Noong nakaraan na huwebes, Nobyembre 27 sa taong kasalukuyan, alas nuebe ng umaga, nag punta ako sa Pedro Gil, may mga inasikaso lang na bagay-bagay. Maaga akong natapos mga 11 am ata, after ng lakad na yan meron pa akong kakatagpuin na kaibigan na nagmula pa sa ibang bansa, ang usapan namin ay 4:00 pm. So tumambay muna ako sa Robinsons Manila. At dahil mahaba pa ang oras ng paghihintay, ninais ko munang manuod ng sine.
Hmmm maraming magagandang palabas, nde ko alam kun anu ang panunuorin. Nde ko pinili ang twilight at bolt dahil may mga kaibigan na kong nagyaya na manuod nun. Kaya nag isip ako ng iba. Hanggang sa nakapag desisyon akong yun mga idol ko nalang ang panunuorin ko…
Papasok sa sinehan, namili ako ng uupuan, syempre don ako sa tipong walang makakatabi sken… dahil nde ako sanay na manuod ng mag isa lng, first time kong manuod ng mag isa, promise! Habang nanunuod, may umupong lalake sa bandang kaliwa pero mga 2 upuan ang pagitan. Ang nasa kanan ko naman lalake din pero may 2 upuan din ang pagitan sken (dahil naglagay talga ako ng paper bag sa mga tabing upuan ko). Medyo maingay ang dalawang lalake, puro comment… comment…comment… at tawa narin.. so hinayaan ko lng sila… pero nde talaga ko makatiis sa na aamoy ko (amoy matatanda na ewan), kaya lumipat ako ng upuan. Habang naglalakad sa loob ng sinehan at nag hahanap ng pwesto, kitang kita ko ang mga nanunuod. Oh my gulay! Natawa nalang ako sa sarili ko! Halos lahat ng nanunuod e matatanda na! promise walang biro! May nakita pa nga akong matandang lalake na may dalang tungkod at nakasalamin pa! meron din dalawang mag asawa na matanda narin. Nde ko alam kun bket puro matatanda ang nanunuod. Feeling ko ako lang ang bagets don! Nung nakalipat na ko ng upuan, talagang unti unti kong nilingon ang ulo ko pataas at tignan ule ang mga tao… puro talaga matatanda! Ewan ko ba, Ok naman un napili kong palabas. Nde naman jologs. Maganda naman. Sabi ko nga baka naman na wow mali ako? wag nyo nalang cguro alamin kun anu yun pinanuod ko...
Anyways nde yan ang kwento ko. Dahil malayo sa title ko. Gusto ko lng din ishare ang nangyari sken nung araw na yan… so mga 3:00 pm na, nag txt sken ang immeet ko at sabi mga 6:00 pm na lang daw dahil kakaalis lang daw nya ng bataan! Gosh masama pa naman pakiramdam ko nun time na to! Masakit parin ang lalamunan ko at nilalagnat na ko.. pero cge aantayin ko pa rin sya.. hay naku no choice ako kundi ulitin na lang ang palabas, pero this time tinulugan ko nalang sya…
6:00 pm nagkita na kmi nag kausap ko… kwento.. kwento… kamustahan… at yehey may pasalubongs aketch! Pero nde ko naman makakain coz masakit nga lalamunan ko.
Pauwi na ko, pag labas ko ng Robinsons nag lakad ako hanggang papuntang LRT. Ok lang maglakad coz marami din naman naglalakad at sanay narin ako maglakad don dahil nun college pa ko don kami madalas dumaan ng x ko.
Habang nag lalakad, sa di kalayuan may naririnig akong isang tinig na muling kumurot sa aking puso dahil sa ganda ng kanyang boses… excited na ko makarating sa bandang unahan dahil alam ko don nag mumula ang tinig ng isang babae… Nung matagpuan ko na ang tinig, nde ko alam kun anu ang mararamdaman ko. Nde ko namalayan na nakangiti na pala ang aking mga labi pero ang aking damdamin ay may halong lungkot. Tila gustong lumuha ng aking puso.
Isang lumpong babae na may hawak na mikropono at isang lalakeng bulag na may hawak na gitara na may lata sa kanilang harapan. Muli ko silang namukhaan makalipas ang mahabang panahon. May halong tuwa dahil sila parin ang dalawang talentadong pulubi na nakikita namin tuwing dadaan kami ng x ko don… may halong lungkot sa kadahilanang nde ko maipaliwanag…
Maraming tao ngayon na kumpleto pa ang pangangatawan at maliliksi pa pero ang hanapbuhay naman nila ay ang pang hoholdap, pang issnatch, pang durukot, pang durugas at kun anu anu pa. nde katulad ng dalawang taong ito na sa marangal parin ang kanilang ginagawang trabaho upang may pang tawid lang kanilang gutom. Sa mahabang panahon silang nag titiis ng ganung uri ng pamumuhay. Kun may magagawa lang sana ako. Pero mumunting dasal lamang ang maibibigay ko sa kanila.
3 comments:
very touching ha!! at dun pala kau nglalakad ng x mo hehehe.. i can imagine d place ng pedro gil, mlamang wala pa din pinagbago..
@theng--> wala parin pinag bago... pero un robinsons medyo lumaki na sya.. dami na nyang wings!!! hahaa parang whisper lng eh noh!!
後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮
Post a Comment