WAG KA NG CHUMEVER PA!! AND MAG BASA KA NA LANG NG BLOG KO!!! »

Wednesday, October 22, 2008

Usapang ama



Isang umaga sa isang hapag kainan, masayang sabay sabay kumain ang ina, ama at ang anak. Kwentuhan… kwentuhan…kwentuhan… hanggang sa mapunta ang usapan sa:

Ina: anak, buti naman nde na mainit ang ulo ng tatay mo ngayon.
Anak: uu nga eh, lam mo ama dapat binabawas -bawasan mo yang pagiging mainitin ng ulo mo eh.
Ina: uu nga anak eh, madali talagang mainit ang ulo ng ama mo eh
Anak: (habang sumusubo ng kanin at sausage) Naalala ko nga dati noong maliliit pa lang kami, maliit na bagay lang nag iinit na agad ulo mo… pinapalo mo na kami agad!
Ama: Aba pasalamat nga kyo dahil kun nde ko kayo dinisiplina ng mabuti eh nde kayo magiging ganyan ngayon
Anak: oo nga andon na kami sa disiplina.. pero mali un paraan mo ng pagdidisiplina mo samin.
Ama: (habang naghihimay ng pritong isda) asus anung mali don?
Anak: konting bagay lang pinapalo mo na kami ng sinturon, pagkakamali ng isang anak, lahat damay na! naalala ko pa nga dati pinapaluhod mo pa kami sa monggo o kaya asin tapos meron pang libro na nakapatong sa dalawang kamay namin. Kaya nun bata ako kapag naririnig kong nagagalit kana eh diretso nako nagpupunta ng banyo at maglolock ng pinto… one time pa nga, dali dali akong pumanik sa hagdan at nag lock ng pinto ng kwarto para nde mo lang ako masuntok at mapalo ng sinturon eh
Ina: (habang hinahalo ang timplang kape) oo nga ama naalala ko yung mga yun, kahit nga ako sa sobrang lakas ng suntok mo eh tumilapon pako sa ref naten eh

Nagtawanan ang lahat sa pag kakawento ng ina. Sa ganitong pagkakataon parang ok lang balikan ang masalimuot na nakaraan dahil alam ng lahat na tapos na iyon.

Anak: Alam mo ama, para saken mali yun ganung paraan mo ng pagdidisplina samin.. alam mo kung baket??
Ama: cge nga baket?
Anak: Unang una, nagkaroon kami ng takot syo… bata pa lang kami nun at may takot na kami syo. Pangalawa, ang dami naming bagay na nililihim syo, dahil pag nalaman mo, alam namin na magagalit ka. Pangatlo, bilang anak syempre gusto naming maging open sa mga magulang para makapag bigay kyo ng payo sa amin, pero dahil sa takot namin syo, lahat ng problema namin ay isina-sarili na lang namin. Pang apat, oo inaamin ko nung bata pa ako nag karoon ako ng sama ng loob sayo, pero ngayon wala na.
Ama: ahh may sama ka pala ng loob saken ha? (pabirong sabi ng ama habang kinukurot kurot at kinikiliti ang anak)
Ina: o ayan ngayon alam mo na ang mali mo… at yan ang naging resulta sa mga anak mo… ang isa pang mali syo eh nde mo matanggap na mali ka. Lagi ka na lang tama. Hehehe
Anak: Ni nde mo nga alam na nag ka boyfriend ako eh. Nung debut ko, lahat ng bisita, lahat ng kamag-anak pati mga katulong naten alam kun sino yun bf ko don.. eh ikaw lang ang nde nakakaalam. Nyhahahaha
Ama: Ah ganun ha? Ikaw naman Ina kinukunsinti mo pa ang anak mo… eh kun nabuntis agad yan?
Anak: Yun nga eh, pasalamat ka dahil nde ako ganung klaseng anak! Yun iba dyan the more na higpitan mo sila is the more na nagpipiglas sila at nagrerevenge pa! Pasalamat ka at may maganda at mabait kang anak! (pabulong at pabirong sabi ng anak)……..

**Nitong buong linggo ko, naging highlight ata ang buhay ko sa AMA. Nung isang gabi lang may naka chat ako at ang pinag usapan namin ay tungkol sa isang ama din. Hanga ako sa kanya! Yun lang masasabi ko sa kanya. Pero nung may sinabi sya sken na “Kaya ikaw, kyo, mahalin nyo father nyo lalo”, parang natigilan ako ng ilang sandali at nag isip. Kasi nung bata pa ko inaamin ko nag karoon talaga ako ng sama ng loob sa father ko! Dumating pa nga ko sa point na, sabi ko sa sarili ko na sana iba na lang ang naging ama ko. Alam ko mali ang ganung pag iisip pero dahil sa panahong yon masama talaga loob ko sa kanya.

**Naalala ko din dati laking tuwa ko nang ako’y magccollege na dahil mag dodorm na ko at ma-leless na ang panahon na makakasama ko sya (every Saturday at Sunday lang akong nasa bahay).

**Umabot din ako sa point na ilang taon ko syang pinagdasal para lang magbago na sya. At sa awa ng diyos after nung pagka graduate ko ng college don ko napansin na medyo nag bago na sya. Dahil nung mga panahong yon, don ata sya natauhan sa sinabi ng kuya ko na “Alam mo masaya na sana tong pamilyang to eh…kaya lang ng dahil syo……...” . Nag aaway yan sila ng papa ko at ng kuya ko ng marinig naming lumabas yan sa bibig ng kuya ko. Mahabang panahon bago kami imikin ng papa ko at parang simula nun don sya nagbago… siguro may narealize sya don sa sinabi ng kuya ko…. Kaya laking pasasalamat talaga naming pamilya at medyo nag bago na sya. (Maraming salamat talaga Lord!)

**Haayyy. At kaninang umaga super na badtrip na naman ako sa kanya… Simula nun nagbago na sya, ngayon lang ako ule nabadtrip sa kanya. Parang gusto kong tumakbo, umiyak, lisanan ang lugar, kumawala, sumigaw at kung anu anu pa!
Diyos ko bigyan nyo po ko ng mahabang pagpapasensya, unawa, at pagmamahal.


**Ganun pa man at sa kabila ng lahat “MAHAL NA MAHAL KO PARIN SYA”

1 comment:

Anonymous said...

ayun o! naka blogspot na sya!! weeeeeee!!!