunta samin yung magnanakaw...

kuletz said...

@axel--> ay bat nde pumunta sa inyo un magnanakaw?? sayang naman.. nyahhaa joke lang...

Axel said...

@ Kuletz >> talagang may galit ka sakin noh... sige, away na toh...
hehehe...