WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Friday, October 24, 2008

Ang kwento ni Moto(rola)

Nakipag kita ako sa isa kong kaibigan na galing Dubai. Usapan namin sa Trinoma at 2 pm. Umalis ako ng bahay ng 1 pm. Mga banding 1:30 pm nagtxt sya sken kun nasan na ko… sabi ko nakaalis na ko ng bahay, wait nya lng ako. Nakasakay na ko ng bus at aba naman napaka trapik simula bicutan hanggang magallanes. Bumaba ako ng mantrade at nag MRT nako para mabilis. Dinukot ko ang cellphone ko mula sa maselang bahagi ng katawan ko, na kun saan don ko sya tinatago tuwing nagcocommute lng ako… takot kasi akong baka maholdap o ma-snatch-an ako (alam ata nila Mariano at Ayz kun sang parte ng katawan ko to!)… kaya don ko sya tinatago pra nde mahalata… Pagdukot ko sa cellphone ko eh anak ng tokwa’t baboy!!! Puro puti lang ang screen, wala akong makita!! Sinubukan kong patayin at buksan ule pero wala paring nangyari, tinanggal ko narin ang battery at simcard baka sakaling gumana, ngunit subalit ako’y nabigo… Patay kang bata ka!! Nde namin napag usapan kun san banda sa Trinoma kami magkikita… Habang nasa MRT ako nag-isip ako ng mga paraan kun paano ko makokontak yun kaibigan ko… Pagdating ko sa Trinoma, una kong hinanap ang telephone booth na hinuhulugan ng piso piso… Ayun at nde ako nahirapan maghanap dahil sa bungad palang meron ng restroom at meron telephone booth… Anak ng pating!!! Out of service ang hinuhulugan ng piso piso… un phone card lang ang inaaccept… Edi hanap na naman ako ng ibang telephone booth… libot… libot …cge libot lang… ayun meron telephone booth!!! Anak ng teteng naman ohhh… ganun din out of service din!!! Taeng yan baket pa sila nag lalagay ng ganyan sa mall kun nde rin mapapakinabangan?

2:30 pm na at nde ko parin sya nakokontak… libot.. libot ule… nag tanung na ko sa security guard kun san merong matinong telephone booth… at tinuro nya ko don sa isang sulok… hay buti naman at gumagana na… nag-hulog ng piso… nag dial ng numbero sa bahay… kinausap ko si mama na kun pwede tawagan nya yun kaibigan ko dahil alam ko meron syang numero ng kaibigan ko… aba isa din tong pasaway si mama at binura na daw nya un numero… sabi ko idouble check nyang mabuti at kun sakaling makausap nya, sabihin na sa starbucks na lang ako maghihintay sa kanya…(nagkakalikot sya ng cellphone nya) at ayun meron pa daw syang numero, nag-aantay pa din ako sa telepono habang tinatawagan nya… ring… ring…ring… ring… wala daw sumasagot… tinanong ko sya kun yun smart ba yun tinatawagan nya.. sabi ni mama “anak e2 un number oh… +97150*******” … ngeekk anuber? yang yun number nya sa dubai!!!! Grrrr so wala talagang pag-asang makontak sya…

Palakad lakad, nag-babaka sakaling makita ko sya sa loob ng Trinoma… nag-iisip ng ibang paraan… hanggang sa kakalad ko napunta ko sa food court… may nakita akong isang babae na kumakain…. Napahinto ako at nag-isip na kun pede makiusap ako sa babae na hiramin ang cellphone nya at isasalpak ko lang simcard ko… aba ayaw pumayag!!! Mukhang nde sya naniniwala sa sinasabi ko at mukhang akala nya eh mandurugas akong tao… hmmmpp ok fine kun ayaw mo edi wag… lapit ako don sa guard at nagtanung din ako kun pde makihiram ng cellphone at nag explain pa ko para nde naman ako pag-isipan ng masama… ngeek walang cellphone si manong guard at bawal daw cellphone habang nakaduty sila… balik ako sa food court at may nakita akong mag syota… kakapalan ko na mukha ko ule… nag explain ako at nanghiram ng cellphone at wakas pumayag sila… sinalpak ko ang sim ko sa cellphone nila… anak ng santakidiburibot!!! Nde naka save sa simcard ko ang number nya!!! nasa phone memory ko!!! Grrr…Hay… anu na gagawin ko?? Umupo muna ko at sinubukan kong kalikutin ang cellphone ko…baka sakaling gumana.. hinampas ko na sya sa palad ko baka may konting piyesa lang na nausog… hay wala pa din… tinitigan ko sya… aba nagvibrate!!! Nde ko alam kun text ba un o tawag… aba mahaba-habang pag-vivibrate ito ha!!! Malamang tawag!!! Edi sinagot ko… haayyy salamat… buti at nag kausap rin kami… so ayun nagkita na rin kami sa wakas, kumain at nag chikkahan kami hanggang 7 pm.

Bago ako umuwi dumaan ako sa starmall kila kuya para ipagawa ang cellphone ko… sabi ko, gumagana sya pero wala akong makita sa screen. Binuksan nya ang cellphone ko at ni-diagnose… meron syang nakita sa isang maliit na piyesa na may puti-puti… sabi nya sken “ayan kita mo yan?? Nde gumana LCD ng cellphone mo dahil dyan… alam mo ba kun anu yan?? Pawis ata yan eh..” Nyhahaha putek na yan!!!! Naalala ko sa MRT nung dukutin ko sya sa maselang bahagi ng katawan ko na medyo mamasa-masa pa sya… nyhahaha kase namen… dahil pla sa pawis!!! sang damak-damak ang inabot ko na problema ng dahil lang sa pawis!!!

7 comments:

ayzprincess said...

ang moral lesson??

waG magpapawis.. ahahah

Anonymous said...

ahahaha. kakainis yang ganyan ano. at least you didn't have to pay for any repairs or part na kelangan palitan.

yung office issued phone ko, isang umaga pag gising ko e blank na lang ang screen. so dala rin ako kay manong. may kailangan palatan. 1kiyaw daw. lintek. eh di shempre hugot ako isanlibo at pinagawa. ang masaklap? di pwede ma-reimburse sa office. lekat.

kuletz said...

@ayz--> korak!!! wag mag papawis!!! hehehehe

@antuken--> uu nga eh buti at business nila kuya ang cellphone repair kaya di nako nag bayad pa.. kasi kun sa iba to aabutin to ng isang libo eh.. :D

PoPoY said...

ahahaaha. adik ka euen tawa ako ng tawa. nawala yung sakit ko dahil sa pawis na yan. haha.

bakit kasi naglalagay dun ng cellphone. pede namang sa bulsa. maging mapagmatyag na lang kung tako maholdap or mas magandang magdala ng cellphone na ndi ganun kalaki ang halaga at hindi panghihinayangan kapag nanakaw or naholdap? :)

Cutedanger said...

meron ka palang blog.. anyway ano ba yang malas na bumapo sayo e bakit kasi mamahalin ang cp na dala eh.. at itatago pa sa maselang bahagi ng katawan.. =)natawa ako sayo parang ako yung nawindang na di mo alam kung pano makikita yung friend mo..

Anonymous said...

hehe ang hassle ng araw mo na yan.

ang pawis pala, parang virus para sa mga cellphone. hehehe...

kuletz said...

@popoy--> kahit sa bulsa pedeng madukot noh!! hehehe

@cutedanger-->hahaha uu nakakawindang tlga un...

@taps-->nang dahil sa pawis!!! bow