WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Thursday, October 30, 2008

"Case Unclosed"


Tuwing araw ng patay lagi kaming nasa sementeryo kasama ang mga kamag-anak namin. Parang nagiging reunion na nga namin ang araw na to! Nagsimula lang ang pag-titipong ito noong taong 1988 ng mamatay ang pinsan ko dahil sa isang karumal-dumal na krimen na ginawa skanya….

*************************

Taong 1988 (sorry nde ko maalala kun anung month eh), nagkaroon ng konting pagsasalo ang mga magbabarkada sa bahay nila. Mga barkada, ngunit nde maituturing na “kaibigan”. Kasama din sa pagsasalo ang kanyang irog. Masasayang halakhak, tawanan at biruan ang maririnig sa kanilang mga labi. Matapos ang kainan, nagkainuman ng konti. Kwentuhan... Asaran... Biruan...

Sa may bandang kusina piniringan ang kanyang mga mata. Walang kamalay-malay kung anu ang gagawin sa kanya. Ang isang kabarkada kumuha ng isang tubo o pamalo at hinampas-hampas ang kanyang katawan. Pati ang kanyang ulo at paa hinampas din. Sumisigaw… Nag-mamakaawa… Nag-hihinagpis, ngunit walang magawa dahil pati mga kamay nakagapos din. Pilit na umaawat ang kanyang kasintahan upang huwag lang syang masaktan, ngunit isa lamang syang babae, walang sapat na lakas para awatin ang mga barkadang lalake.

Malakas ang kanilang sound system kaya akala ng security guard ay pawang nagkakatuwaan lamang ang mga tao sa loob ng bahay. Nagpupumilit lumaban ang kanyang kasintahan, ngunit pati sya ay dinamay! Hinampas! pinalo sa ulo! Patuloy ang mga magbabarkada sa pananakit sa dalawa, na pawang tuwang-tuwa pa sila sa mga pinag-gagagawa nila. Ang kanilang mga katawan ay tipong naging lantang gulay na. Hanggang sa nawalan ng malay o tuluyan na ngang nawalan ng hininga. Hindi pa rin sila nakuntento at sinunog pa nila ang buong bahay!

Kinaumagahan, isang abo na tahanan at dalawang bangkay ang tumambad sa isang inang nag-hihinagpis sa galit.


Ang kwentong inyong nasaksihan ay ang kwento ng pagkamatay ng aking pinsan na 16 years old pa lamang ng mga panahong iyon. Nakakapang-hinayang dahil sobrang bait at gwapo pa naman ng pinsan kong iyon (kamukha si Richard Guiterrez). Na hanggang ngayon nde namin mawari kun anu ang dahil kun bket nila nagawa yun.

Nakakalungkot man isipin dahil hanggang ngayon nde parin nabibigyan ng katarungan ang karumal-dumal na krimen na iyon. Tuwing naaalala naming ang mga pangyayari yun, ang tanging hawak lamang namin upang magkaroon kami ng tibay ng loob ay ang panalangin at konsensya nalang sa mga gumawa nun.


Para sa aking pinsan: May you rest in peace...

10 comments:

Anonymous said...

awwts.

nakakakilabot, so sad. brings chills to my spine.

ano ang motive?

..maraming mga katanungan, ngunit paano masasagot?

kuletz said...

@LV--> kahit kami maraming katanungan na hanggang ngayon walang kasagutan...

womanwarrior said...

what a way to start the day...nakalulungkot maalala ito. pero God allows things to happen for a reason.

Anonymous said...

Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, lalo na siguro sa gantong paraan.

Nakakalungkot isipin na after 20 long years hindi pa rin nasasagot yung mga katanungan nyo.

Tama si lola, may dahilan ang lahat.

PoPoY said...

bakit ganun? 20 years and still counting wala pa ring nangyayari?

ang hustisya nga naman dito sa Pinas. tsk tsk

may He rest in Peace nga kuletz

Axel said...

Syet!! Yoko ng mga ganyan usapan, dahil ang sarap pumatay ng tao... Lalo kung alam ko kung sinu gumawa nun...

Hayaan mo magkakaron din ng katarungan pinsan mo...

Anonymous said...

natypo typo pa ko para lang hanapin tong blog mo. lol.

at kamusta naman ang bumungad sakin, napakalungkot na entry... ;c

Cutedanger said...

=( so sad naman.. sana multuhin nya yung gumawa sa kanya nito..

kuletz said...

@lola--> galing kami ng loyola nun sunday at tama ka 15 palang pla sya nun... 3 mos nalng at mag 16 na. hehee

@pampoy--> salamat sa pag daan.. mwuah

@popoy--> uu nga eh... walang nangyari!!!

@axel--> salamat sa simpatya mo.

@leyn--> hehe naku nahirapan kaba? hehehe salamat po sa pag daan...

@CD--> naku kun ako yun, mag mumulto tlga ko!! hehehe

Axel said...

Yung sa tito at tita ko, pinagnakawan at pinatay ng trabahador nila... Hindi ko nga lang maalala kung nahuli na yung mokong na yun...

Parang napanood ko yan dati sa balita... hmmm...